Chapter 4

1982 Words
"Okay, get a partner. Dapat girl and boy." Bungad ni Sir Alvin samin. He's our Literature teacher. Agad namang naghanapan at nagagawan ng partner ang mga kaklase ko. Nakasimangot ako kasi hindi ko pwedeng maging kapartner si Margaux, dapat lalaki. I sighed and sulked. I had too much bad luck today. Una ay nalate ako ng gising. Pangalawa ay kasabay ko sa pagpasok si Shin dahil iniwan ako ni Kuya at may sarili na rin syang kotse. Pangatlo ay naiwan ko ang phone ko. Pangapat ay nakalimutan kong may quiz nga pala kami kaya hindi ako nagreview kagabi kaya heto ako ngayon at kailangang magtake ulit ng quiz bukas kasi kaunti lang naisagot ko, good thing at mabait ang teacher namin sa Values. At ang panghuli ay ito! Wala akong makitang lalaking walang kapartner bukod sa lalaking katabi ko. At isa lang ang ibig sabihin noon! Sya ang magiging partner ko! Oo! Sya! Ang malas na lalaki ang magiging partner kooooo! "Malas. Bwisit. Bwisit." Bulong ko habang nakakuyom ang kamao at nakikinig kay Sir. "Tsk! You're so noisy! Stop murmuring!" He hissed. Umirap lang ako. Ito ang tunay na Shin, ang laging sumisigaw at galit. Marahil ay may jetlag lang sya kahapon at noong isang araw kaya hindi sya nakasigaw pero ngayon ay mukang buhay na talaga sya dahil laging nakasigaw! "Choose any topic and make a simple argument about it." Instruct ni Sir habang nagsusulat sa white board. "Parang debate, Sir?" Tanong ng isa kong kaklase. "Bingo!" Ngumiti si Sir. Nagkatinginan kami ni Shin. Nakikita ko na agad ang magiging kalalabasan ng activiting ito. Alam ko na agad simula pa lang ng maging partner ko sya. Umismid sya at umirap. Nagngitngit ang ngipin ko sa inis. "Meron kayong two days bago nyo ito gawin dito mismo sa harapan. I will leave now so you all can plan and prepare. Goodbye, class." Sir then left. Nagkanya kanya na agad na pili ang mga kaklase ko ng topic na gagawin nila. Ang iba ay tungkol sa gender equality, may sa double standard, kung sino ang cheater, girls ba or boys. Kung sino ang pinaka responsable at marami pang iba. "Ako na lang ang magiisip ng topic natin. Ako na rin lang ang gagawa. Babasahin mo na lang sa unahan." Sabi ko sa kanya at kumuha ng notebook para roon magsulat. "Whatever." Lang ang sinagot nya. I mocked his words again before writing down all ideas na pumapasok sa isip ko. May dalawang topic akong naisip: Issue ng bullying at descrimination sa mga membro ng LGBT comm. And I think the latter is better. "Goshness! Yun ang topic namin e." Sabi ni Margs ng malaman ang napili kong topic. Tapos bullying rin ang topic ng isa pang pair kaya nawalan ako ng magiging topic. Nagbrain storming ako sa upuan ko dahil mahaba pa naman ang oras at vacant rin naman kami sa next subject namin. "Actions." Biglang sabi ni Shin. "What?" Sikmat ko. He looked pissed now. "Actions! That's what we will do a debate!" "Actions? Really?" I scoffed and shrugged. "I will go to reasonable action while you'll go to unreasonable one!" Inis nyang paliwanag. "No, it's the other way around." Desisyon ko at nilista yun sa notebook ko. Nagsulat ako ng mga sasabihin para maprotektahan ang resonableng aksyon. Ito yung mga kilos na dapat talagang unahin kesa sa ibang bagay. Yung mga rason na talagang importante, hindi pwedeng pagintayin. "Sure akong madami kang irarason para dyan sa napili mo." Sabi ko. "And why is that?" Arogante nyang tanong. "Kasi unreasonable kang ring tao." I faked a smile and stood up. Naubusan ako ng ballpen kaya kailangan kong bumili ng bago. Busy si Margs kaya hindi na ako nagpasama. Saktong nakasalubong ko si Ralf na abala sa cellphone nya, muntik na nga akong di pansinin. "Sabay tayo mamaya, parang gusto ko ng omurice." Kinawit ko ang braso sa kanya. "Sure. Teka lang, sasagutin ko lang to." Lumayo sya sakin para sagutin ang tawag. "Yung flex stick na black po." Sabi ko sa tindera at inabot yung ten pesos. "Tara na. Sino ba yung kausap mo?" Aya ko kay Ralf ng makuha yung ballpen ko. "Ah ano.. kaibigan ko lang.. may tinanong lang." Agad nyang sagot. Tumango lang ako kasi mukang malalim ang iniisip nya. Nandyan nanaman sya sa pagiging aloof at malayo sakin. Pero parang mas close sila ni Margs. Marahil ay nagkaka developan na talaga silang dalawa. "Sige na, Cline. Mauna na ko." Ngumiti sya sakin at nagmamadaling pumunta sa room nila. Nagkibit balikat na lang ako bago pumasok rin sa room at bumalik sa upuan ko. Nakita ko si Shin na may kachat, nakangisi pa nga ito pero ng makita ako ay umismid at umirap, ganoon rin ang ginawa ko sa kanya. I spent my time on planning and writing my ideas. Tapos makikipag kwentuhan kay Margs o di kaya ay makikipag sigawan kay Shin na dumoble ang pagiging nakakairita. Sinapian nanaman ng demonyo. "Sorry pero may lakad kasi ako, Cline e. Pinapatawag ako sa Faculty para raw roon sa paparating na pageant." Paliwanag ni Margs. Napasimangot ako. "E si Ralf rin ay may lakad. Ang pangit naman kung magisa akong kakain roon, ano ako loner?" Napakamot sya sa ulo tapos lumingon sa katabi ko. "Shin! Ikaw na lang sumabay kay Cline sa pagkain ha? Thank you!" "H-Hoy!" Hindi ko na sya nahabol pa dahil nakalabas na sya. Inis akong napasimangot at kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom. Ano bang meron sa dalawang yun at parang balak akong gawing loner? Siguro magdadate lang talaga silang dalawa! Mga traydor! Parang hindi kaibigan! "Tabi nga!" May humawi sakin. "Ano ba! Ang lawak lawak ng daan ah!" Sikmat ko kay Shin na syang tumulak sakin. Hindi nya ako pinansin at nagbingi bingihan ang letse. Umusok ang ilong ko sa inis at nagbubulong sa likod nya. Sobrang daming nagsasabi na ang gwapo nya raw na syang nagpapasama lalo ng mood ko! Gwapo?! Mga bulag ba sila?! Sobrang pangit ng ugali nyan! Pangit yan! Pangiit! "Hoy! Dalian mo nga!" Sigaw nya sakin. Inirapan ko lang sya. "Bahala ka sa buhay mo!" Humiwalay ako sa kanya papunta sa Caf. Gutom na ako at wala na akong paki kung magmuka akong loner. Umorder ako ng spag, fries, burger, choco mint ice cream saka choco mint shake. Naghanap agad ako ng mauupuan. "Usog." Tinulak nya ako kaya muntik akong mahulog sa sahig. "Ano ba! Ano bang problema mo ha?!" Inis na tanong ko kay Shin na kaswal lang na naupo sa tabi ko. Gigil ko syang tiningnan na parang prinsepeng kumakain. Sobrang hinhin at sobrang arte! Pinunasan pa ang mga kubyertos pati yung mismong baso ng tubig at may pa napkin napkin pa sa hita! Ang arte! Grabe! "Pfft~ parang prinsepe." Bulong ko, nangungutya. "I'm handsome. That's a given fact about me." Hambog na sabi nya. Nalukot agad ang muka ko. Padabog kong binuksan yung spaghetti at kumain na lang. Hindi naman ako mabubusog kung habang buhay kong isusumapa si Shin na isa ring sumpa kaya hindi matablan. Mabulunan ka sana. "Mm.. sarap." Napatingin ako sa spag na kinakain ko. Parang iba ang lasa nito kesa sa spag na nakain ko kahapon. Mas matamis ito at mas maraming sauce at hotdog. Napatango tango ako at sumubo ng malaki at kumain rin ng fries at uminom pa ng shake. "Ang baboy mong kumain." Pangyayamot nya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Shut up." "Yuck! You're spilling it! You're disgusting!" Maarte syang lumayo at pinunasan pa ang blazer nyang natalsikan kuno. Umirap lang ako at kumain ng hindi pinapansin ang pangbwibiwsit nya. Kailangan ko ng masanay dahil tapos na ang masasayang araw ko simula pa lang noong umuwi sya. At hindi na dapat ako magpaapekto sa kanya. "Ano ba! Kumakain kaya ako!" Tinulak ko rin sya ng itulak nya ako. Sinamaan nya ako ng tingin kaya sinamaan ko rin sya ng tingin. Nagpatayan kami gamit ng tingin, may paglalamayan na sana kung hindi lang sumulpot bigla ang dalawang traydor kong