On Duty
Sikel Villavicencio
Tagaktak ang pawis sa aking noo nang makalabas sa gymnasium kung saan ginawa ang orientation. Tumagal nang halos isang oras ang meeting kasama ng mga kapwa ko na nagnanais maging guro. Kaya nang makarating ako sa ilalim ng puno, napabuntong hininga nalang ako.
Pinagmasdan ko ang mga aspiring teachers na hindi magkamayaw sa preparasyon. Samu't saring ekspresyon ang aking nakikita: May ilang nakangiti habang kinakausap ang mga nasa propesyon na, may ilan na muling ichecheck ang kanilang gamit, may hindi mapakali at may ilan na kagaya ko na nasa isang tabi na tahimik ngunit dinadaga ang dibdib.
Sumulyap ako sa cellphone at napagtanto ko namalapit nang magsisimula ang practice teaching namin. Muli akong tumayo, akmang bubuhatin ang isang bag nang may lumapit sa akin.
Isang lalaki, estudyante.
"Good afternoon, ma'am." Tumingala ako sa kaniya. Hindi na bago sa akin na tumitingala sa bawat estudyanteng lalaking makakasalubong ko dahil inaamin ko, hindi talaga ako nabiyayaan ng mataas na height. Eksaktong five feet. Sabi nga nila, ang mga ganitong height ay saktong-sakto sa pagiging guro. Nakakainsulto, pero anong magagawa ko?
"Good afternoon din."
"Saan punta niyo, ma'am? Tulungan ko na kayong magbuhat." Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Agad akong tumango dahil kinakailangan ko talaga ng tulong lalo pa ngayon na mabigat ang mga dala ko. Tinuro ko sa kaniya ang daan, agad kong sinabi ang grade at section. "Ay! Tamang-tama, doon din classroom ko, ma'am." Ngiting-ngiti siya nang sumulyap sa kaniyang bitbit.
"Daming pagkain, ma'am. Pahingi ako, ah?" Natawa nalang ako sa pagiging madaldal ng estudyante. Ito ang isa sa dahilan kung bakit gusto kong maging guro kahit na masyadong maliit ang sahod ng propesyon na ito sa Pilipinas. I guess, wala ka na talagang magagawa kung hinahanap-hanap ng puso mo ang isang bagay. Pumasok sa isipan ko ang biological father ko at ang offer niya na tinanggihan ko.
"Thank you..."
"Jordan at your service!"
Ngumiti ako. Inilagay niya sa upuan ang bag nang sumenyas ang mga guro sa likod na puwede na akong pumasok. Sumaludo siya sa akin at naupo sa likuran, kasama ang mga estudyanteng nagkukwentuhan. Tumigil lamang ang mga ito nang tumikhim ako.
Thirty minutes lamang ang binigay sa akin. Hindi pupwede na isang oras dahil marami pang mga guro sa labas ang naghihintay. Wala na kasing bakanteng classroom na may estudyante. Palibhasa'y hapon na at Biyernes pa ngayon kaya sinapian ng katamaran. Hindi na bago ang bagay na 'yon. Estudyante palang ako ay sakit na sa ulo ang mga kaklase kong nagcu-cutting at ako bilang President ng classroom ang nagiging nanay nila.
"Good afternoon, class!" kahit pagod, sinubukan ko pa ring maging energetic ang boses ko. Bahagya silang nagulat, hindi nila marahil inaasahan na ang maliit na gaya ko ay mapapagising ang diwa nila. Ngiting-ngiti ako sa kanila at ganoon din naman sila sa akin. Good, nakuha ko na ang atensyon nila.
"Before I start my lesson, let me introduce myself. I'm your Ma'am Sikel Villavicencio, 25 years old. I studied BSSED-TLE at OMSC." Hindi pa man ako natatapos magsalita nang mapansin kong may nagbubulungan sa likod. Sumenyas ako na magsalita siya, tumayo ang kaibigan ng lalaking tumulong sa akin kanina.
"Anong BSSED-TLE, ma'am?"
"Bachelor Science in Secondary Education Major in Technology and Livelihood Program," nanlaki ang mga mata ng mga estudyante. Tumingin sila sa mga bitbit ko, tumango ako habang sila naman ay ngiting-ngiti. "Tuturuan ko kayo kung papaano gumawa ng burger."
Nakuha ko ang kanilang atensyon, maging ang mga guro sa likod. Nakakabastos man sabihin, pero kapag marami kang naibigay na pagkain, kapag natuwa sila sa performance mo na may kalakip na pambara at panulak sa kanila, ipapasa ka nila. Napapansin ko kanina na kani-kaniyang taktika ang mga kapwa kong nagnanais maging guro, lahat gustong maging malakas, lahat gustong makaahon. Para sa pinapangarap na posisyon, mapapasubo at susubo kahit sa larangan ng pakikipagplastikan.
Mabilis kong inilabas ang mga gamit na kakailanganin ko. May mga transparent na tupperware at may mga laman 'yon na kung ano-ano, sunod kong inilabas ang maliit na kutsilyo, inilagay ko iyon sa gilid.
"We will going to make three different styles of burger, but let me first have a brief discussion."
Inilabas ko ang laptop ko at ipinakita ang isang slide. Kanina pa ito nakabukas, sinadya ko iyon dahil aksaya sa minuto ang pagbubukas ng laptop. May ingay na namutawi sa likod, nagrereklamo sila na hindi nila makita. I-connect ko raw sa TV, pero tumanggi ako. Iaangat ko nalang para makita nila.
"Who among you haven't yet ate a burger?" walang tumaas ng kamay, kumibit-balikat ako "So all of you had already taste it. I guess, I'll going to give the finished product to those teachers behind."
Umatungal sila. Samu't saring reaksyon ang narinig ko, kesyo ang daya ko raw, etc. Natawa nalang ako sa kanila. Kids, I was just joking. Relax! Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong ngumingiti ang mga guro. Sige, ganyan nga.
Ipinakita ko sa kanila ang isang burger patty na nasa loob ng tupperware. Alam kong takam na takam na sila, pero wala silang magagawa kung 'di ang maghintay.
"I personally made this patty. It was created from the banana peel, combined with water spinach, bean, and carrots. See? Who would going to thought you can actually make a patty through those vegetables?"
Ibinaba ko ang patty, nang mapansin kong doon nakatutok ang atensyon nila ay kinuha ko ulit iyon. Balak ko sanang maglakad habang nagsasalita, pero kinakailangan pa pala ay bitbit ko iyon. Mga bata talaga. "This patty is rich in Potassium, Vitamin C, Folate, Phosphorus, Iron, Potassium, and Vitamins B1, B2, B3, B5, and B6 which essential nutrients in our body to avoid Hypokalemia, Scurvy and other disease that might leads us to our early death." Pansin ko ang kalituhan sa mga ekspresyon nila, gustuhin ko mang i-elaborate pa kung ano-ano ang mga tinutukoy ko, kaso baka gahulin sa minuto.
Tumaas ng kamay ang isang babae na kanina ko pa napapansin nakakunot-noo sa akin. "Pero ma'am, hindi po ba nawawala ang mga nutrients kapag prinito? Ang sabi po kasi, ganoon daw 'yon."
May mga sumang-ayon sa kaniya, umiling ako. "As long as you'll going to use Olive oil, and not going to make it overcooked, better."
Tumango naman ito, mukhang kontento na sa naging sagot ko. Nang maupo siya, muli akong nagpatuloy. "So, going back.."