Horseman

1064 Words
Sikel Villavicencio Natapos iyon nang may ngiti ako sa labi. Hindi mawaglit sa alaala ko ang mga asaran sa classroom na 'yon, maging ang papuri at pagiging position ng mga mag-aaral na makakapasa ako. Bitbit ko pa rin ang mga dala ko kanina, mas magaan nga lang ngayon. Pauwi na ako, nag-aabang nalang ng masasakyan. Halos hindi ako makahanap ng masasakyan, kung mayroon man ay lalampasan lang ako dahil nakikita akong nag-iisa. Gusto kong mapapadyak ng paa sa inis. Ang init na nga, dadagdagan pa nila. Lumapit ako sa isang tricycle, kahit nagtitipid, wala akong magawa kundi maging special. Pero hindi pa man ako nakasasakay, may kumuha ng atensyon ko. Mabilis ang kaniyang naging pagtakbo, doble ng aking mga hakbang ang nagagawa ng kaniyang mahahabang binti—walang iba kundi si Jordan. "Ma'am Sikel, naiwan niyo po." tumingin ako sa kamay niya na inilahad niya sa akin, nakita kong may panyo roon na pula. Umiling ako, nawala ang ngiti niya. Dismayado. "Baka sa ibang teacher 'yan kanina. Uuwi ka na? Wala na ba kayong pasok?" tanong ko sa kaniya nang mapansin kong may bitbit siyang bag. Mabuti't hindi siya sinita ng guard. Napakamot siya sa ulo. "Pagkain lang naman habol ko, Ma'am. Noong Miyerkules, pinaghati-hati kami ng classroom kaya 'yong iba roon, 'di ko kilala. Mabuti nga pumayag si Sir na magsama ako ng tropa na kaklase ko rin." Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin. Isip, Sikel...isip. Sa huli, pinili kong hindi na magsalita. Masyado na akong pagod para   sa mahabang usapin. Napansin kong umalis na ang sasakyan ko dapat kanina kaya napasubo uli ako sa paghahanap ako ng tricycle, may huminto. Kinausap ako nito at nang sabihin kong mag-isa lang ako...'ni hindi ko pa nga nasasabi na special ay umalis kaagad sa harap ko. Napasandal nalang ako sa poste. "Ma'am, saan ka nakatira?" Hindi pa rin pala umaalis ang batang ito. Pinili kong ngumiti kahit na napapagod. "Gusto mo ma'am, ihatid na kita? Mahirap kasi rito sumakay kapag mag-isa, sakay ka nalang sa 'kin, ma'am." "Sasakay ako sa 'yo? May motor ka? Nagmomotor ka?" pinanliitan ko siya ng mga mata, iniangat niya ang magkabila niyang kamay. "May lisensya ka ba? Alam mo bang mali ang ginagawa mo?" "May lisensya na ako, ma'am. Twenty years old na ako," nahihiya siyang kumamot sa batok. "Bobo kasi ako ma'am kaya pabalik-balik ako sa 4th year. Bulakbol din kaya ayun!" Bumalot ang awa sa akin. Nakangiti siya habang nagsasalita na tila ba'y sinusubukan niyang maging wala lang iyon sa kaniya, pero alam kong malungkot siya at dismayado sa sarili. Tinapik ko ang kaniyang braso. "Saan ba nakaparada motor mo?" "Dito ka rin nag-aaral noon 'di ba, ma'am? Para kasing nakita na kita dati. Kaya ba dito mo naisipang magturo?" ang daldal ng batang ito, parang hindi mauubusan ng sasabihin. Pero kung sabagay, mas magandang may usapan habang nakasakay ako sa motor niya. Ang isang malaking lalagyan ay inipit niya sa magkabila niyang tuhod sa harap, habang ang isa naman ay pumapagitna sa amin. "Yes and No. Yes, dito ako nag-aaral dati. No, dahil hindi ko rito gustong magturo. Mas gusto ko sanang sa bundok magturo, pero bahala ang head sa desisyon kung saan kami ipupwesto." "Bundok? Bakit sa bundok?" "Ayoko ng gulo," kibit-balikat kong sagot. "Hindi ba mas magulo