ASP 3

2032 Words
For a while silang tatlo muna ang nakasama ko. Sabay sabay nalang kaming mamasyal once na makapanganak na ko. Tatlong araw lang silang nagstay dito sa France. Bumalik na sila ulit sa London. I am bored here. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagkaboring at kalungkutan. Nasanay kasi ako sa presensya nilang tatlo. Nakakainis. Buti nalang dumalaw si Ate Maria dito sa bahay namin. Maria Montecarlos Aguirre, the elder sister of Alexander and Pacifico. Mas matanda lang si Sergio sakanila ng ilang taon. "Hi! How are you?" She asked nang makarating sa pwesto ko. I smiled at her. Ate Maria is one of my lady idol. She's beautiful with the brain. She's sexy. Modeling fitted her. Kaya sikat rin siya gaya ng kanyang mga nag gaguwapuhang kapatid. "I'm fine, ate. Ikaw? Ngayon ka nalang ulit nakadalaw ah? After 5 years." I chuckled. Tumango siya at sumeryoso ang maamo niyang muka. "Gosh! Yung mga photoshoot ko kasi ang lalayo. That's why my schedule is really hectic. Ang daming offer sakin ng industry malalaking project. Sayang din iyon kung tatanggihan." She chuckled. I told you, she's smart and time is gold for her. She doesn't want to waste any single time. "Mabuti nalang at naisipan mo kong dalawin sa kabila ng pagiging busy mo. Muntik na akong magtampo, ate." Nakasimangot kong sabi. "Ano kaba? Syempre maglalaan ako ng oras para sayo kahit gaano pa ko kabusy. Ikaw pa ba? Alam mo namang love na love kita."saka siya yumakap sakin ng mahigpit at pinupog ako ng halik. I choked buti nalang at napansin niyang buntis ako. "Oh? What happened? Who's the father?" She didn't know too. Sabi ko nga isinikreto ng pamilya namin ang tungkol dito. "My damn brother don't tell me about it. Did Xander and Pacifico know?" Umiling ako. Aware naman si ate na di maari. "So? Sergio did?" Tumango ako. "Light Hedone members knew it. Because they're the rival of Dark Deimos kaya nangyari sakin ito." Napayuko ako. Tinaas niya naman ang aking baba para magtama ang aming paningin. "What do you mean?" She asked confused. "The father of my child is no other than.." "Who? Cmon spill it." "Danielle Raphael Salvatore." Nanlaki ang maganda niyang Mata sa narinig mula sa akin. I pouted my lips. Bakas sa muka niyang Hindi siya makapaniwala. Sino bang Hindi? "Paano? B-Bakit?" Tila hindi siya kumbinsido. Napangiti ako ng mapait. "He abducted me. He raped me." I said. Hindi ko na sinabing ginusto ko rin naman. "Damn him! Ang sarap niyang sampalin!" "Its okay ate. I'm fine. After all, Dyniosus Rage is a blessing." I told her. Natahimik siya at naawang sinipat ako. "Is it really okay?" "Yes. In fact, wala na rin naman akong magagawa kundi tanggapin dahil nandito na ito. I love Dyniosus not his father. I hated him. By the way, Ate can you do me a favor? Don't tell Him that we have a child. Ayokong ilayo niya sakin si Dyniosus isa pa, walang kasiguraduhan sa lalaking iyon. I know ginamit niya lamang ako para gumanti. At wala lang iyon sakanya. Babaero siya, masasaktan lang ang anak ko pag nagkataon. I won't make it happen. Never." "I understand where you came from. You can count on me." After that, nagkuwentuhan na kami at kumain ng tanghalian. I love Ate Maria, Simula pagkabata ay napakabait na nito sakin. She treated me like her real sister. Sa sobrang tuwa niya sakin ay nirereto niya sakin ang kanyang mga kapatid na di ko naman gusto at di rin ako gusto. Kaya bigong bigo siya. I apologize to her. "Cmon kuwentuhan mo ako. Anong makikita sa ibang bansa na pinagtravelan mo?" Pangungulit ko kay Ate Maria. She smiled. "Kung sa Korea lang e, my Namsan tower, Everland Theme park, Nami Island, Gyeongbok Palace at marami pang iba. The place is cold. Halos umusok na ang aking bibig kada lalabas ako. Food is delicious and good for the health Hindi kasi sila mahilig sa preservatives. Natural lahat." I nodded saka tinanong ang tungkol sa mga kpop idols na kilala namin. Umattend din siya sa concert ng BTS noon sa Hong Kong. Buti pa siya, gusto ko pa namang makita si Jungkook at V Taehyung. Kaya lang buntis kasi ako kaya di ako makagala. Damn! I am only 21 years old halos kaka-bente uno ko pa nga lang nitong November 20. Nagkaraoke kami ni Ate Maria noong mag Gabi. Ate Maria had a beautiful voice. Gaya ng mga kapatid niya. Nakakainggit! She's talented. Piagluto niya rin ako ng paborito kong pagkain--French Cuisine. Magaling din siyang magluto. Cmon! Ang swerte ng makakatuluyan ni Ate Maria. "Do you have a boyfriend?" Wala sa sarili kong tanong. Natigilan siya sa pagsubo. She smiled at me bago sumagot. "No, mas focus ako sa career ko. Magiging komplikado lang kasi ang lahat. And I don't want to gamble in that game when I know in the first place that I can't manage." Tumango ako saka sumubo ng dessert. Sana hindi barumbado ang makatuluyan ni ate. "So? What did Onyx said?" "He want to be the father of my child. Balak niyang akuin. Hindi lang ako pumayag." "Onyx love you so much. He's madly in love with you to the point na gusto niyang akuin ang bata." Napayuko nalang ako. Ang malas ni Onyx sakin. "Pero alam mo sayang kayo. Kayo sana ang magkakatuluyan kung wala lang nangyaring ganito." Hindi nalang ako kumibo. Tabi kaming natulog ni Ate Maria noong Gabi. Nakasanayan na namin. Kahit may guest room naman. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako agad. Nagising ako sa sinag ng araw mula sa labas. Umaga na, tulog na tulog pa si Ate Maria. Kaya Hindi ko na siya ginising muna. Sigurado akong pagod na pagod siya at ngayon lang siya ulit nakakuha ng pahinga. I went down para sa bayan sila Mom At Dad mag umagahan. Nang nakaramdam ako ng sakit. Pumutok na yung panubigan ko buti na lang nasa baba na ako. Mabilis na tumakbo ang mga kasambahay para tulungan ako. "Ma'am! S-Sir! Manganganak na po si Senyorita!" Nagpapanic na sigaw ng mga ito. Agad na nagsipasukan ang mga men in black ni Daddy at dinala ako sa kotse. Mabilis nagdrive si Manong Ben papuntang hospital. Thanks God at nakayanan ko. I prepared myself when I go inside the operating room. Luckily, maalwan naman ang aking panganganak kahit napakatagal. Tuwang tuwa sila Mom at Dad maging si Ate Maria na kadarating lang sa ICU. "He's so handsome.." Puri nila Kay Dyniosus. I smiled at doon ko lang naramdaman ang pagod at antok. I kiss him before I take a nap. After 5 months... We book a flight to London. Naiwan sila Mom at Dad sa France. Marami din silang inaasikaso na naiintindihan ko naman. Hindi ako nagtampo o ano sakanila. I am a parent now. I should understand my parents too. Manang Lala come with me. Naiwan si Hana sa piling nila Mom at Dad. Napasok pa kasi yon ng Highschool. Konti nalang naman ay gagraduate na siya kaya tiis nalang. Bago na siya sumunod dito. London is a beautiful place. Maraming magagandang lugar na maaring puntahan o galaan. Ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. 4 years later.. I look around, kanina pa ko paikot ikot dito sa park pero wala akong makita. Nagsisimula nanaman akong kabahan dahil di ko nanaman makita si Dy. Saan nanaman kaya nagtago ang batang iyon? "Baby..we need to go home. Where are you?" Paulit ulit kong tawag. Pero hindi ko ito makita. "Manang si Dy? Hindi niyo nakita?" Halos ipinahanap ko na rin siya sa lahat ng bodyguard namin. Pero wala talaga. "Are you looking at him?" Napalingon kami sa baritonong boses ng nagsalita. Nakita ko si Lucky Hiro Yamamoto kasama si Wayne Ace. Halos lumundag ang puso ko sa kaba. Hindi pwede. At mas dumoble ang kaba sa puso ko nang makita si Dy na karga karga ni Randall. The hell?! Anong ginagawa nilang tatlo dito sa London? Titig na titig ang guwapong muka ni Randall at nang dalawa pa Kay Dy. Tila inaalisa ang muka at way ng pag gesture nito. Dy is handsome kahit na bata palang siya ay taglay niya na ang dugong nanalaytay sakanyang ama. They have same set of eyes. Para siyang carbon copy ni Raphael. Walang mintis ma's maamo lamang si Dy kumpara sa kanyang ama na medyo ruthless ang datingan. Natatakot akong mapansin nila iyon. Kaya mabilis kong inagaw sakanila ang 4 years old kong anak. He look at me with innocent eyes. Sa tuwing titingin ako sa bata o kaya ako ang titingnan nito ay naalala ko ang kanyang ama. Pareho sila na para bang ama niya mismo ang nakatingin sa akin. "long time no see, Ellie." Bati ni Randall sakin sabay ngisi. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Your son?" Tanong ni Wayne na di ko alam kung pano ko sasagutin. "Mama.." Sabay tango ni Dy. Matutuwa Sana ako sa ibang pagkakataon kung hindi ko lang kaharap ang tatlong hudyo. Dy is genius like his father. Kaya kinabahan ako dahil alam kong matalino rin ang mga miyembro ng Dark Deimos. "He look familiar.." May panuyang turan ni Randall. Kinabahan ako. Kung ang iba ang makakita sa tatlong ito ay siguradong pagkakaguluhan. Buti nalang may eskwela ngayon kaya kami lang ang naroon. Kung nagtataka kayo kung pano ako nakilala ng mga ito? Simple lang iisang school ang pinanggalingan namin. At ako lagi ang natatalagang muse ng buong campus. "Cmon. Malay mo kahawig lang. By the way he's handsome." Sambit ni Wayne. "Who's the father?" Seryosong tanong ni Hiro. Hindi ako nakapagsalita. Tila umurong ang dila ko. "Boss, kelangan niyo na pong bumalik. Nagpatawag ng meeting ang current leader ng mafia." Narinig kong bulong ng tauhan nila. Kaya tumango lang sila sakin at nagpaalam na. Mabilis naman akong tumalima para umuwi. We're not safe here. Kung nandito sila sa London Hindi malabong kasama nila yung apat pa. Inasikaso ko na yung mga documents na ipapakita ko sa board mamaya sa conference. Maglalaunch kasi kami ng bagong produkto para sa natural skin. At ilan pang beauty products. I just need their approval before I decide. Mabilis ang development ni Dy, kumpara sa normal na bata. Nung mag iisang taon siya ang bilis niya ng maturuan. At nang mag isang taon nakakapagsalita na ng unti unti hanggang sa buo na niya yung mga words na naiisip at naririnig niya. Nang mag dalawang taon nakakalakad na siya mag isa. Pero ginagabayan pa rin dahil napakabilis niyang maglakad. Kapansin pansin din na marami itong talento. Husky kasi ang boses ni Dy kaya nakakatuwa kapag nagsalita. "Mama come back." Tumango ako at humalik sa noo niya saka siya niyakap. Nagtagal ng tatlong oras ang conference mabuti nalang at may PSP na mapaglilibangan si Dy. Napakapilyo pa naman ng batang yun. Kung ano nalang ang maisipan. Moody at mabilis topakin. Mabilis akong nagtungo sa office kung san ko siya iniwan. I found him playing seriously. In his early age my son is a prodigy. Matalino siya pagdating sa academics. Kahit basic palang ang tinuturo ko sakanya ay kayang kaya niya na. Hindi mahirap turuan. I kiss his cheeks saka siya kinarga. Hindi ako nito pinansin. "Mama bring me down." Utos nito sakin napangiwi ako dahil doon. Muka na siyang matured dahil sa paraan ng pag iisip niya. "Okay, boss." Natatawa kong sabi. Sabay na kaming lumabas gaya ng nakasanayan. I drove at the nearest restaurant for our lunch. "wanna eat Italian dishes mama." Aniya na sinunod ko naman. Spoiled na spoiled na ang bata I didn't mind. Basta ibibigay ko lahat ng gusto niya mapapera o material na bagay. I don't care kung malunod siya sa luho. I love him so much. Hindi na din siya nagpapasubo. He always said that "Stop treating me like a baby, I'm not a baby anymore."kaya napapasimangot nalang ako. Madalas puro kapilyuhan niya ang nararanasan ng mga tao sa paligid niya. Like nakakaupo sa ice cream na nilagay niya, didikit sa kung saan dahil sa mighty bond, makakainom ng ihi. Makakain na may tae at marami pang iba. Sakit sa ulo. Manang mana sa ama. Pero kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko kahit kaming dalawa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD