Chapter 8

1991 Words
"So guys, this is Archi, friend ko. And Archi, this is Marguax and Ralf, best friends ko." Pagpapakilala ko sa kanila. Ngunit nanatiling seryoso ang muka ng dalawa samantalang nakangiti lang si Archi sa kanila na nakaupo sa tabi ko, nasa tapat namin ang dalawa. Nagtaka agad ako at kumunot ang noo. What's wrong with them? "Archi huh?" Ralf smirked. "Friend huh?" Margs smirked too and they both look at each other. "Yes, friend ko sya." Tumango ako at ngumiti. Nagkibit balikat si Ralf. "Sabi mo e." "Ahm, hehe.. kain na tayo?" Ang akward naman nito! Tumango si Archi at tumayo, nagpresinta syang sya na ang bibili ng foods namin, tapos tumayo rin si Ralf, sasama raw sya para hindi mahirapan si Archi sa pagdala. But I feel something off. "Kailan mo pa friend, ang Archi na yun?" Diniinan ni Margs ang salitang friend. "Kahapon lang." Nakangiting sagot ko. Nalaglag ang panga nya. "Kahapon lang?! And he's your friend agad?!" Tumango ako, naguguluhan sa naging reaksyon nya. "Ahm, yes?" She drammatically scoffed. "That's unfair! We become friends after a week! And that guy!" Tinuro nya si Archi. "Become your friend after a couple of time?! The audacitiy!" Hesterikal nya. Lumabi ako. "Nagkataon lang! Sobrang bait nya kasi sakin." She rolled her eyes. "Ugh! So nakakatampo." "Huwag ka namang magtampo! Mabilis ko lang talagang nagpalagayan ng loob si Archi." Giit ko. "Palagayan talaga ng loob? Naku! Naku! Don't ever let him hear you, ugh! This is insane!" Maarte nyang pinaypayan ang sarili gamit ang kamay. "Who's him?" I asked. "S-Si Ralf, of course!" Naging balisa sya. Tumango lang ako at ngumiti kay Archi ng ilapag nya ang pagkain ko sa mesa. Tumabi naman si Ralf kay Margs at hayan nanaman ang meaningful stare nila sa isa't isa. "And of course, choco mint ice cream." Ngumiti sya. "Thank you!" Maligayang sabi ko. Nagsimula na kaming kumain. Nakakainis nga kasi parang binabara ni Margs ng palihim si Archi twing nagsasalita ito at si Ralf naman ay laging nakangisi ng mapanuya. "Sorry sa kanila ha? Medyo over protective lang talaga sila sakin." Nahihiyang sabi ko kay Archi habang naglalakad kami rito sa Oval ng school. "It's fine! I mean isang araw pa lang naman kasi tayong magkaibigan, it's a normal reaction." Understanding ma sabi nya. "Thank you, Archi. Sana hindi ka naoffend." Ngumuso ako. Umiling sya. "Of course not. I understand their reaction to me, Cline. It's really fine." "Tara na. Baka malate ka pa." Napakathoughtful nya talaga! Hindi ko napigilang makaramdam ng kilig. Naginit ang pisngi ko at sumunod sa kanya. It'a been a long time since someone cares for me again, ang huli ay si Ralf. Normal lang talaga ito sakin, ang kiligin twing may magcacare saki. Mapababae man o lalaki. That's my body reaction. "Thank you, Archi. Punta ka na rin sa room nyo. Baka ikaw naman ang malate." Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin sya sakin. "Sige, I'll see you later." Kumaway ako at pinanood syang pumasok sa room nila bago pumunta sa upuan ko. Pero ng makaharap ako sa loob ng room ay muka agad ni Shin ang nakita ko. He's frowning and looks mad. Very mad. "I'll see you later huh?" Ngumisi sya. "Too bad for him, pinapasundo ka ng Kuya mo sakin." Sabi nya pa. Umirap lang ako. "As if sasabay ako sayo." "You will, or else he will not give your next month allowance." He teased and walked away. Kumuyom ang kamao ko at binato ng matalim na tingin ang likod nya habang papunta syang CR. Halos umusok ang ilong ko sa sobrang inis. Nakakainis sya! Argh! Why can't he leave me alone?! Why does he keep on bothering me?! Because he said, he will make it to to you. "Make it up to me nya muka nya. As if papatawarin ko sya." Bulong ko at nagmake face. Hindi ganoon kadali yun, hindi.. "Sakay na ano ba!" Iritang sabi nya. Umirap lang ako at padabog na sumakay sa passenger seat. Dapat ay kay Archi ako sasabay pero mukang may lakad sya at nakalimutang ihahatid ako. Ayos lang naman yun, hindi naman ako VIP. "Ang lamiiggg!" Niyakap ko ang sarili dahil sakin nakatutok ang AC. Umirap sya at pinatay yun. Bigla naman akong mainitan dahil kulob ang loob ng kotse kaya hindi ko napigilang pagpawisan at paypayan ang sarili. "Ang init! Grabee!" Pagpaparinig ko pa. Napa-tsk sya at binuksan ulit ang AC pero sa gitna na namin nakatutok. Napatango tango ako dahil tama lang ang lamig. Sinuot ko na ang seat belt ko at nilabas na lang ang phone para maglaro o di kaya ay mag-sss. Sobrang tahimik at payapa ang byahe namin ng bigla syang nagpreno. Muntik na akong tumilapon sa unahan! Mabuti na lang talaga at nakaseat belt ako! Sobrang lakas rin ng t***k ng puso ko. "A-Are you okay?! H-Hey.." Hinarap nya ako sa kanya. "I-I'm sorry. Are you hurt?" Nababakasan ko ng pagaalala ang boses nya. Pinilit kong tumango ng makitang nagaalala talaga sya sakin. Parang bigla kong nakita ang dating Shin, ang Shin na kaibigan ko, ang childhood best friend ko. "Talk to me, dammit!" He sound angry now. Napalunok ako dahil nanuyo bigla ang lalamunan ko. "A-Ayos lang, S-Shin." Napabuntong hininga sya ay napasabunot sa sariling buhok. Bumitaw na rin sya sa balikat ko at sumandal sa upuan nya. Naging sobrang tahimik ulit ang loob ng kotse nya. "I'm sorry, magiingat na ako sa sunod." Huminga sya ng malalim. Nagiwas lang ako ng tingin. "Wala ng susunod, hindi na ako sasabay sayo." "And why?! I told you I'll be more carefull next time!" Inis na sya. Inis na rin ako kaya nairapan ko sya. "Duh! Muntik na ngang mahulog yung puso ko e! Ayokong mamatay sa susunod!" Natahimik naman sya kaya mas napairap ako. "Buti pa si Archi, maingat." But admit it, you enjoy Shin's company than his. Of course not! It's just that bago pa lang naman kaming magkaibigan ni Archi! Nagtagis bigla ang bagang nya at pinaandar nya na ulit ang sasakyan. Mas maingat na sya, sobrang bagal rin ng pagpapatakbo nya for God's Sake! Para kaming pagong! "Grabe ha? Baka bukas pa tayo makauwi nito!" Asik ko. Umirap lang sya at medyo binilisan ang pagmamaneho pero naroon pa rin ang pagiingat. Humalukipkip lang ako sa upuan ko at tumingin sa labas. Nawala na ang kaba ko. Bumaba ako sa kotse nya at pumasok ng bahay. Ang bahay naman nila ay aayusin pa lang yata bukas kasi kakarating pa lang ng mga materials na gagamitin para ayusin ito. "Konnichiwa, Cline-chan and Shin my son!" Masiglang bati ni Tita Sheena samin na nagvavacuum ng sahig. Ngumiti lang ako kay Tita at nagdirecho sa kwarto ko. Pero dahil roon rin natutulog si Shin ay nakasunod sya sakin. Napasimangot tuloy ako. Kainis. "Labas. Magpapalit ako." Masungit na sabi ko sa kanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay habang nakahiga sa kama ko at mukang may kachat pa. "Anong silbi ng banyo mo?" Sabi nya. "Nye nye." Umirap ako at padabog na pumasok sa banyo. Sinuot ko ang lucky pajamas ko para naman swertehin ako kahit papaano dahil sa totoo lang ay sobrang raming kamalasan ang nararansan ko dahil sa impaktong yun. Lumabas ako na yun ang suot. Napatingin agad si Shin sakin at nakita ko kung paano nya pigilan ang tawa nya. Naginit ang pisngi ko dahil sa inis. Halos umusok na ng literal ang ilong ko pati tenga! "Hmp! Paepal." Inirapan ko lang sya at naupo sa Vanity table ko. "Pfft! Bata." Pangaasar nya pa. Nang lumingon ako ay nakatutok na ang mata nya sa cellphone nya at mukang masama pa ang mood nya. Umirap ako. Buti nga sa kanya. Malasin ka rin sana gaya ko. "Para sakin, mas tama pa rin ang mga rasonableng aksyon, yun may valid reason. Kasi may dahilan kung bakit mo yun ginawa, may magandang dahilan kung bakit mo yun ginawa hindi dahil sa trip mo lang." Mahabang sabi ko. "For me unreasonable actions are still need to be considered. Yes, it's unreasonable or nonsense but what if there's something behind it? Reasons. Like it's not really a unreasonable action, hindi lang talaga maintindihan ng mga tao." Seryoso nyang sabi. "But still, unreasonable action or dids are waste of time and worst, it's a fake news that can harm people, physically and of course, emotionally and mentally." Pangangatwiran ko. He crossed his arms. "But it can save people too. From getting hurt physically and mentally." I rolled my eyes. "But it still can hurt someone in any ways. Lalo na kung para sa kanila ay parang ginawa mo yun kasi trip mo gusto mong manakit ng tao." Parang ikaw. "Unreasonable action is absorb yes. Some of them may be a trip of someone who are out of their minds or bored. But not all unreasonable actions are done because of those reasons or done by those peoples, some of them are did by people who just want the best and safetiest thing for their love ones, Cline." "I got your point, but why need to do unreasonable actions if you can do right things? Like protecting their love ones personally, yung nakikita nila para mas maintindihan nila?" May tonong sabi ko. His face went dark. "Maybe because they don't want to worsten the situation, Cline. Ayaw nilang palalain ang gulo at paramihin ang mga madadamay." I get it. Nakuha ko ang punto nya kanina pa pero hindi ko kayang tanggapin. Bukod sa debate ito ay may iba pang dahilan. "Pero hindi ba't mas magkakagulo lang kung malalaman ng mga love ones ng isang tao ang tunay na dahilan kung bakit ganoon ang ginagawa nila? It will bring confusion and betrayal to them, Shin!" "It's better that way, Cline! Kasi sigurado naman sila sa huli na ligtas ang taong mahal nila! Kasi Cline, mas kaya nilang tanggapin ang galit nyo kesa ang tanggapin ang katotohanang mawawala kayo sa kanila! Sakin! Open your eyes, Cline!" I scoffed. "Ako pa talaga?! Open yours too, Shin! Mas mapapadali yun kesa sa sinasabi mo! Kung damay rin naman pala ako ay mas gugustuhin ko pang lumaban kasama mo kesa magmukang tanga na walang alam!" Natahimik sya bigla. Hindi lang sya kundi maging sina Tita Sheena na nanonood pala samin dito sa sala ng second floor. Dito kasi kami nagpractice ni Shin. Napayuko ako at tumingin na lang sa papel na hawak ko. Nanatiling tahimik ang buong bahay dahil roon. "Hindi mo kasi nararamdaman ang mga nararamdaman ng mga taong yun, Cline." Mariin nyang sabi. "At ganoon ka rin kayo, Shin. Hindi nyo rin alam ang nararamdaman naming mga taong pinoprotektahan nyo kuno." Sarkastikong sabi ko. Padabog akong tumayo ay nagtungo sa kwarto ko. Tutal ay tapos na rin naman kaming dalawa. Debate ito at hindi naman kailangang may panalo, opinyon naming dalawa ang mahalaga. Kahit ng magdinner ay tahimik lang kami ni Shin. Wala rin akong gana kaya kaunti lang ang kinain ko. Nagtaka agad si Kuya syempre kasi baboy ang tingin nyan sakin e. Psh. "Ang unti naman nyan, Cline." Lumabi si Tita. "Busog na po kasi ako, Tita." Dahilan ko. Ngumuso sya at tumango. Napabuntong hininga ako kasi mukang nagtampo pa si Tita. Ayaw ko naman syang malungkot kaya kumuha ulit ako ng Buko pie na gawa nya at nilagay yun sa pinggan ko. Ngumiti ulit si Tita at pinagsiklop pa ang mga palad habang pinapanood akong kumain na parang baboy. "Heto pa oh, nahiya ka pa." Pangaasar ni Kuya at nilagyan pa ako ng isa pang gayat. Kung hindi lang nakatingin si Tita ay kanina ko pa binato sa kanya yung pie. E busog na nga ako! Halos ipakain sakin ni Tita ang buong pie na sobrang laki! "Eat it na." Masayang sabi ni Tita. Napalunok ako. Pero bago ko pa masubo ay hinablot na ni Shin sakin at kinagat yun hanggang sa maubos at walang imik na umalis ng kusina. He ate it.. eventhough he doesn't like pies.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD