Chapter 1

1066 Words
Zarina Mikaella Castro "Salamat sa Diyos at gising ka iha." Sabi ng isang nakangiting ginang nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang isang napakagandang silid. "Nasaan po ako? Sino po kayo?" Tanong niya. "Nandito ka sa Hospital iha, Ang amo ko ang nagdala sa iyo dito. Nawalan ka ng malay sa harap isang restaurant. Ano ba ang nagyari sa iyo iha, biktima ka ba nag r**e." Nag-aalalang tanong ng ginang. "Ako nga pala si Flor, manang Flor nalang ang itawag mo sa akin, ako muna ang pinagbantay sa iyo ni Sir Zach dahil may kailangan pa siyang taousin na trabaho sa opisina niya." Wika ng matanda. Nananatiti lang na nakatingin si Zarie sa ginang. "Ano nga pala ang pangalan mo iha, may mga kamag anak ka ba na pwedeng matawagan, baka nag aalala na sila sa iyo." Dagdag pa ng ginang. Sa tanong na iyon ng ginang ay biglang nabakas sa mukha ni Zarie ang takot. "Parang awa nyo na po wag nyo po akong ibabalik sa amin." May takot sa kanyang tinig. Nagsimulang maglandas ang masagana niya luha sa kanya p Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki na sa tantya niya ay nasa early 40's pa lamang ang edad. "I'm glad you're awake, you've been sleeping for two days at mataas ang lagnat mo. Do you know who did this to you? By the way, what is your name iha." Tuloy tuloy na wika ng lalaki. "Zarina Mikaella Castro po ang pangalan ko, Zarie nalang po itawag nyo sa akin, maraming salamat po sa pagliligtas nyo sa akin." Nahihiyang wika niya. Napansin niyang napakunot ang noo ng lalaki na tila may iniisip. "Walang anu man. You're parents might be worried by now, we need to contact them as soon as possible." Sabi ng lalaking nagligtas sa kanya. "Wala na po akong mama namatay po sira sa sakit na cancer five years ago po, at di ko rin po kilala ang ama ko. Wag nyo po akong ibabalik sa Tita ko parang awa nyo na po Sir." Pakiusap niya habang patuloy ang pag iyak niya. "Why? May kinalaman ba ang tita mo sa nagyari sa iyo?" Bakas ang galit at pag aalala sa boses ng lalaki. "You've been drugged, according to the doctor who checked on you." Wika nito. "Ibinenta po ako ng Tita Grace ko sa isang matandang Hapon. Nakatakas lang po ako dahil wala pong nakabantay sa lugar na pinagdalhan sa akin, nung nagising ako kinabukasan." Paliwanag niya. "Nakilala mo ba o natatandaan manlang ang itsura ng bumili sa iyo. Maaring to sang sindikato ang may gawa nito sa iyo iha." Tanong ng lalaki. "Ang natatandaan ko lang po pilit akong dinala sa bar ng tita ko at pagkatapos Ko para ng uminom ng juice ay nakaramdam ako ng pagkahilo, nung naggising po ako ay nasa isang silid na po ako wla na po akong maalala na kahit ano bukod po doon." Mahabang salaysay niya. Tumango tango lang ang lalaki habang naaawang nakatunghay lamang sa kanya si manang Flor. Maya maya pa ay dumating na ang Doctor na tumingin sa kaniyan. "Maayos na po ang lagay ng pasyente, maari na rin po siyang maiuwi ngayong araw. Kailangan lang niyang magpahinga ng ilang araw pa para manumbalik ang lakas niya." Wika ng doctor. "Thank you Doc, Flor mabuti pa asikasuhin ko muna ang bill ni Zarie. And Iha sa bahay ko na muna ikaw to mira kung wala ka matutuluyan delikado rin kung mahanap ka ng tiyahin mo at ibalik ka sa Hapon na pinagbentahan sa iyo." Sabi ng lalaki. "Maraming salamat po Sir, nakahanda po akong magtrabaho sa inyo kapalit po ng pagtira ko sa inyo pansamantala." Wika niya. "No, you don't have to work for me. Flor tulungan mo nang maghanda si Zarie para makauwi na tayo. Tawagan mo na rin si Bert na abangan na tayo sa labas." Bilin ni si Zach. "Sige po sir." Wika ni manang Flor. Kaagad naman nitong tinawagan si mang Bert at tinulungan siyang makapagbihis at ayusing ang ilang gamit niya. Makalipas lang ang halos kalahating oras ay nakasakay na sili sa magarang sasakyan ni sir Zac. Halos isang oras din ang itinagal ng kanilang byahe. Napansin niyang pumasok sila sa isang exclusive na subdivision. Ilang sandali pa ay papasok na sila sa isang malaking bahay, kung tutuusin ay isa itong mansyon. Napalakawak ng bakuran at sa gitna nito ay ang napakagandang masyon. Hindi maiwasang mamangha ni Zarie sa kanyang mga nakikita. "Magandang hapon po Sir, sa inyo din po ma'am." Bati sa kanila ng mga kasambahay ni Sir Zac. "Everyone, this is Zarie. Simula ngayon dito na siya sa mansyon titira. Tratuhin nyo rin sya gaya ng pagtrato ninyo sa akin." Wika ni Sir Zac. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lamang kabuti ang turing sa kanya ng ginoo. "Opo sir." Sabay sabay na sagot ng mga ito bago isa isang bumalik sa kanilang mga ginagawa. "Welcome to our home." Magiliw na wika ni sir Zach. "Mula ngayon ay dito ka na titira, ituring mo na rin itong sarili mong tahanan." Nakangiting wika ni sir Zach. "Halika na iha, ihahatid na muna kita sa magiging kwarto mo para makapagpahinga ka muna bago tayo mananghalian." Tawag sa akin ni manag Flor bago niya ako akayin paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Pumasok sila sa isang malaking silid, sa gitna nito ay malaki at malambot na kama, sa isang gilid nman at may couch. Mayroon din itong sariling c.r at mayroon pang wal in closet. Mayroon ding vanity table at veranda. "Manang Flor, bakit po dito pa ako sa kwartong ito pwde naman po ako kasama ninyo. Nakakahiya naman po kung sa ganito kalaking kwarto pa ako matutulog gayong libre nman po ang pagtira ko dito." Nahihiyang wika niya. "Ano ka ba iha, hindi ka nababagay sa maids quarter, mabuti pa magpahinga ka muna. Tatawagin n na lamang kita kapag handa na ang hapunan." Wika ni manag Flor bago ito tuluyang lumabas sa kanyang silid. Walang nagawa si Zarie kundi ang sundin na lamang ang sinabi ni manang Flor, nahiga siya sa kanyang kama dahil medyo nanghihina pa siya at ramdam pa rin niya ang pananakit ng pagitan ng mga hita niya. Batid niyang may nagyari sa kanila ng lalaking iyon ngunit kahit paanong gawin niya ay hindi niya maalala ang itsura nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD