Nagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam. Bumangon ako at pinuntahan ang mga maleta ko na nakakalat pa sa sahig dahil hindi ko naayos kagabi. Binuksan ko ang mga maleta at naghanap ng isusuot saka tumayo at dumiretso sa bathroom. Naabutan ko sina Paris at Honey sa dining room pagkapasok ko. Agad na inaya nila akong kumain dahil may pupuntahan daw kami ngayong araw, bilin ng daddy daw nila. “You should call him Dad too, Ronnie,” wika ni Paris out-of-nowhere. Takhang napatingin ako dito at tinigil ang dapat sanang pagkagat sa toast ko. “I heard from Ivo na nahihiya ka pa raw kaya Mr. Hansen ang tawag mo kay Daddy. You’re a Hansen now, there’s nothing to be ashamed of,” sabi pa nito. Paris is the eldest daughter kaya matured ito kung magsalita at kumilos. Medyo bossy