kapag sa bundok? Ang daming NPA." Hindi na ako sumagot, natahimik na rin siya. Kaya nang bigla siyang magsalita, nagulat ako. Naramdaman niya marahil 'yon, natawa siya. "Hindi ko alam ang pasikot-sikot sa baranggay niyo, ma'am. Ituro mo nalang sa akin ha?" Sinunod ko ang sinabi niya at nang makarating kami sa tapat ng bahay ay nakita ko ang bahagyang pagbukas ng kaniyang bibig. "Sa inyo po ito, ma'am?" Medyo alinlangan akong tumango. Ngumiti siya at binitbit ang isa sa mga dala ko. "Gusto mong pumasok? Makapag-miryenda ka manlang sana." Itinabi niya ang sasakyan. Katapat lang namin ang highway kaya medyo maingay. Sabay kaming pumasok sa loob. Walang katao-tao sa bahay kaya nagmukhang hunted house ito. Si Mama, nagtitinda sa palengke. Samantalang nasa district hospital si Papa, nagpapagamot dahil hindi niya naagapan 'yong sugat niya roon sa trabaho. Akala niya siguro ay madadaan lang sa pa-alcohol-alcohol niya ang sugat, pero hindi, namaga, hindi makapagtrabaho. Binuksan ko ang pinto at pinaandar ang ilaw. Malaki ang pasasalamat namin na ang kuryente at tubig ay hindi namin gastusin. 'Yon nga lang, kailangan pa ring kumilos para makakain. Pumasok ako, gayun din siya. Ngunit bahagya akong napahinto nang may mapansin sa lapag. Nakataob iyon, kinuha ko. Pagtataka ang bumalot sa akin nang makita ang isang larawan. Babae ito na may korona at mistulong nakabalot ang buong katawan ng tela, may hawak na espada ang kaliwang kamay habang ang kaliwa ay mistulang timbangan. "Ano 'yan?" usina ng katabi ko. Kumibit-balikat ako at kaagad na pumunta sa basurahan para itapon iyon. Nang bumalik ako, nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa. "Ang lawak ng bahay niyo, Ma'am. Ikaw lang mag-isa rito?" Bakit ba pakiramdam ko kumukuha ng information itong batang ito para pagnakawan kami? Napailing nalang ako. Pumunta ako sa kusina, naghanap ng makakain at maiinom. Muli akong bumalik at inilapag iyon sa mesa. Hindi naman tumagal si Jordan sa bahay. Aniya ay may lakad sila ng tropa niya, sinabi ko na kailangan na niyang magpakatino-tino. Dagdag ko pa, hindi naman masama ang sumali sa isang grupo lalo na kung alam mong may mabuti itong maitutulong sa 'yo. Medyo naging pilosopo nga lang ang sagot niya sa akin na may naitutulong din naman kahit papaano ang barkada. Kapag iinom sila, nakakalimutan panandalian ang problema. Maigi ko siyang tiningnan, parang nagi-guilty tuloy ako na ang dating sa kaniya ng sinabi ko ay ang mga kaibigan niya ang dahilan kung bakit hindi pa siya nakakagraduate. "Ingat 'nak." Naibuga niya ang iniinom na chocolate drink nang sabihin ko iyon. Bahagya akong natalsikan, tumingin siya sa akin nang natatawa. "Masama bang tawagin kang anak? Magiging teacher ako, estudyante ka. Magiging pangalawang magulang mo ako." Umiling nalang siya sa tinuran ko, madali niyang inubos ang iniinom saka sumakay sa motor. Nang pinaandar niya ang sasakyan ay siyang pagsarado ko ng gate. Ngiting-ngiti ako habang iniisip ang naging ekspresyon niya. Mga kabataan talaga. Akala siguro ng estudyanteng iyon na por que malapit ang edad namin sa isa't isa ay dapat magkaibigan na kami. Pupwedeng, oo, magkaibigan sa labas. Pero kung sa paraalan, dapat lang na umakto kami ayon sa katungkulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD