Muli akong nagising at sa pagkakataon na ito ay sina Alyssa, Harlene at Lara na ang bumungad sa akin. May kinuha na remote control si Alyssa kasunod niyon ay naramdaman ko ang pagtaas ng kama ko sa bandang ulunan hanggang sa parang nakaupo na ako tapos ay pinaghanda ng pagkain. Hindi sila nagsasalita o nagtatanong at ngumingiti lang, hindi naman ako nag-usisa sa kanila pa dahil nanghihina pa ako. Hindi ko alam kung ilang oras o araw ako natulog matapos turukan ng kung ano. Gusto kong magtanong pero alam kong wala akong makukuhang matinong sagot sa lahat ng tao na nasa paligid ko ngayon kaya mas mabuti na sarilinin ko na lamang. Lalo pa at alam ko ang buong katotohanan na tinatago nila Thunder at ng mga magulang niya ang anak ko. Wala sa sariling inilapat ko ang isa kong kamay sa tiyan

