Zarie's POV
"So what do you think about him?" Tanong ni papa ng lumabas ng opisina si Mr. Saavedra.
"Well he's smart when it comes to business papa, tingin ko rin po mabuti siyang tao." Sagot ko.
"Not about that anak." Sabi niya.
"What do you mean papa?" Tanong ko.
"Well both of you are single. Bagay kayo Princess." Nakangiting wika ni papa.
"Papa naman, you promised me na hindi mo ako ipagkakasundo gaya ng ginawa sa iyo ng parents mo diba?" Paglalambing ko kay papa.
"It's not what you think anak. What if he likes you? Sa mga titig palang niya sa iyo kanina masasabi ko nang gusto ka nya." Sabi ni papa. Napatingin naman ako sa bulaklak na nakapatong sa centre table.
"Let's see papa, hindi naman po ako nagmamadali na magkaroon ng partner." Sagot ko.
"I know na may nagpapadala sayo ng flowers every day Princess. Did you meet you admirer already?. Tanong ni papa. Umiling naman ako.
"I don't have any Idea kung sino siya papa." Sagot ko. "Babalik na po ako sa office ko papa may mga kailangan pa po akong aralin na tungkol. LGC." Pagpapaalam ko kay papa nang dumating ang secretary niya na may dalang paper bag mula sa isang kilalang restaurant.
"Let's have our lunch first, pinaorder ko na yan bago pa kita tawagan kanina." Sabi ni papa.
"Sure papa." Ako na ang nag ayos ng pagkain namin ni papa. Pagkatapos namin kumain at mailigpit ko ang mga pinagkainan namin ni papa ay nagpaalam na akong babalik sa office ko.
Bitbit ko ang bulaklak ng bumalik ako ng opisina. Dahil lunch break pa kaya karamihan ng mga empleyado ay wala pa sa opisina. May sarili naman akong c.r sa aking opisina kaya dito nalang rin ako nagtoothbrush at nagretouch.
Napatingin muli ako sa mga bulaklak na ibinigay ni Mr. Fire Saavedra.
"Fire Saavedra... F.S.... Hindi kaya sya ang nagpapadala ng mga flowers? Pero paano nya ko nakilala at paano nya nalaman na dito ako nagtatrabaho?" Tanong ko sa aking sarili. Kaagad niyang tinignan ang card na nakaipit sa boquet at binasa ang nakasulat doon. 'Hello Gorgeous. It's me. F.S.' Basa ko sa card. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang mabasa ko ang nakasulat sa card.
Naalala ko rin yung lalaking sinasabi ni Ms. Mitch na matangkad, gwapo long hair. 'Di kaya sya rin yung lalaking sinasabi ni Ms. Mitch?' Tanong ng isip ko. Pero bakit niya ko kilala gayong hindi ko pa naman siya nameet kahit noong nagaaral pa ako o nagtatrabaho sa coffee shop. Tulala pa rin akong nakatitig sa mga bulaklak ng pumasok si Janella sa opisina ko.
"Alam mo ma'am, usap usapan sa cafeteria yung pagkapahiya ni ma'am Trixie kaninang umaga sa lob... Oh, akala ko walang pabulaklak si Mr. Secret admirer today." Tuloy tuloy na wika ni Janella.
"Ano naman nasagap mong kwento sa baba." Tanong ko sa kanya habang iniaabot yung boquet sa kanya.
"Pakilagay sa base please". Pakisyuo ko sa kanya. Kaagad naman siyang kumuha ng base na may tubig.
"Assuming si ate girl ma'am, dumating po kase si mr. Saaved na may dalang flowers. Actually red roses din, tapos akala ni ma'am Trixie sya ang sandya ni Mr. Saavedra at oara sa kanya yung flowers. Ayun napahiya dahil hindi naman pala ang pinuntahan kundi ibang girl." Kwento nito.
"Di ba ma'am galing ka sa office ni Mr. Chairman, edi ibig pong sabihin nameet nyo po sya. Ang sabi po kase sa reception ay assistant ni Mr. Chairman ang sumundo kay Mr. Saavedra". Saad pa nito.
"Yeah, Papa introduce me to Him". Sabi ko "Yan din yung flowers na dala nya". Turo ko pa sa mga bulaklak na inaayos niya. Napatingin naman siya sa akin.
"Ikaw na talaga ma'am, how to be you ba ma'am para magka lovelife na rin ako." Pagbibiro niya.
"Di kaya sya yung nagpapadala lagi ng flowers ma'am kase diba F.S yung Initials ng admirer mo. F.S, Fire Saavedra". Sabi pa niya.
"Yeah." Mahigsing sagot ko na ikina irit niya.
"Hala ma'am, nagpakilala na pala sya. Nakapag usap na po ba kayo? Alam mo na ma'am kung paano ka nya nakilala". Pangungulit niya.
"We just talk about business Janella at isa pa busy yung tao. May kameeting pa nga raw ulet after nya makipagmeeting sa amin ni papa." Sagot ko.
"Alam mo mabuti pa igawa mo ko ng coffee." Utos ko dito.
"Caramel Macchiato coming right up ma'am". Masiglang wika niya. Kabisado na kase niya kung ano ang gusto ko sa kape. Mayroon din naman kase akong sariling coffee maker dito sa office ko. Pagkagawa niya ng kape ko ay nagpaalam na rin siyang babalik sa pwesto nya.
Bandang 4pm ay nakatanggap tawag mula sa unknown number.
"Hello." I answered the phone call.
"Hi". Bati ng nasa kabilang linya.
"May I know who's calling please?". Mgalang na tanong ko sa kausap ko.
"It's Fire . Fire Andrew Saavedra". Pagpapakilala niya.
"Oh, Mr. Saavedra how may I help you?". Tanong ko sa kanya.
"I just want to invite you for early dinner. After office hour, If it's okay with you?.. Wika niya.
"O-okay Mr. Saavedra, after office hours." Maikling sagot ko.
"Oh God, thank you. Ahm... Can I just call you Zarina?" Tanong pa niya.
"It's up to you Mr. Saavedra. Zarina, Mikaelaa or Ella is fine with me." Sagot ko.
"Ok, you can also call me Fire or Andrew is fine with me also." Sabi niya.
"Sure Andrew. You name sounds cool actually". Sabi ko pa.
"Thank you. I'll fetch you after work. See you later Zarina". Wika niya.
"Sure. Bye Andrew". Paalam ko sa kanya.
"Bye". I ended the call after he said good bye. Mabilis na lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan. Ika-lima na nang hapon ng makatanggap ako ng message mula kay Fire na nasa lobby na siya ng building. Mabilis akong nag retouch at inayos ang aking table, pagkatapos ay ini-off ang computer. Nagmamadali akong nagtungo sa elevator at oinindot ang ground floor button. Pagdating ko sa lobby ay naabutan ko siyang kasap si Trixie.
"I'm waiting for someone else Trixie. Please don't make any scene here again." Dinig kong wika ni Fire. Kaagad naman akong napansin ni Fire.
"There you are". Nakangiting wika niya.
"Hi, pasensya na ngayon lang ako nakababa may tinapos pa kasi ako sa office". Hingi ko ng pasensya sa kanya.
"It's fine. Let's go?" Wika niya na inilahad ang palad para alalayan ako.
"Sya ba yung babaeng ipinagpalit mo sa akin Fire? Hamak na empleyado lang yan dito Fire, ni walang alam yan kundi ang sumilsip kay Tito Zach". Pangmamaliit niya sa akin.
"You don't know anything Trixie. At isa pa never naging tayo kaya wag mong sabihing ipinagpalit kita sa kanya. At kahit pulubi pa ang babaeng magustuhan ko wala kang pakialam. So stop dreaming Trixie". Wika niya sa mahinang tinig upang hindi na marinig ng ibang tao sa lobby. Iginiya na ako papunta sa sasakyan nya at iniwan si Trixie na nanggigigil sa galit.
"This can't be happening!" Rinig kong sigaw pa ni Trixie.
"Anong tinitingin tingin nyo ha? Mga chismoso". Galit niyan turan a mga tao sa lobby na napatingin sa kanya.
"I'm sorry for that Zarina, please don't think that Trixie and I had a relationship 'cause we never been in any intimate relationship". Wika niya. Tumango lang ako at sumakay ng mabuksan na niya ang pinto ng kanyang sasakyan. Kaagad naman siyang nagtungo sa driver's seat ng maisara niya ang pintuan ng kotse. Nagulat pa ako ng dumukwang siya sa gawi ko para ayusin ang seat belt ko.
"Safety first." Nakangiting wika niya na ikinangiti ko rin. Nang maikabit niya ang sariling seatbelt at kaagad siyang nagdrive paalis ng LGC.