Pagkarating namin sa bahay nila Ivo ay agad akong hinatid ni Akiko sa guest room. Sinabi niyang magpahinga na muna ako at gigisingin na lang kapag naihanda na niya ang pagkain. Mahina akong nagpasalamat dito saka nahiga sa kama. Pumikit ako kasunod ang tunog ng pagsara ng pinto. Kinagabihan ay kasabay ko sina Ivo at Akiko na mag-dinner. Pinakita nila sa akin ang dokumento na pinadala ng Dad ni Ivo na nagsasabi na ako ang anak niya, tugma sa pinakita sa akin ni MJ na may address pa ng hospital sa Japan. Mabuti na lang at naisipan ko itong picturan. Nakikita ko na hindi pa rin kumbinsido si Ivo kaya ako na ang nag-insist na magpa-DNA test. Sa mga sumunod na araw ay lalo kong na-appreciate si Akiko. Kahit na busy ito sa pag-aaral ay inaalagaan pa rin ako nito at tinatanong kung

