"H-Huwag.. huwag mo kong iiwan, S-Shin.. Shin! Shin! H-Huwag! D-Dito ka lang! P-Please.."
"Hey! Hey! Wake up!" May yumugyog sakin.
Napabalikwas ako ng upo habang hinahabol ang aking hininga. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nahihirapan akong huminga. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng mga luha ko saking pisngi.
"Here. Drink it." Inabutan ako ni Shin ng tubig.
Walang imik na tinanggap ko yun. Naalala ko bigla ang panaginip ko. Inubos ko ang tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. Binalik ko yun sa kanya at nanahimik na lang habang nakatulala sa kawalan.
Nasa Clinic ako. Naalala ko bigla ang nangyari kanina kaya nakaramdam ulit ako ng matinding takot. Nanginig ang katawan ko at unti unting naninikip ang dibdib ko. Mabilis yung napansin ni Shin na agad akong dinaluhan.
I pushed him away. "K-Kaya ko ang sarili ko!"
He frowned. "Kaya pala nanginginig ka!"
Nagiwas lang ako ng tingin at pinilit ang sariling kumalma. Hindi ako makapapayag na magmukang mahina nanaman sa harap nya! Sigurado kasi akong kukutyain nya nanaman dahil sa pagiging mahina ko.
He tried comforting me but I pushed him away again. Halata namang napipilitan lang syang asikasuhin ako kasi kami lang namang dalawa ang nandito. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa taong napipilitan rin lang naman alagaan ako.
"Umalis ka na nga!" Sigaw ko dito.
"Wala pa ang mga kaibigan mo." Rason nya.
"Kaya ko naman ang sarili ko ah! Umalis ka na!" Pagtataboy ko sa kanya.
Sarkastiko syang tumawa. "Kaya pala muntik ka ng marape. Sa sobrang galing mong ihandle ang sarili mo ay muntik ka ng mapahamak pa! At inistorbo mo pa ako!"
"Hindi ko naman sinabing tulungan mo ko ah!" Sigaw ko rito.
"Kaya pala halos mabingi na ako kakatawag mo sa pangalan ko!" He hissed.
Kumulo ang dugo ko sa inis. "Umalis ka na lang! Kung naiistorbo ka e di umalis ka!"
"What a ungrateful brat." He spatted.
"E di thank you! Yan! Nagpasalamat na ako! Pwede ka ng umalis!" Sigaw ko rito na puno ng inis.
Wala namang nagsabi sa kanyang bantayan ako! O miski tulungan ako! Pwede naman nya akong pabayaan roon! Hindi ko sya kailangan!
Kaya pala sinigaw mo ang pangalan nya.
Pero dala lang yun ng takot ko!
"Such a brat. Puro katigasan kasi ng ulo mo ang pinapairal mo kaya ganyan ka ngayon! Patanga tanga ka kasi!" Insulto nya pa.
"Wala akong paki! Umalis ka na lang!" Binato ko sya ng unan pero nasalo nya yun ng walang kahirap hirap.
"Tutal roon ka naman magaling." Puno ng sakit na sabi ko at padabog na huminga at tumalikod sa kanya.
Sobrang galit ako sa kanya. Ang init ng muka ko dahil sa inis, hindi, galit pala. Galit ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay sinisisi nya ako at wala talaga syang pakialam sakin. Na napilitan lang syang tulungan ako.
Gusto kong umiyak sa inis. Yun lang naman kasi ang kaya kong gawin. Ang umiyak twing natatalo sa kanya. Umiyak at yun lang. Wala akong ibang kayang gawin. Ganoon ako kahina. Ganoon at kaloser.
Hindi gaya nya na kayang mabuhay na magisa.
"Move on, Cline. You're not a kid anymore. Dapat hindi ka na nagtatanim ng galit sa iba. Isip bata." Seryoso nya pang sabi.
Fuck you! It's all your damn fault why I am like this!
"Pakialam ko?! Umalis ka na nga!" Hindi ko sya nilingon.
"You're really a stupid. Always crying. What a loser." Pangiinsulto nya
Tagos sa puso ang mga salita nya. Parang mas doble ang sakin noon kesa twing ako ang magsasabi noon sa sarili. Sobrang sakit na sa puntong hindi ko na kayang pakinggan at tanggapin pa at umiyak na lang ulit.
Always crying. Yeah. I always cry because that's what I can only do. Cry. Cry until the pain vanish and my heart become numb and immune with it.
"It's all your fault. Kasalanan mo.. kasalanan mo, Shin.. hindi ako.. ikaw ang gumawa nito.. kasalanan mo.." Huli kong sabi bago unti unting bumagsak ang talukap ng mga maga ko dahil sa antok.
