Chapter 6

1996 Words
"Hindi ka ba marunong tumawag ha?! O miski magtext para ipaalam na may kasama ka pala! Hindi yung pinagalala mo pa kami! Ano pang silbi nyang cellphone mo ha?!" Sigaw ni Kuya sakin "Akin na nga yang tanginang cellphone na yan! Tutal hindi mo naman yata kayang gamitin!" Galit na galit si Kuya. Nakayuko lang ako dito sa may sofa, nakatayo sya sa harap ko at pinapagalitan ako. Nandito rin sina Tita Sheena, si Mama at Papa naman ay nasa tabi ko, hindi sila umiimik dahil nagsesermon si Kuya. Galit na galit sya. At nakakatakot yun. Hindi ko kasi napansin ang oras, ginabi tuloy ako. "Sino ba kasi yung kasama mo ha?! Kaibigan mo?!" Tanong nya at namewang sa harap ko. "K-Kaibigan ko." Kinakabahang sagot ko. "No, that guy isn't her friend, Kuya Clyde. I think she just met her at school." Sabad ng isang demonyo. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya, nangaasar. "Ano?! Sumasama ka sa hindi mo kakilala?! Tapos nagpagabi ka pa! Anong utak meron ka ha, Cline?!" Sumabog nanaman si Kuya. "Kilala ko sya! Saka mabait naman si Archi ah! Hindi naman nya ako sasaktan!" Depensa ko. "Hindi mo sya ganoong kilala, Cline! Bakit yung teacher mo ha? Kilala mo diba? E tingnan mo ang ginawa sayo! Muntik ka pa raw rapin!" Galit na sigaw nya. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumingin kay Shin na prenteng nakatayo sa may gilid at nakasandal sa pader, nakatingin lang ito sakin ng direcho, hindi ko mabasa ang iniisip nya o kung nagiisip ba talaga sya! Sinabi nya?! Alam nyang magagalit si Kuya! "H-Hindi naman siguro gagawin yun ni Archi sakin, Kuya." Sabi ko. "Siguro! Hindi ka sigurado! Kaya bakit sumama ka?! Cline naman! Nagiisip ka ba talaga?!" Sermon nya. Naiiyak na ako. Ayokong pinapagalitan ako ni Kuya kasi iniinsulto nya ako. Kung ano anong sasabihin nya na makakasakit sakin. Nawawala sya sa sarili nya twing nagagalit sya. "Clyde, tama na. Kumalma ka nga." Makisingit na si Papa. "Hindi, Pa e! Kailangang matuto nyang si Cline!" Giit ni Papa. "Naroon na tayo sa punto mo pero Clyde, tingnan mo naman yang kapaitid mo oh, ayos naman sya." Paliwanag ni Papa. "Yan! Lagi nyo kasing kinukunsinti kaya hindi natututo! Spoiled brat na yang babaeng yan!" Tinuro pa ako ni Kuya. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pagiyak. Sobrang sagad sa buto ang mga sinasabi ni Kuya. "Hindi lang basta babae si Cline, Clyde! Kapatid mo yan!" Pangaral ni Papa. Umismid si Kuya. "Masyado ng matigas ang ulo ni Cline, Pa. Kailangan nyang disiplinahin." "Sa paanong paraan? Sa pangiinsulto sakin?" Sarkastikong sabi ko at nagangat ng tingin sa kanya. "Dyan ka magaling! Sa pagiyak! Puro ka iyak! Napakaiyakin mo!" Aniya. "Pakialam mo?! E di umiyak ka rin kung gusto mo! Palibhasa hindi gaya ko ay wala kang sakit na nararamdaman na magpapaiyak sayo! Manhid ka kasi!" Tumayo ako. "Cline tama na!" Awat ni Tita, nagaalala na sila para samin, o baka kay Kuya lang. "Sakit? E sino bang may kasalanan kaya may sakit ka ngayon?" Nanguuyam na tanong nya. Napunta bigla ang tingin ko kay Shin na kumunot ang noo. Nagiwas ako ng tingin at padabog na kinuha ang bag ko at nilampasan si Kuya, sinadya ko pang banggain ang balikat nya. "Hindi pa tayo tapos, Cline! Huwag na huwag mo kong tinatalikuran!" Kuya's voice raised again. Hinarap ko sya. "Huwag na huwag mo rin ang laitin na parang alam mo ang lahat! Hindi ka kasi marunong magtanong! Nagpapaniwala ka agad sa pinagsasasabi ng iba!" Tiningnan ko si Shin na nasa gilid ko lang. Sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi naman siguro magsisinungaling si Shin samin, nakita nyang sumama ka roon sa lalaki. Para ano? Para magdate? Kumain? Kailan ka pa natutong lumandi ha, Cline?" "Lumandi?" Pagak akong natawa. "Clyde!" Napatayo na rin si Mama. "Lumandi? Kahit kailan ay hindi ako lumandi, Clyde! Hindi