Pagpasok ko palang sa LGC building ay ramdam ko na ang mapanuring tingin ng mga tao. Naghihintay ako na magbukas ang elevator ng dumating si Trixie.
"Oh well, hanga rin naman ako sa kapal ng mukha mong magpakita dito sa company kahit kalat na ang pang aakit mo kay Fire Saavedra kahit ang totoo ay may anak ka na itinatago." Bungad niya, kaya napalingon ako. Kita ko naman nagbulungan ang iba pang empleyado na nagaantay rin sa taoat ng elevator.
"Alam mo Trixie, unang una hindi ko itinatago ang anak ko at lalong hindi ko inaakit si Mr. Saavedra. Sa ating dalawa sino ba sa atin ang gumawa oa ng eksena dito sa lobby? Oopsss... Wait lang nakalimutan mo na ba yung sinabi sayo ni Mr. Saavedra last week?" Sabi ko. Nung una ay hindi sya nakaimik ngunit talagang malaki ang bilib niya sa sarili.
"Atleast wala akong anak na bastardo-...."
"Don't you dare call my son a bastard because he is not." Putol ng dumadagundong na tinig sa mga sasabihin pa sana ni Trixie.
Maging ako ay napalingon sa pinanggalingan ng boses nito. Bakas ang galit at kaseryosohan sa kanyang mukha.
"Your son? How did it happen? Ni wala nga syang sinabi sa buhay. Or baka isa syang bayarang babae na hindi sinasadyang nabuntis mo." Matapang na wika ni Trixie
"Don't talk to her like that, you know nothing about her. You're nothing compare to Zarina." Saad niya bago bumaling sa akin.
"Let's go, we need to go to the conference room now." Wika ni Fire at hinawakan ang kamay ko at sa private elevator kami nagpunta. Simula kase ng magtrabaho ako dito ay sa employees elevator ako sumasakay.
Wala kaming kibuan hanggang makarating kami sa floor kung saan ang office ni papa At ang bagong office ko. Papunta na sana ako sa office ko ng akayin ako ni Fire sa office ni papa. Kumatok muna si Fire bago binuksan ang pinto ng opisina ni papa.
"Nandito na pala kayo. Ready na ba kayo para sa meeting? Nandoon na ang mga share holders tayo nalang ang hinihintay." Wika ni papa.
"I'm ready papa."
"Yes tito." Magkasabay na sagot namin ni Fire. Paglabas namin sa office ni papa ay nasa labas na ang secretary niya at si Janella, bitbit ang mga kakailanganin namin sa meeting. Nandoon na rin si Atty. Ezguera.
Si papa at si Atty. Ezguera ang naunang pumasok kasunod kami ni Fire at nasa huli naman si Janella at ang secretary ni papa.
"Good morning Chairman, biglaan yta ang pagpapatawag ng share holders meeting. May problema ba ang kumpanya?" Tanong ni Mr. Lorenzo. Nagtinginan lang naman ang ibang share holders at board members kay papa.
"I called for a share holders meeting for this petition." Wika ni papa. Ipinamigay naman nina Janella ang mga documents para sa petition na irevoke ang contract ng shares ni Mr. Lorenzo.
"You can't do this Chairman, malaki ang hirap ko para matulungang umangat ang LGC at siguradong maraming Inverstor ang mawawala oras na malaman nilang aalis ako sa LGC." Kaagad na wika ni Mr. Lorenzo.
"Oh come on Antonio, alam nating oareho na malaki ang naging pakinabang mo sa LGC sa kabila ng mga naitulong sa iyo ng kumpanya at ng pamilya namin nagawa mo pa rin kaming traydurin." Wika ni papa.
"We have those concrete evidence of all the deals you made behind my back and those over priced expenses for building and renovations of Leviste Towers for the last five years." Wika ni papa habang nakaflash sa screen ang mga documents at evidence laban kay Mr. Lorenzo.
"I trusted you Antonio, but still you betrayed me for the sake of money." Wika ni papa.
"But Chairman are sure that those evidences are not fake?" Wika ni Mr. Mijares.
"He is right. Hindi ba at baguhan lang ang CFO natin na si Mr. Castri ni ndi pa nga umaabot ng kalahating taon sa kumpanya. Masyado naman yata kayong nagtitiwala kaagad sa isang baguhan Mr. Chairman." Saad pa ni Mr. Lorenzo.
"Are you saying na gawa gawa lamang ng anak ko ang mga documents na iyan Antonio?" Tanong sa kanya ni papa.
