SUNSET Ilang oras na ay hindi pa rin ako makatulog. Gusto kong bumangon para silipin ang lalaking iyon pero baka isipin naman niya ay hindi ko siya matiis. Ngunit kalaunan ay marahas akong bumangon. “Sisilipin ko lang naman,” kausap ko sa sarili. Umalis ako sa kama at tinungo ang pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan. Bahagya akong sumilip sa maliit na siwang at hinagilap siya ng mata ko. Hindi ko s'ya makita kaya nilakihan ko pa ang awang ng pintuan. Pinili ko na lang lumabas ng silid para makita kung kumusta ang sitwasyon niya. I walked slowly. Nakayapak lang ako kaya walang ingay na maririnig habang naglalakad ako. Tahimik ang paligid kaya posibleng tulog na siya. Hanggang sa napahinto ako ng may bahagyang kumilos sa sofa. Inaninag ko siya ng mabuti. Nakagat ko na lang ang labi

