Hindi ako makapagsalita at para bang umurong ang dila ko. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya at ganon din siya sa akin, kitang-kita ko rin na naghihintay siya ng anuman na sasabihin ko but I failed him. Hindi ako nagsalita. “Let’s sleep?” wika nito matapos ang mahabang katahimikan saka ngumiti. Ngiting hindi umabot sa mga mata nito. Dahan-dahan akong tumango dito at bumuntong hininga saka nagpatiuna sa paglalakad. Kinabukasan madilim pa lang ay nagising na ako. Dahan-dahan akong bumangon saka tumayo at lumabas ng kuweba. Naglakad ako patungo sa dalampasigan saka naupo sa buhanginan. Itinaas ko ang mga tuhod ko at niyakap iyon habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang maramdaman ko ang tubig dagat na umabot sa mga paa ko. Nagbaba ako ng tingin doon

