Acquaintance

1035 Words
Sikel Villavicencio "Shota mo?" Inismiran ko ang lalaking kararating lang. Bato-bato ang katawan nito, naka-sando kung kaya kitang-kita ang  mga tattoo na halos takpan na ang kulay ng kaniyang balat, pawisan din siya habang may hawak na welding machine at iba pang kagamitan na hindi pamilyar sa akin. "Siraulo, hindi." Tinalikuran ko siya at inayang pumasok sa bahay. Muli akong lumingon sa kaniya dahil akala ko namalik-mata lang ako na mag-isa lang siya. "Akala ko ba may isasama ka?" Nagpatuloy kami sa paglalakad. Habang ako ay diretso lang, si Tado naman ay parang kiti-kiting paikot-ikot ang tingin sa paligid. Makailang beses ito huminto para tingnan ang isda na nasa isang fishpond, maging ang mga malilliit na pine tree ay hindi nakaligtas sa pamimitas. Pinabayaan ko nalang siya sa ginagawa niya at dumiretso sa paglalakad. "Dinayo ko pa kasi yung kabilang barangay, may nagpapintura ng bubong. Sayang din kita." Pansamantala itong umupo sa sementadong upuan sa malilim na bahagi. Kitang-kita ko kung paano siya napabuntong-hininga at napapikit, kaniyang binasa ang tuyong labi at napapikit. "Saka sayang din 'yong kagwapuhan ko kung 'di makikita ng mga chicks." Umarko ang ngisi sa kaniya "Lahat nalang ng trabaho, pinapasukan mo 'no?" Kung may isa pa man akong idadagdag sa mga hinahangaan kong tao, walang iba kundi ang lalaking nasa harap ko ngayon. Kung dati-rati ay iritang-irita ako sa pagiging siga niya sa barangay, natutunan ko ring pakisamahan siya at kinalaunan ay ituring na kaibigan. "Kung ikaw lang mag-isang mag-aayos, mahihirapan ka. Pupwede mo nang ipagpabukas ang pag-aayos." Hindi madaling ayusin ang steel window nang nag-iisa. Baka mabitawan lang niya iyon lalo pa na kagagaling lang niy sa pagpipintura at napagod nang husto ang kaniyang mga kamay. Kaagad itong tumayo, kaso halatang muntik nang matumba. "Para mo namang minamaliit itong mga muscles ko, Sikel!" Itinaas niya ang dalawang braso na halos pumutok na. Nasabi niya sa akin dati na naging dancer din daw siya dati sa mga gay bar, binibiro nga ako nito na sayawan ako kapalit ng pera. Adik ba siya? Hindi kami talo. "Di, biro lang. Alam ko namang dodoblehin mo sahod sa akin." Tumango ako. Napanganga naman siya at halos hindi makapaniwala. "Seryoso ka?" "Oo, pero sa isang kondisyon: Bukas ka na magtatrabaho. Dito ka muna sa bahay, pero hindi mo dapat pagurin ang sarili mo rito," Nagsimula akong maglakad, pasimple ko siyang nilingon na mukhang hindi pa rin naiintindihan ang mga nangyayari. "Eh anong gagawin ko rito?" "Iinom tayo. Samahan mo akong magpakalasing dahil masakit ang puso ko." Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sininok dahil sa alak. Habang si Tado, patay-malisya sa pait ng iniinom niya. Tuwang-tuwa ito dahil nakatikim na naman daw siya ng branded na beer at dapat daw lagi akong heart-broken para may libreng alak. Gusto ko tuloy siyang sipain habang nag-eenjoy siyang manood ng comedy: Dophy at Babalu. Old school talaga itong si Tado. Ilang taon na nga uli siya? Nasa mahigit trenta na ata siya Pagtataka ang bumalot sa akin nang makita kong huminto ang movie. Akala ko may problema