“Ronnie, wake up!” “Ronnie!” I woke up with a feeling that someone is pumping on my chest. Sunod-sunod akong napaubo kasabay ng paglabas ng mga tubig sa bibig ko. Dumilat ako at agad na nabungaran ang mukha ni Thunder na punong-puno ng pag-aalala. Kitang-kita ko rin ang mga tubig na tumutulo mula sa buhok nito na para bang kaaahon lang sa tubig. “Thank God, you’re awake,” dinig kong wika nito saka napabuntong hininga. Inalalayan ako nitong bumangon saka marahan na tinatapik ang likod ko para tuluyan kong mailuwa ang tubig na nainom ko. “Nasaan tayo?” nanghihina na tanong ko dito saka nilibot ang paningin sa buong lugar. Malawak na karagatan agad ang una kong makita saka naglalakihang mga bato at iilang puno sa hindi kalayuan. Kasalukuyan kaming nakaupo sa buhanginan, ramdam

