SUNSET Walang imik na hinarap niya ako, na kahit sinampal ko na siya ay parang handa pa rin niyang salubungin ang galit ko. “Masakit ba? Kulang pa ‘yan kumpara sa sakit na naranasan ko,” puno ng pait na sabi ko. “Hindi ako makapaniwala. Hirap na hirap akong pigilan ang nararamdaman ko para sa ‘yo tapos… malalaman ko na ikaw rin pala ang lalaking pakakasalan ko? Naisip mo ba kung ano ang mararamdaman ko kapag nalaman ko ang totoo? Nakita mo ba kung ano ang naging resulta? Nasaktan ako sa ginawa mo, Ryker Maximus De Luca a.k.a Mr. Trevino.” Pinagdiinan ko ang ginamit niyang pangalan. I wonder kung saan na naman niya ito kinuha. Lumamlam ang mata niya. “I know, I know, and I'm sorry for causing you so much pain.” Pagak akong tumawa. “Sorry? What's the use of apologizing if the damage h

