"That was.. unexpected." Tumikhim si Kuya at pasimple akong sinamaan ng tingin.
Sabi ko na e. They expect me to greet him like how I greet him before.
Umirap lang ako at hindi pinansin ang mapanuring tingin nila. Lalo na ang tingin ng engkanto na parang binabasa pati kaluluwa ko. At naiirita nanaman ako. Kahit presensya nya lang talaga ay naiimbyerna na ako.
Bakit pa kasi umuwi! Masaya naman na sya roon sa Japan ah!
"Tss." Humalukipkip sya.
Hindi ko magawang tumingin sa kanya kahit sumulyap. Nakatutok lang ako sa choco mint ice cream na kinakain ko. Kahit sa ice cream na paborito ko ay naiinis na rin ako. Kumakalat na ang virus.
Demon virus ng demonyong kaharap ko.
"A-Ahaha! Maybe they need to catch up! You know. Matagal rin silang hindi nakapagusap." Pilit na tumawa si Mama.
Nye nye. Catch up nya muka nya. Bumalik na lang sya sa Japan at mas okay pa yun.
"Right! Maybe we should leave them here! Sakto ay may ipapakita ako sa inyo na mga koleksyon ko!" Tumayo si Tita at hinigit si Tito.
Tatayo rin sana ako ng bigla akong hinawakan ni Kuya sa balikat at tinulak paupo ulit. Pinandilatan nya rin ako, nagbabanta na sa oras na tumayo ako at sumama sa kanila ay isang taon akong maghuhugas.
Napasimangot ako sa inis at padabog na humalukipkip sa mesa. Ubos na ang choco mint ice cream ko at wala na rin naman akong ganang kumain pa. Lalo pa at may kaharap akong magpapakabag sakin.
Nang kami na lang ang naiwan ay naasiwa agad ako. Kumakain sya sa harap ko at tanging pagnguya nya lang ang naririnig ko. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para iupdate si Margs tungkol sa bagyong dumating.
To: Margs
Cignal 1 pa lang
I hit sent and decided to play games on my phone. We totally ignored each other. Kahit na inis na inis na ako kasi parang sinasadya nyang patunugin ang pagnguya nya. Nakakaasiwa sa tenga. Idagdag mo pang inis ako sa kanya.
From: Margs
Ingat ka kyaaaaa~ baka tamaan ka ng kidlat
To: Margs
Sya ang tatamaan sa oras na pikunin nya ko
From: Margs
That's the spirit! Ipakita mo ang sinayang nya!
To: Margs
Para naman kaming magjowa noon at nagcheat sya sakin!
From: Margs
Ay hindi ba? Hehe
Sumama ang muka ko sa inis. Sumulyap pa ako sa tapat ko at mas sumama ang muka ko ng makitang parang batong kumakain ng cookies and cream ice cream! Napairap ako at gigil na nagtipa ng reply kay Margs.
To: Margs
Nakakainis!!!! Nakakainiis talagaaa! Gusto ko ng umuwi!
From: Margs
Sus! Huwag ka kasing pahalata na affected ka! Act normal! Act unaffected! Simple!
Ngumuso ako. Bakit nga ba ganito ang akto ko e matagal ko na syang binura sa buhay ko. Dapat ay hindi ako apektado, gaya nya. Tama. Napatango ako at nagreply ng thanks kay Margaux na di nya agad nagets.
Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng magtext si Ralf. Napangiti agad ako, nawala ang inis. Nakakatuwa kasi na nagtetext na ulit sya sakin. Noong nakaraan kasi ay sooobrang tahimik nya talaga.
From: Ralf
Watsup?
Nagreply naman agad ako sa kanya.
To: Ralf
Ayos na hindi. Ikaw na nakauwi na?
From: Ralf
Ha?
Kumunot ang noo ko. Naging makakalimutin naman na yata si Ralf ah.
To: Ralf
Diba may lakad ka?
From: Ralf
Ah! Oo! Nakauwi na ko hehe.
Ngumuso ako at binaba ang phone. Nawiwirduhan nanaman ako kay Ralf. Parang may hindi sya sinasabi samin, sakin. Hindi naman sya ganoon dati ah. Bumuntong hininga ako at sumandal na lang.
Biglang nagtama ang mata namin ni bagyo at authomatikong nangasim ulit ang muka ko. Tinaasan nya lang ako ng kilay at inirapan. Inirapan ko rin sya ng bongga, tinalo ang pagirap nya na parang bakla.
Pfftt! Bakla! HAHAHAHA!
"Fool." He murmured.
Naasar agad ako ng marinig ang nakakairita nyang boses. Hindi nagbago ang paraan, tono lang dahil lumago ang boses nya ng bahagya pero kasing lamig pa rin ito ng ice cream na kinakain nya.
Inirapan ko lang sya at hunalukipkip. Sumulip rin ako sa sala para matingnan kung nandoon ba sina Kuya. Talagang iniwan nila ako dito kasama ang engkanto to.
"Duck." He then murmured again.
Inis na inis na ako kasi alam kong ako ang sinasabihan nya noon. I mean, duuh?! Kami lang yatang dalawa ang nandito. Pwera na lang kung sarili nya talaga ang sinasabihan nya ng mga yun, which is better.
Nagvibrate ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa. Tumatawag si Ralf which is quiet surprising. Nakita ko rin na nakatingin sya roon kaya mabilis kong dinampot para sagutin. Pakialam ko sa pagkunot ng noo nya.
[Hey.] He sounds so calm and gentle.
"Napatawag ka?" Umayos ako ng upo.
[Ahm.. did I perhaps upset you?] Marahan nyang tanong.
"Hindi ah!" Mabilis kong sagot kaya napalingon si engkanto sakin.
Umirap lang ako sa kanya na sinuklian nya rin ng isang irap. Nagirapan lang kaming dalawa. Mahilo na matalo.
Parang nakahinga naman ng maluwag si Ralf. [Akala ko ay nagalit ka..]
"Ehh? Bakit naman ako magagalit sayo?" I asked, confused.
Biglang umismid si engkanto. Nakahalukipkip ito habang seryosong nakatingin sa cellphone nya.
[Wala.. baka kasi nagtampo ka noong tinanggihan kita kanina.] Paliwanag nya.
Napangiti ako dahil sa pagiging considerate nya. "Hindi! Sayang nga lang kasi may gusto sana akong sabihin sayo."
[Talaga? Ano ba yun?] Why does he sound excited?
"Ah.. tungkol lang sana kay Margaux." Honest na sagot ko.
[Ah.. ganoon ba?] Ngayon naman ay tunog diasppointed sya.
"Yeah. Pero bukas na lang. Magkikita naman tayo sa school e."
[S-Sige, ano.. may gagawin pa ako.. text na lang kita ulit mamaya.] Parang nahihiyang sabi nya.
"Bakit mo ko itetext ulit?" I don't get him.
Narinig ko bigla ang pagpigil ng tawa ng kaharap ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero inirapan nya lang ako. Umirap rin tuloy ako at nagfocus na lang sa kausap.
[W-Wala lang.. baka kako may gusto kang sabihin o ishare.] Paliwanag nya.
"Mm. For sure mapupuyat tayo nyan mamaya kasi soooobrang dami kong ikwekwento sayo." I nodded.
Biglang nanindig ang balahibo ko ng biglang lumamig sa kusina. Napasulyap rin ako kay engkanto na mukang naramdaman rin yun kasi sobrang dilim ng muka nya, parang kukulog at kikidlat na yata.
"Sige na, Ralf. Mamaya na lang." Paalam ko kasi parang may sakunang darating ako kailangan ko ng lumikas.
[S-Sige.. bye.]
"Bye!" Binaba ko na ang tawag at tinext agad si Margs.
To: Margs
Cignal 3 na agad! May kasama ng kulog at kidlat!
From: Margs
Ilabas mo na yung payong mo! Malalakas na ulan na ang kasunod nyan!
Natawa ako pero nawala yun ng maramdaman ang mapanuyang tingin nya sakin. Inirapan ko lang ulit sya at nagreply kay Margs.
To: Margs
Evacuation Center na ang kailangan ko.. mukang dalawang sakuna ang mararanasan ko..
Binaba ko ang phone ng magpaalam si Margaux na may gagawin pa sya. Bigla rin akong nakaramdam ng parang pagkawalan ng gana. Gutom na ulit ako. Marami pa namang pagkain sa harap ko.
Ngumuso ako. Hinding hindi ako kakain ulit sa harap ng impaktong to. Paniguradong kukutyain nya lang ako na masiba o baboy kung kumain. Knowning how evil and good at pissing he is. Talent nya yun e.
"Kumain ka na. Halata namang gutom ka pa e." Bigla nyang sabi.
Inirapan ko lang sya. Pinagkrus ko ang braso at nakipag p*****n ng tingin sa kanya. His blank face irritates the hell out of me. Para kasing wala syang pake sakin!
At bakit nya kailangang magkapaki sayo?
Umismid ako sa sariling iniisip at tiningnan na lang ang kuko ko. Medyo mahaba na at soobrang sarap mangalmot ng engkanto na may dalang delubyo na sasakop sa buong mundo at gugulo sa buhay ko.
"Eat." Ulit nya pa at tinulak ang lagayan ng spaghetti sa direksyon ko.
Sarkastiko ko syang tiningnan. "Bakit hindi ikaw ang kumain?"
"Baka kakatapos ko lang kumain. Idiot." Insulto nya pa.
See?! Sobrang galing nyang mangyamot!
Nanggagalaiti ako. Nagtitimpi lang ako sa kanya. Kung wala lang ang Kuya ko dito ay kanina ko pa sya nabato ng upuan at kutsilyo sa pagkainis. Nakakainis sya! Nakakairita sya! Sooobraa!
His presence. The way he look at me. The way he speak. The way he moves. Even the way he breath irritates me! Lahat ay nakakainis sa kanya! Buong pagkatao nya ay sobrang nakakainis! Nakakainis! Nakakainisss! Arrrghh!
"Someone looked like a duck." Pagpaparinig nya.
"Someone looked like a duck. Nye nye." I mocked.
He face palmed. "Funny."
"Funny." I mimicked.
I mentally smirked whe I saw irritation crossed in his face. Nagtiim bagang sya at parang sasabog na ano mang oras.
Look how he easilly get pissed. Napakapikon nya talaga.
"Immature." He murmured.
"Immature." I mumured too.
Umirap sya at humalulipkip lalo. Umirap rin ako at humalukipkip gaya nya. Totally planning to piss the hell out of his life.
"Tsk!" He shrugged.
"Tsk!" I then shrugged too.
"Stop it!" He spatted, naasar na.
"Stop it!" I spatted too, nangaasar.
Bumabakat na ang ugat nya sa noo. Salubong na rin ang mga kilay nya at parang ano mang oras ay Volcanic Eruption naman na ang mararanasan ko maya maya.
"Not funny, Cline." Seryoso nyang sabi.
"Not funny, Cline." I mocked again, enjoying what I'm doing.
Pumalatak sya sa inis. "Stop copying me, stop acting like a kid."
Taas noo ko lang syang tiningnan. Hindi papaapekto sa mga sinabi nya kahit pa kumirot ng kaunti ang puso ko dahil roon.
"Who's acting like a kid? Baka ikaw." Tinaasan ko sya ng kilay.
He scoffed. "Ako? E ikaw itong gaya gaya dyan na parang seven years old na bata."
"Nye nye." Hindi ko sya pinansin.
He smirked. "See? Immature."
I mocked his words again before shrugging. Sa huli ay ako pa rin ang talo. Lagi na lang akong talo pagdating sa kanya. Lagi na lang. Nakakairita. Nakakainis. Gusto kong umiyak. Bwisitttt! Arrrggghh!
Pumadyak ako at padabog na tumayo. I can't take it anymore. Baka mahampas ko lang sya ng pinggan kapag nanatili ako dito sa kusina. Ayoko rin namang manira ng gamit nina Tita na alam kong may values.
"Hindi na nagbago. Still the same Cline who always walks out when defeated." Pagpaparinig nya.
"Atleast hindi ako nagbago. Di gaya noong iba dyan." Pagpaparinig ko at nagpunta sa sala kung saan alam kong naroon sina Mama.
"Who says I changed?" Rinig ko pang sabi nya.
Hindi ko sya pinansin at lumapit na lang kina Mama na nagtitingin ng photo albums roon sa sala. Si Kuya ang unang nakapansin sakin na agad akong tinaasan ng kilay, inirapan ko lang sya ng todo.
"Ma, uwi na ko." Sinundot ko ang braso nya.
Mabilis na napatingin sila sakin. "Why? Nagusap na ba kayo ng anak ko? Are you two okay now?"
Napangiwi lang ako kay Tita. Kami? Maguusap? Magbabati? Imposible. That's very imposible. Soooo imposible.
"I see that you two aren't in that stage." Bawi ni Tita ng makita ang ekspresyon ko.
"Uuwi na ko. May homeworks pa ako. Ayokong makalimutan yun kasi hindi ako makakapasok sa klase." Paalam ko kay Mama.
Tumango ito. "Sige, susunod kami maya maya."
"Teka lang, ipapahatid kita ka-" I immidiately cutted Tita Sheena.
"No thanks. Saka dyan lang naman po sa tapat ang bahay namin." Agap ko agad.
Ngumuso sya. "But you always wanted him to walk you home before, hindi ka nga uuwi hangga't hindi ka nya ihahatid e."
Pinaalala pa ni Tita.
Peke akong ngumiti. "I'm a grown up now, Tita. Kaya ko na po ang sarili ko."
Hindi ko na kailangan ang paghatid ng anak nyong kamalasan lang ang dala sakin.
Dismayadong tumango si Tita. "Okay, take care then, balik ka na lang dito bukas, magbabake ako ng cookies!"
I pursed my lips.
Cookies. Of all food that she can bake, why cookies?! Why the food that she knew that I can't resist?!
"Huwag ka ng magisip pa dyan kasi sure naman kami na hindi ka tatanggi." Sabad ng impaktong galing kusina. Umirap lang ako. Bwisit.