lang sa internet connection, tatayo pa sana ako para i-check pero hibila niya ako paupo. Seryoso siyang humarap sa akin, binitawan niya ang alak at humalukipkip. Doon ko napagtanto na sinadya niya pala. "Ikwento mo," bumuntong hininga ito "Ikwento mo kung bakit ka nagkakaganyan. Saka bakit wala ka kahapon dito? Alam mo namang binilin ka sa akin ng Mama mo, mananagot ako sa kaniya kapag may kung anong masamang mangyari sa 'yo." "Sa kaniya lang ba ako mananagot?" "Mananagot ka rin sa akin kapag may nangyaring masama sa sarili mo." Unti-unting sumilay sa akin ang ngiti, maya-maya'y bumuhaglit na sa kakatawa dahil sa mga pinagsasabi niya. Ni hindi ko talaga mawari kung sa papaanong paraan ay naging tatay ko na rin ang lalaking ito. "Ikwento mo na Sikel, makikinig ako." Napahugot ako nang hininga. Wala akong balak ikwento sa kaniya ang buhay ko. Hindi ko rin alam kung bakit, may parte sa akin na nagsasabing maging maingat ako sa bawat salitang ilalabas ko; tungkol man ito sa akin o hindi. Kaibigan ko si Tado, pero hindi ko alam kung sapat na ba iyong dahilan para lang pagkatiwalaan ko siya. "Nabaon kami sa utang. Nasa hospital ngayon si Papa hindi lang dahil sa paa niya, kundi dahil na rin sa dinamdam niya 'yong investments namin na na-scam." Bumuka ang bibig ni Tado, ninais niyang magsalita ngunit parang tinitimbang niya kung dapat ba niyang sabihin. "Ano?" "Uh...anong sabi ng afam mong boyfriend? Alam na ba niya? Nag-usap na ba kayo?" "Naghiwalay na kami." "s**t. Bakit naman? Kung kailan kailangan mo siya, saka naman siya wala. Ano bang dahilan?" Kinuha niya ang baso ko, sinalinan ng alak, at inabot ito sa akin. "Nakipagrelasyon siya sa kapwa niya lalaki, pinagsabay niya kami." Tumingin ako kay Tado, napansin kong malalim ang iniisip nito. "Anong tingin mo sa mga katulad nila? Sa mga bakla at tomboy?" Humigpit ang hawak nito sa baso. Napapitik din ng dila. "Sila? Wala silang kasing baboy. Isipin mo ba naman, nakipagrelasyon sila sa kapwa nila kasarian, edi mas masahol pa sila sa hayop. Kung wala sila, walang magagahasa na mga menor de edad dahil sa bugso ng damdamin nila.". Tumaas ang labi ko sa kaniyang mga sinabi. Tinitigan ko ang baso ng alak na kaniyang iniabot, bumubula pa ito at nag-uudyok na tikman. Walang pagdadalawang isip na ininom ko iyon. "Tado, mukhang kailangan mo nang umalis dahil lumalalim na ang gabi." "Huh? Agad-agad? Malapit lang naman ang bahay ko dito sa inyo, p'wede naman mamaya nalang." Nakangiti akong umiling sa kaniya. Walang siyang nagawa kundi tumayo at sundin ako. "Malapit nga lang ang bahay natin sa isa't isa kaya p'wede kang bumalik rito bukas." Pinagmasdan ko ang kaniyang mabagal na paglalakad. Hawak niya ang bote ng alak na hindi namin naubos kanina. Muli kong inalala ang kaniyang mga isinagot sa tanong ko: Anong tingin mo sa kanila? Alam kong may nakaraan na siya tungkol sa kanila dahil nagtrabaho siya sa gay bar. Pero batid ko rin na hindi sapat na dahilan ang pambabastos na nangyari sa kaniya para husgahan ang lahat ng tomboy at bakla sa mundo. Tado, binigyang katuturan mo lang ang kawalan ng tiwala ko sa 'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD