SUNSET “Nagulat ba kita?” tanong pa nito. “Medyo,” sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Alanganin itong ngumiti sabay kamot sa ulo nito. “Sorry.” Kumunot ang noo ko ng ngumiti ito. Magkahawig talaga silang dalawa. Pero walang nabanggit si Ryker na may kapatid siya. “Okay lang. Sige, aalis na ako.” Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad. Bigla kong naalala si Ryker, hindi pa pala kami tapos mag-usap na dalawa. “Moony, nandyan ka pa ba?” “Yes, I'm still here, and I clearly heard someone talking to you,” matigas nitong sabi. Malutong akong tumawa. Halatang nagseselos ang asawa ko. “What's funny?” Tila naging iritable ang boses nito. Napaghahalataan tuloy. “Wala, may dumaan kasi at nadapa kaya natawa ako,” natatawang katwiran na sabi ko. “Sige na. Palabas na ako ng