"Anak mo si Ms. Castro?" Gilalas na tanong nito.
"My only daughter. It's actually her idea to investigate the finance department ng malaman niya ang pagsabotahe mo sa deal ng Leviste Tower at ng A&L at doon nga namin nalaman na kasabwat mo pa ang asawa at anak mo sa pagdodoktor ng mga dokumento sa mga budget ng LGC." Saad pa ni papa.
"Hindi nyo pa rin ako mapapatalsik dahil hawak ko pa rin ang 10 percent ng shares sa LGC." Pagmamatigas niya.
"Really Mr. Lorenzo? Hindi ba at naibenta mo na ang shares mo last week?" Wika ni Fire na ikinatahimik niya. Napatingin rin ako sa kanya.
"Of course not! Why would I sell my shares when LGC is one of the top company in the country?" Pag tanggi ni Mr. Lorenzo.
"Are you saying that you don't know about this?" Makahulugang tanong ni Fire habang ibinibigay ang kopya ng documents na magpapatunay na naibenta na niya ang kanyang shares.
"You? How did it happen? P-paanong ikaw ang nakabili ng shares ko sa LGC?" nauutal na wika nito habang itinuturo si Fire.
"My Lawyer did it for me Mr. Lorenzo. Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo manlang inalam kung sino ang bumili ng shares mo. Or maybe na Nasilaw ka sa malaking halaga na inoffer ko kaya hindi mo na inalam kung sino ang nakabili ng shares mo." Sabi ni Fire.
"You can't do this to me, pinagkaisahan ninyo ako." Galit nang sigaw ni Mr. Lorenzo.
"You did that to yourself Mr. Lorenzo, We including Mr. Chairman trusted you dahil di matatawaran ang ipinapakita mong pagpapahalaga sa kumpanya nun pala ay iba ang plano mo." Wika ni Mr. Tan.
"Mr. Tan is right. Mabuti na lang at maaga palang ay nalaman na ang pagnanakaw na ginagawa nila ng pamilya niya sa kumpanya." Pagsang ayon naman ni Mr. Lim.
Lahat ng board member inapprovan ang cancellation ng contract ni Mr. Lorenzo bilang COO ng LGC.
"Three positions will be vacant starting today. The COO position, Head of Strategic Finance and Financial Audit." Sabi ni papa.
"There are qualified employees to fill Mrs. Lorenzo and Ms. Trixie's position. We just need to hire new employees to fill the vacant position of Junior Finance Officers." Sabi ko.
"That's good. Oh... And one more thing kaya ako nagpatawag ng meeting. I will step down as the CEO of LGC and my daughter Zarina Mikaella Castro-Leviste will be the new CEO of LGC starting today. Our company will be having a welcome party by the end of this month. I already mentioned that months ago." Saad ni papa.
"Well sa ipinamalas na husay ni Ms. Leviste sa napakaikling panahon ay wala kaming pagtutol sa desisyon mo Mr. Chairman." Wika ni Mrs. De Lara. Sumang ayon din naman ang iba pa.
"We will make an announcement for my daughter's inauguration as the New CEO. Magkita nalang tayo sa korte Antonio. Let's end our meeting here."Wika ni papa bago siya tumayo at lumabas na ng conference room.
Tumayo na rin sa kanyang pwesto si Fire binati ako sa pagkakaluklok sa akin bilang CEO. Ganoon din ang ginawa ng iba pa. Lumabas na kami ng conference room at nagtungo sa office ni papa.
"Janella, inform the the HR to hire Staff for Financial department. Then send me the evaluation result ng mga qualified para sa dating posotion nina Trixie." Utos ko kat Janella bago kami pumasok sa office ni papa.
"Copy Ms. CEO, how about your lunch po ipag oorder ko na po ba kayo para mamaya?." Wika niya.
"No need Ms. Janella, we're going out for lunch. You can have your lunch break now. Ako na bahala sa ma'am mo. Thank you." Si Fire ang sumagot.
"Okay po sir. Mauna na po ako sa inyo." Paalam niya.
"Thank you Janella. " nagpasalamat ako sa kanya bago siya tuluyang pumasok sa office ko para ilagay ang mga documents na hawak niya sa table ko.
Pagpasok namin sa office ni papa ay kausap pa nito ang secretary niya. Naupo ako sa couch at ganoon rin ang ginawa ni Fire.
"Post the announcement to the companies bulletin and to our website." Saad ni papa.
"Right away Mr. Chairman, anything else Sir?" Tanong nito kay papa.
"That's all, thank you."