kaibigan. "Woah, woah! Calm your hoarses down, guys." It was Ralf. Inirapan ko lang sila at tumayo na. Kinuha ko lang ang ice cream ko at bag saka umalis. Nakalimutan kong may pinapacheck nga pala sakin si Mr. Gomez na test papers ng grade 12 at kailangan ko yung kunin sa office nya sa Faculty. Inubos ko muna yung ice cream ko bago kumatok. Nang walang nagbukas ay sinubukan kong pihitin ang seradula ay bukas ito kaya tinulak ko na pabukas at pumasok. Madilim kaya nangapa ako para hanapin ang switch. May naramdaman akong gumalaw sa likod ko. Napatili ako ng may humawak sa balikat ko at tinulak ako sa pader. May liwanag na sumilip sa bintana ng opisina ni Mr. Gomez kaya nakita ko sya na syang tumulak sakin. "S-Sir k-kukunin ko lang po yung papachekan nyo." Kinakabahang sabi ko. Pero hindi sya umimik at naramdaman ko ang pagbaba ng kamay nya papunta sa mga braso ko. Nanindig ang balahibo ko sa buong katawan at naguumpisa na akong kabahan at matakot. "S-Sir.. aalis na p-po ako." Sinubukan kong lumayo pero tinulak nya lang ulit ako sa pader. Napalunok ako dahil sa takot. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at parang papaiyak na ako. Nagpapanic na ako sa loob loob ko at ano mang oras ay magnenervous break down na ako. "S-Sir.." Pinilit kong kumawala pero nanghihina ako dahil sa takot. "Shh.. huwag kang magalala, Cline. Hindi kita sasaktan." Bulong nito sa mismong tenga ko. Kusang tumulo ang mga luha ko ng maramdaman ang hininga nya sa leeg ko. Nagpupumiglas na rin ako. Napasigaw ako ng pilit nyang alisin ang mga braso ko sa dibdib ko. Umiling ako at nagmatigas. "T-Tulong! Tulong! Tulungan nyo ko!" Sigaw ko. "Sshh! Baka may makarinig sayo!" Biglang naging galit ang tono nya. "T-TULONG! TULONG! TULUNGAN NYO KO!" Tinulak ko si Sir at nagtatakbo palayo. "Hindi ka makakatakas sakin, Cline." Nakangisi sya base sa pagkakarinig ko sa tono ng boses nya. "RALF! MARGAUX! TULONG! TULUNGAN NYO--KYAAAAHHHHH! SIR! HUWAG PO! TULONG! TULO--" Nagpupumiglas ako sa hawak nya. His huge hands are covering my mouth to stop me from shouting. Sobrang sikip ng dibdib ko at ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak at magdasal na sana ay may tumulong sakin. Hindi ko alam pero biglang lumitaw ang muka nya sa utak ko. Ang ngiti nya na matagal ko ng hindi nakikita. "S-Shin! SHIN! SHIN TULUNGAN MO KO! SH--KYAAAAHHHH!" Tinulak ko si Sir, hindi ko pinansin ang mga natatamaan ko at binato sa kanya lahat ng mahawakan ko. "S-Sir! Please po.. maawa po kayo sakin.. S-Sir.. please.." Pagmama kaawa ko kay Sir na hawak ang blazer ko. "Ano ka ba naman, Cline! Napakadamot mo! Patikim lang naman!" Sikmat nya Humagulgol ako sa takot ng dumapo ang kamay nya sa mga hita ko. Umiyak lang ako ng umiyak at walang boses na humihingi ng tulong. Tinawag ko ang pangalan ng mga kaibigan ko.. humihingi ng tulong. "S-Shin.. Shin t-tulong.." Hindi ko alam pero sya na lang ang tanging pagasa ko. "Ready ka n-" Biglang nakarinig ako ng malakas kalabog. Nanliit ang mata ko dahil sa biglaang pagsilip ng liwanag muna sa pinto ng madilim na opisina. Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha na lumalabas dito. Ang tanging naririnig ko lang ay mga daing at mura. "DAMN YOU! DAMN YOU BASTARD! I WILL KILL YOU! HOW DARE YOU?! HOW DARE YOU TO DID THIS TO HER! HOW DARE YOU! HOW f*****g DARE YOU!" Sigaw yun na puno ng galit. May biglang humawak sa balikat ko. Nanginig ako at mabilis na nagwala ang sistema na biglang kinain ng matinding takot. Hinawi ko ang kamay na pilit akong hinahawakan. Wala akong marinig na kahit na ako. "P-Please! Huwag! Please huwag! Shin! Shin! Shin tulungan mo ko! H-Huwag! S-Shin!" Humihikbing sigaw ko, pinoprotektahan ang sarili. "Cline! Cline! I'm here.. You're safe.. you're safe." Someone whispered before I lost conciousness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD