SUNSET Pagkatapos ng aming pulo't gata, nang makapagbihis ay sabay naming tinungo ang kwarto. Nag-half bath muna ako dahil malagkit ang katawan ko. Pero ang asawa ko, sumabay pa talaga sa akin. Pero wala naman nangyari kahit panay ang pasaring niya sa akin. “Hindi ka pa ba matutulog?” Tanong niya ng makita ako na abala sa paglalaro sa phone ko. Matutulog na yata siya dahil maya't maya na ang hikab niya. “Hindi pa ako inaantok. Nasanay kasi ako na ganitong oras ay gising pa ako. Hindi kasi pagod ang katawan ko kaya hindi kaagad ako dinadalaw ng antok,” paliwanag na sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa nilalaro ko. Pinatong niya ang kamay sa tiyan ko at kinabig sa akin palapit sa kanya. “I'm sorry, baby. Alam mo naman na gusto lang kita protektahan kaya hindi na kita pinapa

