Biglang nablanko ang isipan ko kasabay nang pagbitaw ko sa phone na nasa tenga ko. Naramdaman ko bigla ang panlalamig ng buong katawan ko kasunod ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mga mata ko. “Ronnie wala na si Mommy!” dinig kong wika pa ni MJ. Tuluyan akong napahagulgol. Napasubsob ako sa kama at doon umiyak ng umiyak. Bakit ganoon? Bakit biglaan? Bakit hindi man lang ako binigyan ng chance na kitain muli si Mommy? Balak ko pa naman na bisitahin na siya. Napakasama ko siguro talaga na anak kasi kahit alam kong may sakit si Mommy na malala ay hindi ko na siya binisita ulit dahil lang sa natatakot ako na agawin ng kapatid ko ang asawa ko. Napaka-selfish ko. Wala akong kasing-sama. Napaka wala kong kwenta na anak. Mulling tumunog ang cellphone ko at nakitang si Thund