tayo pareho! Ikaw ang malandi sating dalawa! Huwag mo kong igaya sayo!" Sigaw ko sa kanya. Gumalaw ang panga nya, galit na galit na sya. "Anong sabi mo? Clyde?" Ngumisi ako. "Oo, Clyde. Bakit? May mali ba roon? Pangalan mo yun diba?" "Huwag na huwag mo kong pipikunin, Cline." Banta nya. "Huwag na huwag mo kong pipikunin Cline, nye nye." I mocked his words. "Cline! Tama na yan!" Saway ni Papa. "Napakaimmature mo!" Sumbat nya sakin. "At napakapakilamero mo! Malaki na ko! Stop seeing me as a kid, Clyde! Baka nga mas mature akong magisip kesa sayo!" Dinuro ko sya. "Mature? Really? May mature bang umiiyak twing pinapagalitan?" Pangaasar nya. "Mature? Really? May mature bang umiiyak twing pinapagalitan?" I make face and turn my back to him. "Stop spouting nonsense to me, Clyde. Hindi mo alam ang iniisip ko. Hindi mo alam ang mga nararamdaman ko. At mas lalong hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko kaya ganito ako!" I glare at him. "Ang sa totoo nga nyan ay may kasalanan ka rin e. Kung sana.." Lumunok ako at nagiwas ng tingin. "Nevermind. Paano mo nga ba ako maiintindihan e para kang nakashabu? Napakaclose minded mo." Umirap ako sa kanya at padabog na umakyat sa kwarto ko. Binato ko ang bag sa sulok at dumapa sa kama at umiyak. Nilabas ko lahat ng hinanakit at sama ng loob na nararamdaman ko. Sobrang sikip ng dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ako makahinga. Nakarinig ako ng katok sa pinto ko. Binaon ko lang ang muka ko sa unan, ignoring the person who's knocking in my room. I'm too tired for another arguement. I want to rest. To sleep and cleared my mind again. "Cline, this is Tita Sheena, can I come in?" Boses yun ni Tita. Mabilis akong umayos ng tayo at pinagbuksan sya ng pinto. Nagalala agad sya ng makitang umiiyak ako. Niluwagan ko ang pinto para makapasok sya. "Come here. Let Tita give you a yakapsul." Tita pulled me for a hug. Natawa naman ako. Yakapsul ang tawag namin ni Shin noon sa yakap. Lagi kaming niyayakap ni Tita twing umiiyak kami kasi nagaway kami o di kaya ay twing may masakit samin. "Ayos lang po ako, Ta." Inunahan ko na sya. Malungkot na ngumiti sakin si Tita. "I know that you're not that comfortable with us, Cline. Naiintindihan ko naman kasi matagal rin noong huli tayong magkita." Ngumuso lang ako at humiglig sa balikat ni Tita Sheena na para sakin ay ikalawa ko ng ina. Sya ang nagaalaga sakin twing wala sina Mama. Anak na rin ang tingin nya sakin kahit anak lang ako ng kaibigan nila. "Kahit kay Shin ay ganoon ka rin. E dati naman ay napakaclose nyong dalawa. Nakakapanibago na halos hindi na kayo magusap, para kayong magkaaway." Malungkot nyang sabi. Napakagat ako sa labi. "Malaki na po kami, Tita. Hindi na po ako yung dating Cline na nakadepende sa kanya." Hinaplos ni Tita ang buhok ko. "I know. You grown so much, Cline. It's just that you and Shin is very close before, nakakalungkot na hindi na kayo gaya dati." Kasalanan nya, Tita. "Maybe you two should catch up? Baka kaya pang ayusin." Nagbabaka sakaling sabi ni Tita. Nagiwas ako ng tingin. "Mahirap po yata yun, Tita. Sobrang arogante nyang anak nyo. Hindi na sya yung.. yung Shin na kilala ko." Nagbago na sya Tita. Sobrang laki ng pinagbago nya... baka nga nakalimutan na nya na kaibigan nya ako, hindi lang basta basta kaibigan kundi best friend. We even promised to each other to always there on each other's side pero sya itong unang sumira noon. "N-Naririnig nyo po ba yun?" Tanong ko bigla kay Tita ng may marinig na sigawan sa baba. "Sunog! Sunog! Sheena! Our house is burning!" It was Tito Thom. Nanlaki ang mga mata namin ni Tita at napatakbo sa baba. Lumabas kami at nalaglag ang mga panga ng makita ang usok na galing sa kusina ng bahay nila at maliit na usok rin na lumalabas rito. "Call Fire Fighters, Cline!" Utos ni Mama sakin. Nanginginig ang kamay na tumawag ako sa 911 at sinabing may masusunog na bahay. Dumating naman agad sila at inapula yun. Mabuti na lang at kusina lang ang nadali ng apoy. "Magiging maayos rin ang lahat, Sheena. Don't worry, you can always stay on our house until your house got fixed." Assurance ni Mama kay Tita na umiiyak. I feel very guilty. Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko. Kung hindi lang sila nagalala para sakin ay hindi sila pupunta sa bahay at iiwan ang bahay nila. Kasalanan ko. And I'm very guilty. Super guilty. "Let's go, Clyde. Tulungan mo kaming ilipat ang gamit nila sa bahay." Seryosong utos ni Papa at pumasok ng bahay nina Tita. Hanggang sala kasi ang nadali ng apoy. Hindi raw yun ligtas sabi ni Papa kasi baka may mga baga pa ang naiwan na maaring gumawa ulit ng sunog. Ipapaayos at ipapacheck raw ulit nila ito bukas ng umaga. Tumulong na rin ako kay Tita na magimpake. Ngumiti naman sya sakin ng magsorry ako. Sabi nya ay hindi ko raw kasalanan at sya yun, naiwan nya raw ang oven na nakaon at nakalimutang patayin bago umalis. "Ayos lang ano ka ba! Nakakalungkot lang na ganito ang nangyari. Kakauwi pa lang man rin namin." Ngumuso si Tita. Tinulungan ko syang ibaba ang mga maleta nila ni Tito. Nilabas naman nina Papa ang mga nasunog na gamit sa kusina at sala. Nanghinayang ako sa oven at ref nina Tita. Bago kasi ang lahat ng yun at galing pang Japan. May dalawang guest room sa bahay. Ang isa ay gagamitin nila Tita at syempre ang isa ay para kay Shin. Speaking of Shin, he look very serious, and more silent than he could ever be. "WHAT?! YOU'RE FREAKING KIDDING ME!" Napatayo agad ako. Nanatili lang ang seryosong muka ni Clyde. "Do I look like kidding around, Cline?" "Ayoko. Hindi ako payag!" Umiling ako ng sunod sunod. Paano ba naman ay gusto nyang sa kwarto ko matulog si Shin! SA KWARTO KO NYA GUSTONG PATULUGIN SI SHIN! SI SHIN! AS IN SI SHIIIINNN!!! "Wala akong paki. Basta roon sya sa kwarto mo." Balewalang sabi nya. "Bakit ba marunong ka pa sakin!" Inis na sabi ko. "Sira ang heater ang isa pang guest room, kaya roon muna sya sa kwarto mo hanggang hindi pa yun naaayos." May authoridad sa boses nya. Nagtagis ang bagang ko. "No." His face went blank. "Yes." "Bwisit. Bwisit! Pwede namang sa kwarto na lang nya. Dito pa sakin isisiksik!" Himutok ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko. Nakasunod naman sakin si Shin na naging pipi na yata. Inis na inis ako kasi talo nanaman ako kay Kuya. Binantaan nya kasi akong babawasan nya ang allowance ko, babawasan nya ng 50%. He's too much! Clyde is too much! So unfair. "Kainis. Kainis. Kainis!" Padabog kong binuksan ang kwarto ko. Hinarap ko si Shin na parang batong nakatayo sa labas. Iritang pumikit ako sa labag sa loob na nilawakan ang pinto para makapasok sya. Walang imik naman syang pumasok at tinapon ang mga maleta nya sa kama. "Hoy! Aba ang kapal naman ng muka mo! Huwag mo ngang ilagay yan dyan sa kama ko!" Sigaw ko. Umirap lang sya at hindi ako pinansin. Nilibot nya ng tingin ang kwarto ko. Alam kong walang nagbago sa kwarto ko. Tumaas ang kilay nya tapos tumango tango at bigla bigla na lang naghubad! "H-Hoy! Ano ba! Baka nandito pa ako!" Pumikit agad ako at tumalikod pa. "Psh. Napakaarte. E sabay nga tayong naliligo rati." Aroganteng sabi nya. "We're still kid back there! And please stop bringing back those memories. Move on? Remember?" Sarkastikong sabi ko at tinulak sya. Inalis ko ang mga maleta nya sa kama ko at tinapon yun sa sahig. Inirapan ko lang sya at dumapa sa kama ko at nilabas ang phone. I rather play lame games than bothered giving concern in this piece of s**t. Akala mo maganda katawan e buto buto naman! "Usog nga! Hihiga rin ako!" Utos nya pa pero nagmake face lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD