"Umayos ka nga." Sita ni Kuya sakin ng makitang nakasimangot nanaman ako.
Umirap lang ako at nagseat belt. Wala ako sa mood para makipag bardagulan sa kanya. Hindi maganda ang gising ko kasi pati pagtulog ko ay hindi rin maganda. Bwisit na lalaking yun!
Paano ba naman kasi ay dapat tatawagan ko si Ralf para ikwento ang mga nangyari pero biglang may tumawag sakin. Akala ko wrong number pero hindi! Si bagyo pala yun! Sya yung tumawag!
Of course I ignored his call. But he keep on calling! Ni hindi ko magawang matawagan miski matext si Ralf kasi puro sya tawag ng tawag! Kahit blinock ko ka na ay nabubulabog nya pa rin ako sa chat!
Ni hindi ko na nga nagawang tawagan si Ralf noong mapagod ang damuho kasi busy ang linya nya, may kausap rin sya sa phone. Wrong timing, verrryy wrong timing! Arrgh! Nakakainis talaga ang bwisit na yun!
Mabuti na lang at nakapagtext ako kay Margs na sya na lang ang magsabi kay Ralf na busy ako dahil may bwisit na nangiinis. Nakatulugan ko na nga ang text nya dahil sa inis at antok na rin. Pagod kasi talaga ako kahapon.
Napuyat pa nga ako dahil sa kanya! Paano ba naman ay nagflashlight sya at nakatutok iyon sa mismong bintana ng kwarto ko na katapat lang rin ang kwarto nya. Hindi ako lalong nakatulog dahil roon!
At ito pa! Muntik na akong malate ng gising kung hindi lang ako binulabog ng pagtawag nya! Hindi naman sya nagsasalita twing tatanungin ko sya! Parang gusto nya lang talagang manira ng umaga ng iba! Arggh!
Bumaba ako ng kotse nya ng huminto sya sa Parking. Naroon rin si Margs na iniintay ako. Kasama nya rin si Ralf na kumaway pa sakin ng makababa ako. Nagpaalam ako kay Kuya gamit ang irap at ismid ko.
"Bantayan mo sya!" Sigaw nya.
Bakit naman ako kailangang bantayan ni Ralf?
I shrugged and greeted the both of them good morning. Si Margs ay parang sobrang saya, maybe because ililibre kami ng breakfast ng crush nya, sya lang pala kasi busog pa ako, nagpadala kasi ng pancakes si Tita sa bahay.
Muntik ko na ngang hindi kainin kasi ang engkanto ang nagdala pero dahil hindi nakapagluto si Kuya at maagang umalis sina Mama ay wala akong choice kundi ang kumain ng pancake na nilagyan nya ng sumpa.
Huwag lang talagang sumakit ang tyan ko at talagang ipapaalbularyo ko sya!
Kumain sila ng breakfast sa Caf habang nakatunganga lang ako habang pinapanood silang kumain. Fried rice at omellete ang pagkain. Nagutom ako bigla kasi parang nag sarap ng kinakain nila.
"So, how's your night?" Tanong ni Ralf.
Nawala bigla ang pagkatakam kong kumain at napasimangot. Nainis agad ako ng maalala ang mga nangyari kahapon. Hiniling ko pa nga na sana ay bangungot lang yun kasi tatanggapin ko! Arrgh!
"Is there something wrong?" He sound so concern.
I nodded. "Wala naman. May iniisip lang."
Tumaas ang kilay nya. "Care to share?"
I puffed a breath. Wala naman sigurong masama kung ikwekwento ko sa kanila ang nangyari kagabi. Ififilter ko na lang at hindi isasama ang pagiging pikon ko. Sya na lang ang ipapahiya ko.
"What's his name?" Curious na tanong ni Margs.
"I forgot his name." I lied.
Duuh! I tried pero parang sumpa ang pangalan nya! Parang sya.
"Is he handsome?" Kinikilig na tanong nya.
Napairap ako, napacringe sa pandidiri. "Yuck! He is far from being handsome! He is a curse! Sooobraaang pangit nya!"
Okay. That's a lie. Tito Thom is a walking Greek God and unfortunately, he got the looks of his dad.
Nagkatinginan ang dalawa na para bang naguusap sila gamit ang mga mata nila. Hindi ko na lang sila pinansin, atleast mukang nagkakamabutihan na silang dalawa. Good for them.
Nang magbell ay pumasok na kami. Humiwalay si Ralf samin dahil hindi nga kami magkaklase. Mabuti nga at nauna kami kay Mrs. Delfa sa pagpasok. Chineck ko kung dala ko ang homework ko.
"Shit." I cursed under my breath when I can't find my homework in my bag!
