Andie Gregorio Mainit ang aking katawan, siguro ay dahil na rin sa alak dahil hindi naman ako sanay na uminom niyon. Hindi ko inilalaan ang mga perang nananakaw ko para sa mga ganoong bagay, hindi ako katulad no Chato na basta kapag may pera ay ilalaan iyon sa walang kabuluhang bagay, Kagaya ng sabi ko noon, mas gugustuhin ko pa na kapag may pera ako ay ibibili iyon ng mga pampaganda, para naman kahit papaano, sa buhay ko ay naranasan kong maging buhay mayaman. Katulad nalang noong nakuha ko ang ATM card ni Olivia, hindi pa niya gustong ibigay iyon noon at sinabing baka raw ma-trace siya, sinabi rin niya noon na may naghahanap sa kaniya, hindi ako naniwala noong una, inisip ko pa na baka pamilya lang niya ang kaniyang tinutukoy dahil nga mukha siyang mayaman, baka naglayas lang ito sa bah

