
Synopsis
15 years old pa lang si Zarie ng mamatay ang kanyang ina dahil sa sakit na cancer, kaya napilitan siyang makitira sa pinsan ng kanyang ina na si Tita Grace dahil wala naman silang ibang kamag anak maliban dito. Ulilang lubos ang kanyang ina at wala rin itong mga kapatid. Hindi rin niya nakilala ang kanyang ama dahil hindi pa siya ipinapanganak ay iniwan na nito ang kanyang ina dahil pinilit itong ipakasal sa babaeng napili ng mga magulang nito.
Sa edad niyang 18 years old ay pinilit niyang magtrabaho sa isang coffee shop upang may pangtustos sa kanyang pag aaral. Sa ngayon ay nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo sa kursong Hotel & Restaurant management. Isang gabi habang pauwi siya mula sa kanyang trabaho ay naabutan niyang naghihintay sa kanya ang kaniyang Tita Grace sa labas ng kanilang bahay. Sapilitan siya nitong isinama sa isang club. Lingid sa kaalaman niya ay ibinenta pala siya ng kanyang tiyahin sa isang hapon. Binigyan siya ng juice ng kanyang Tita Grace habang hinihintay nila ang sinasabi nitong customer niya. Labag man sa loob niyang gawin ang pinagagawa sa kanya ng kanyang tiyahin ay wala siyang magawa dahil siguradong sasaktan nanaman siya nito. At tinatakot na papatayin siya nito kung hindi rin lang siya nito mapakikinabangan. Ilang sandali lang ang lumipas ay naramdaman niya ang unti unting pagkahilo hanggang sa tuluyan na siyang mapasandig sa kanyang Tita Grace.
Nagising na lamang siya sa isang hindi pamilyar na silid. Kahit nahihilo ay pinilit pa rin niyang bumangon ngunit nakaramdam siya ng pananakit ng buo niyang katawan lalo na ang pagitang ng kanyang mga hita. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid hanggang sa dumako ang kanyang mata sa ibabaw ng bedside table. May nakita siyang maliit na papel doon ngunit hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng silid. Kahit hirap siyang lumakad pinilit pa rin niyang makalayo sa lugar na iyo sa takot na maabutan siya ng kung sino mang bumili sa kanya. Hindi na rin niya nanaisin na bumalik sa poder ng kanyang tiyahin dahil sigurado siyang sasaktan lang siya nito at ibabalik sa taong pinagbentahan sa kanya sa oras na makita sya nito. Dahil sa pagod at sakit ng kanyang katawan ay nawalan siya ng malay sa harap ng isang restaurant malapit sa hotel na pinagdalhan sa kanya.
Sa hindi sinasandyang pagkakataon ay nakilala ni Zarie ang kanyang ama. Pinag aral siya nito at mkalipas ang ilang taon ay ipinasa nito sa kanya ang posisyon nito bilang CEO ng company nila. Di nagtagal ay nakilala niya ang iaa sa mga business partner ng ama niya na si Fire. Niligawan siya nito subalit pilit silang ginugulo ng babaeng matagal ng gusto kay Fire na si Trixie. Maging maayos kaya ang relasyon nila gayong gibagawa ni Trixie ang lahat upang pahirapan sila?

