“Kailan ka aalis?” tanong ni Akiko matapos ko ikwento sa kanya ang napag-usapan namin ni Ivo noong isang araw. Sobrang busy ni Akiko sa pag-aaral kaya ngayon lang kami nakapagkita at nagkausap. Sa loob din ng mga araw na iyon ay ako lang mag-isa ang nandito sa bahay dahil weekend pa ang uwi ni Ivo habang nag-sleep over naman si Akiko sa classmate nito para mag-group study. They are both busy with their own lives’ kaya siguro wala pa rin silang anak kahit two years na silang kasal. Nasabi rin sa akin ni Akiko na gusto muna nilang enjoy-in ni Ivo ang isa’t-isa kaya hindi pa siya nagbubuntis at gusto rin niya na matapos muna ang pagmamasteral niya. Smart woman. “Matagal pa ‘yon. Marami pang dokumento na aasikasuhin saka hindi pa nakakausap ‘yong daddy ni Ivo,” sagot ko dito saka napabunton