"I know. That's why I am here. Making it up to you so you'll forgive me.. eventhough I know that it's very imposilble to happen."
I'm in pain, Shin. Your words will sound fake to my ears who had enough lies from you.
"Are you okay now, Cline?" Tanong ni Margs habang nagbabalat ng mansanas sa tabi ko.
Tumango lang ako at nagpilit ng ngiti. Her eyes were swollen, sinisi nya raw ang sarili nya sabi ni Ralf. Hindi naman nya kailangang gawin yun kasi wala syang kasalanan. Hindi nya ginusto, walang may gusto.
"Mr. Gomez is now jailed. He lost his liscense too.. and also broke his ribs and limbs." Imporma ni Ralf sakin ng makapasok sya.
Lunch na kasi kaya nakapunta sya rito. He look so serious and in deep thoughts again. Pagkagising ko ay si Margs na ang kasama ko, wala na si-- nevermind. Hindi naman na kasi yun nakalagulat. Napipilitan lang naman kasi sya.
"Jerk." I grimance.
Nagulat si Ralf sakin pero agad ring nakahuma. "Y-Yeah. That man is a jerk."
Ako naman ang nagulat. Mukang iba ang pagkakaintindi nya. At mukang nasabi ko pala yun ng malakas. Tinanggap ko na lang ang mansanas na binigay ni Margs at tahimik na kinain yun. Hindi pa rin pala alam ni Kuya ang nanyari.
That's better because I know that there will be a great trouble if he knew. My Kuya is a monster. That's a given.
"I'm fine now, ano ba kayo." Pagaassure ko sa kanila.
Pwede naman na raw akong lumabas kaso itong dalawa ay hindi pumapayag. Pero syempre ayokong mabored sa Clinic at ayos naman na talaga ako. Saka may quiz kami this afternoon sa Math, I can't skip that.
"Sige na nga! Just make sure na you're okay or else.." Pagbabanta ni Margaux.
Ngumiti ako ng malawak, she's so thoughtful really.
"Aye, aye, boss!" Sumalubo pa ako.
She flipped her hair with pride. "Good. Let's go now."
Tumawa lang ako at pumagitna sa kanila ni Ralf. Kinawit ko ang parehong braso sa mga braso nila. Masaya ako ngayon, hindi ko alam kung bakit at ayoko ng alamin pa.
Maybe it's because I'm fine now and I'm with my friends. Yes. That's all. It's not because of some bad luck guy named Shin.
"Tabi nga!" Tinulak nya ako patabi.
Sinamaan ko ng tingin ang likod nya. Uwian na at hindi pa nagtetext sakin si Kuya kung susunduin nya ba ako o hindi. Ayoko namang sumabay sa bwisit na yun. Mas gugustuhin ko pang maglakad pauwi!
"We'll go first, Cline. May date kami ni bebe Ralf e." Malanding bumungisngis si Margaux.
I knew it! They have a thing now! Kaya tinatraydor na nila ako!
Tumango lang ako at ngumuso. Papasama sana ako sa Parking para intayin si Kuya pero huwag na lang. Nakakahiya naman at magiging istorbo pa ako sa kanila ni Ralf.
"Cline, iniintay ka na ni Shin sa Parking. Galit na sya." Sabi ni Ralf ng makalapit sakin.
Umirap lang ako at nakasimangot na nagpunta sa Parking. Nanakrecieved ko lang ng text ni Kuya na kay Shim raw ulit ako sasabay dahil hindi pa sya nakakapag out sa work nya.
"Letse talaga! Napakamalas talaga ng ipaktong yun!" Pagrarant ko habang bagsak ang balikat.
Sinipa ko sa inis yung bote ng tubig na may laman pa. Bigla akong nakarinig ng pagdaing na nagpatayo sa balahibo ko sa katawan!
M-Multo?! May m-multo dito?
"Aray naman, Miss." Daing ng kung sino.
"Ahh!" Napatili ako ng may lalaking sumulpot sa harap ko.
Tumawa sya dahil sa naging reaksyon ko. "Sorry--pftt HAHAHA!"
Asar ko syang tiningnan. "Stop laughing! Bwisit!"
Nakakainis! Nakakainis! Arrgghh!
"Woah, woah! Chill, Miss." Tinaas nya ang dalawang kamay.
Sinamaan ko lang sya ng tingin at akmang iiwas ng pigilan nya ako. Hinablot ko ang braso ko.
"Tabi nga." Mataray na sabi ko.
"Sorry okay? I didn't mean to laugh, medyo nacucutan lang kasi ako sa facial expression mo." Paumanhin nya.