Kinabahan agad ako. Nandyan na si Mrs. Delfa at paniguradong mapapalabas ako sa oras na ipapasa ang homeworks namin.
"What?! Saan mo nilagay?!" Pinandilatan ako ni Margs sa kaba.
I bit my lower lip. "Sa sofa yata."
"Omg. Paano ka na? Maybe you can call Kuya Clyde para ihatid dito?" Suggestion nya.
Ang lamig na ng kamay ko. Isitrikta si Ma'am. Sure akong mapapahiya ako ngayon. Bakit ba sobrang malas ko?! It's all that curse' fault! Bakit pa kasi sya umuwi?! Arrrgghh!
"No choice. Lalabas na lang ako. Intayin ko na lang kayo sa Lib." I sighed.
Nagaalala nya akong tiningnan. Ngumiti lang ako kasi parang ano mang oras ay pupunitin na nya ang homework nya para masamahan lang ako sa labas. Ganoon talaga sya, so thoughtful and caring.
Ang swerte ni Achi sa kanya if ever na magkatuluyan sila.
"Where are you going, Ms. Zuelde?" Tanong ni Mrs. Delfa ng makitang lalabas ako.
Napayuko ako. "I'm sorry, Ma'am. Nakalimutan ko po kasi yun-"
Someone knocked.
"Excuse me." Someone spoked.
I stilled when I heard the very familiar voice. Nagtilian rin at nagbulungan ang mga babae kong kaklase. Lahat sila ay nakatingin sa gilid ko, kung nasaan ang pinto.
"Yes?" Mrs. Delfa raised her brow.
"Someone left their homework." It may sound normal but for me, he sound mocking.
I bit my lower lip to stop myself from mocking him back. At bakit ba sya nandito?! Is he following me?! Ugh! Can't he give me a break?!
"Oh, it's your's, Ms. Zuelde." Ma'am pointed out ng tanggapin nya ang notebook ko.
Tumango lang ako at sumulyap sa lalaking kaswal na nakatayo sa tabi ko. Nakasuot sya ng uniform na gaya ng sa uniform ng mga kaklase ko kaya sumama agad ang pakiramdam ko, masama ang kutob ko.
"Cline you can sit now. And you, Mr. Yamashita, introduce yourself in front." Utos ni Mrs. Delfa.
Napakagat ako sa dila at naupo sa tabi ni Margaux na parang tangang naglalaway sa lalaking bagong salta. Kumuyom ang kamao ko sa inis. Lalo pa ng makita ko ang pasimple nyang pagngisi sakin.
Sinamaan ko sya ng tingin. Naghahamon nya lang akong tiningnan bago naging blangko ang muka nya ng kailangan na nyang magpakilala. Tinabunan ko agad ang tenga ko para hindi sya marinig.
Ayokong malasin sa oras na marinig ang pangalan nya. I had enough bad luck!
"Good morning." Nagvow pa sya na parang hapon.
Umugong agad ang bulungan tungkol sa kagandahan raw ng boses nya. Para akong masusuka sa pandidiri. Siguro ay maraming katuli ang mga babaeng ito. Nasaan ang maganda sa boses nya? E parang boses ng paos na kabayo boses nya!
"Omg! He's so gwapo!" Tili rin ni Margs sa tabi ko.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko sya. I feel betrayed! She raised a brow to me when she noticed my disgusted face.
"What?" Maarte nyang tanong.
"Gwapo? Gwapo?! Nasaan ang gwapo sa muka nya?!" Gigil na tanong ko, hindi ko alam pero asiwang asiwa ako.
Umirap sya. "Duh! Hayan oh! Unang tingin pa lang pogi na!"
"Yuck, Margaux! Where is your taste now?! E mas gwapo pa nga si Ralf dyan e!" I exclaimed.
Bago pa sya makaalma ay may tumikhim sa unahan. Direchong nakatingin sakin ang impakto. Tinaasan ko lang sya ng kilay ay inirapan.
"My name is Shin Theodore Yamashita but please call me Shin. I'm from Japan but I was born and raise here so I can understand and speak tagalog well." Kaswal na sabi nya.
I mocked his words silently like a kid. E sa nakakainis sya e! Ano ba kasing ginagawa nya dito?! E sobrang daming school na pwede nyang pasukan ah! Private at mas maganda! Mas malayo rin sakin!
"Okay Mr. Yamashita, you can sit in those vacant chairs, ikaw na ang pumili." Utos ni Mrs. Dalfe saka nagsulat sa white board.
Nanlaki ang mata ko ng makitang may vacant chair sa kaliwa ko kaya mabilis kong kinuha ang bag ko pero bago ko para sana ilagay doon kaso naunahan nya ako at tinapon ang bag ko sa sahig, katabi ng kanya.
"Ano ba!" Sinamaan ko sya ng tingin.
Tamad syang lumingon sakin saka bumalik ang atensyon sa pisara na akala mo ay mag pakialam sa tinuturo pero nangaasar lang talaga. Umusok agad ang ilong ko sa inis at padabog na humarap rin sa board.
"Omgg ka girl! Katabi mo sya! You're so lucky!" Impit na tili ni Margs sa tenga ko at kinurot pa ang tagiliran kk!
"Lucky. Malas kamo!" Sikmat ko.
Umirap sya. "Malas ka dyan. He's so pogi kaya! So serious too! Hihi."
I let out a disgusted scoff and took a glance at the guy beside me who still looking in front with his stoic face. Ngumiwi ako sa asiwa. Kahit kailan talaga ay nakakainis ang ekspresyon nyang ganyan, parang walang paki.
"Damn it. Why can't you just leave me alone." I whispered.
"I can't." He whispered too.
I was ataken back. Nasabi ko pala yun ng malakas. Pero nainis ako dahil sa sagot nya. He can't?! Of course he can! Bakit pa kasi sya umuwi?! Ha? Masaya na sya roon sa Japan diba? Kaya bakit?! Bakiiit?!
"Cline." Ralf called.
Ngumiti ako sa kanya at mabilis na kinuha yung bag ko. Aalis na sana ako para sumama kay Ralf dahil nasa CR naman si Margs na iintayin na lang namin sa Caf ng hawakan ni Shin ang braso ko para pigilan ako.
I flinched and pulled my arm back. "What?"
He remained emotionless. "I'm new here. I don't know where the Cafeteria is."
Inirapan ko lang sya. "Paki ko naman? Kasalan mo at dito ka pumasok."
Hindi nya pinansin ang sinabi ko at umismid lang at tumayo sa harap ko. He boredly motioned me to walk and he will follow. Labag man sa loob ko ay padabog akong tumalikod sa kanya at pumunta kay Ralf.
"May epal na sasama." Sabi ko sa kanya.
Tumingin agad sya sa likod ko. I saw how he gasped when he saw Shin behind me. I frowned because of it, does he perhaps know Shin-pangit? That's imposible, ngayon lang sila nagkitang dalawa.
"Tara na." Hinila ko sya papunta sa Caf, sigurado naman akong susunod ang epal na yun.
"Are you okay?" Ralf asked with a low voice.
"Yes, and why are we whispering?" I whispered too.
Napakamot sya sa batok. "Wala lang hehe."
Tumunog ang phone nya, may nagtext yata sa kanya. Maya maya ay kumunot ang noo nya tapos bigla syang namutla. Sunod sunod syang lumunok tapos pasimpleng lumingon sa likod namin.
"Hoy! Are you okay?" I nudge him.
"A-Ah, oo!" Balisa nyang sagot.
"Ano, susunduin ko lang si Margs, mukang natagalan sya e. Mauna na kayo sa Caf, susunod na lang kami." Bago pa ako makaalma ay nawala na sya.
"Ugh. Seriously?!" Sarcastic na tanong ko sa sarili.
"Faster. I'm hungry." Isa pa to!
Sinamaan ko sya ng tingin. "Kasalanan mo to!"
"Bakit ako?!" Sinamaan nya rin ako ng tingin.
"Malas ka! Puro na lang kamalasan ang nangyayari sakin simula nang magpakita ka!" Sisi ko sa kanya.
Nairita sya agad. "Huwag mong isisi sakin ang katangahan mo!"
Umawang ang labi ko. "Ewan ko sayo! Maligaw ka sanang lintik ka!"
Nagwalk out ako. Imbis na magpunta sa Caf ay sa Library ako nagpunta. Hindi ko pinansin ang pagtawag nya sa pangalan ko at ang sunod sunod nyang pagmumura. Lumalabas na ang tunay nyang kulay!
Nagpupuyos ako sa galit na kumuha ng libro ay gigil yung binuklat. Hindi ko magawang maenjoy yung story kahit na romance ang genre nya. Nawala bigla ang sweet bone at romance feeling ko dahil sa inis!
"Bwisit ka Shin! Sana mabulunan kang pisti ka!" Gigil na bulong ko, sinusumpa ang malas na yun.
Nagtext rin muna ako kay Ralf na hindi ako gutom kahit na gutom na gutom na talaga ako. Bahala na! Mas gugustuhin kong mamatay sa gutom kesa makita ang impaktong yun! Hindi rin naman ako mabubusog kung kasabay ko sya! Argh!