Ngumuso lang ako, hindi naman talaga nya kasalanan. Ako pa nga ang nakatama ng bote sa kanya at ako ang dapat na magsorry. Nakakabwisit naman kasi! Argh!
"Okay lang. Ako naman ang may kasalanan. Sorry roon sa bote." Nahihiyang sabi ko.
Ngumiti sya, yung ngiti na mahahawa ka. "I'm Archiveste Rockwell, but you can call me Archi."
Ngumiti rin ako. "Cline."
"Tara! Libre kitang ice cream kasi mukang nagulat kita. May bagong bukas na ice cream parlor roon sa may kanto!" Hinigit nya ako.
Hindi ako nakatanggi. Mas mabuti na rin siguro para mawala yung inis ko. Pakialam ko naman kay Shin kung maghintay sta habang buhay. Although alam kong umalis na yun kanina pa, that guy don't have patience after all.
Imbis na sa Parking ay sa mismong gate kami dumaan. May bagong bukas ngang ice cream parlor sa may kanto na malapit lang sa school. Ang daming flavors at madami rin ang serving nila.
"Choco mint sakin." Maligayang sabi ko.
"Okie dokie! One choco mint and one strawberry ice cream!" Nakangiti nyang ulit at pumunta sa counter.
Umupo lang ako sa vacant table for two at inintay sya. Nakangiti syang nakikipagusap roon sa cashier. Sobrang friendly nyang tingnan at halatang gentleman rin. Hindi gaya noong Shin na yun na never akong ililibre ng ice cream.
Bakit mo pinagkokompara? Wala ka ng paki sa kanya remember?
"Right. That jerk didn't deserve my concern!" I rolled my eyes.
"Mind sharing the name of this jerk?" Sumulpot si Archi sa harap ko at binigay ang choco mint ice cream ko sakin.
"W-Wala yun! Hindi naman sya ganoong kaimportante." Nakangiting tanggi ko.
Malas lang ang dala noon. Baka malasin ka kapag narinig mo pangalan nya.
"I tried eating choco mint but it taste, no offense, but it taste very awful." Nakangiwing sabi ni Archi.
Ngumuso ako. "It's fine. Not everyone likes choco mint."
But Shin like it.
"Argh. Shin nanaman?!" Bulong ko sa sarili ko.
"Is there something wrong?" Pukaw ni Archi sakin.
Pilit akong ngumiti at umiling. "Wala. May naalala lang."
Stop comparing the two! Archi is way far nicer and better than Shin! That guy is a total jerk!
"Hatid na kita? Sulitin ko na." Alok nya.
"Sure!" Hindi na ako tatanggi pa. Tinatamad rin naman akong maglakad at never akong magcocommute.
"Gusto mo ba bukas sabay tayong magsnack?" Alok nya habang nagdridrive.
"Schoolmate pala tayo no?" Sumandal ako.
"Yeah. Transferee ako actually." Ngumiti sya.
"Transferee rin si Shin." Bulong ko.
"Who's this Shin ba? You keep on mentioning his name while we're eating." He pointed out which shocked me.
"S-Sorry.. and about this Shin, ano, he's a guy, a jerk.. really.. a big jerk." Tumango tango pa ako.
He chuckled. "Bakit naman?"
Umismid ako. "He hurted me, big time."
He left when I needed him the most.
"Oh, that's bad.. I'm really sorry for asking." He looked concern.
Ngumiti ako, he's thoughtful too. "Ayos lang! Hindi man halata pero nakapag move on na ako roon."
Hindi nya lang makita kasi bulag sya.
Nagkwentuhan lang kami ni Archi. Galing syang Japan, like the jerk. Kaklase rin sya ni Ralf. Magaling syang magbasketball like Shin at mahilig sa music at ice cream na syang similarities namin!
At ni Shin. Tsk! Bakit ba lagi ko syang naiisip? That bad luck.
"Thank you, Archi!" Kumaway ako ng makababa sa kotse nya.
"No worries. Basta sabay tayong magssnack at lunch tomo ha?" Pinakita nya ang charming nyang ngiti.
"Oo naman! Bye! Ingat ka!" Kumaway ulit ako.
Nang makaalis ay humarap na ako sa bahay pero napatalon ako ng si Shin na nakatayo sa may gate namin ang una kong nakita. Umirap ako at umismid. Humalukipkip at umaktong hindi sya
nakikita.
"You're brother is very worried, your Mom and Dad is about to call Cops because their daughter is missing but the truth is, she just went out for a date with a stranger." Napaka sarkastiko ng tono nya.
"And even waste my time.. and make me f*****g worried."