"A-Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
Nagiwas lang sya ng tingin at tumalikod ng higa sakin. Napasimangot ako at tinalikuran rin sya. Napakaantipatiko! Sya na nga itong kinakamusta e hindi pa namansin! Bwisit talaga!
Napansin ko kasing may masakit sa kanya. Kanina pa sya humahawak sa tyan nya at ngingiwi. Pero paki ko na ngayon? E sa ayaw nyang sumagot e! Bahala syang mamatay ng masakit ang tyan! Letse sya!
"Acck-" Igik nya at napatihaya.
Hindi ako lumingon pero pinakiramdaman ko sya. Daing sya ng daing at sunod sunod ring nagmura. I do curse but his are ear piercing! Tunog galit rin sya na ewan.
"Dammit!" Napaupo sya sa kama.
Inis ko syang hinarap. "Baka gusto ko ring matulog no?!"
Hindi nya ko pinansin at ngumiwi lang. Napakagat ako sa pangibabang labi ng makitang nasasaktan sya. Hindi ko naiwasang magalala kasi parang sobrang sakit ng nararamdaman nya.
"Shin.. ayos ka lang ba?" Sinundot ko ang likod nya.
"Aahh.. f**k s**t!" He cursed while clenching his stomach.
"H-Hoy! Ano bang nararamdaman mo? Shin!" Niyugyog ko na sya.
"I-It hurts.. Cline.." He groan.
Nagpanic ako. "A-Anong gagawin ko?! Should I call Tita?!"
Bumagsak sya bigla kaya napasigaw ako. Hinawakan nya ang kamay ko at naramdaman ko agad ang sobrang lamig nyang kamay. Pinagpapawisan rin aya at mukang kukumbulsyonin pa!
"Shin! Shin, hoy!" Tinapik ko ang pisngi nya.
Naiiyak na ako sa kaba at pagaalala. Hindi ko naman sya pwedeng iwan kaya kinuha ko ang phone ko ay tinawagan si Kuya.
[It's late, Cline!] Asik nya agad.
"K-Kuya! Si Shin!" Naiiyak na sumbong ko.
[What happened?] Parang nagising sya lalo.
Humikbi ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. E sa itsura nya kasi ay parang sobrang sakit ng nararamdaman nya! Ang putla nya rin kasi at nanginginig pa!
"K-Kuya.. punta ka dito! Tulungan natin si Shin!" Nagpapanic na sabi ko.
Nagmura sya ng sunod sunod at narinig ko rin ang kalabog nya at pagbukas sara ng pinto.
[I'm coming. Wait for me. I'll go get Tita too.] Binaba nya na.
Inis ka binalingan ko si Shin. "A-Ano ba kasi ang nangyayari sayo!"
"D-Don't.. leave.. me.." Hirap nyang sabi.
"H-Hindi naman talaga ako aalis!" Sabi ko.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok sina Kuya, lahat sila pati sina Mama. Agad na dinaluhan ni Tita si Shin. Bakas ang pagaalala sa muka nya, well, only child si Shin.
"Let's bring him to the Hospital. Clyde drive the car. Cline maiwan ka muna rito, kasama namin ang Mama mo." Sabi ni Papa.
"P-Pero.. gusto kong sumama!" Apila ko.
"Not now, Cline." May babala sa tono ni Kuya.
Hindi na ako nakaimik pa. Pinanood ko lang silang na sumakay sa kotse ni Papa at umalis para pumuntang Hospital. Bagsak ang balikat na pumasok ako sa bahay at naupo sa sofa sa sala.
Chinat ko agad si Margs at Ralf tungkol sa nangyari. Tatawag sana sila kaso late na at mukang pagod rin silang dalawa. Naistorbo ko pa ang tulog nila, nakakahiya naman.
Gusto ko nga pa sanang ichat si Archi pero naalala kong sinabi nyang busy sya twing gabi. Lagi raw kasing tumatawag ang Mama nya, nasa Japan ito dahil roon talaga ito nakatira.
I sighed. "Maybe it's because of the pie."
Papansin naman kasi! Hindi ko naman sinabing kainin nya! Nakakaasar! Pinagalala pa ako!
Nakatulugan ko na ang pagiintay at pagalala. Hindi pa nga tumatawag si Kuya para balitaan ako tungkol sa kondisyon ni Shin. Hindi naman sa nagaalala ako, gusto ko lang mainform.
Talaga ba?
Nagising ako ng yugyugin ako ni Tita na maaliwalas ang muka. Nandito na pala sila. At nandito pa rin ako sa sofa nakahiga. Umayos ako ng upo at kinusot ang mata.
"Tita." Paos na tawag ko, inaantok pa.
Ngumiti sya ng malambing at naupo sa tabi ko. "Ohayou, Cline! How's your sleep?"
"A-Ayos lang po, Tita. Ahm.." I played with my fingers.
Should.. Should I ask for Shin? I mean gusto kong maupdate.
"Breakfast na. Kanina pa kita gustong gisingin pagkauwi namin kaso tutol yung isa kaya ngayon na lang. Tayo na riyan." Malumanay nyang sabi.
"A-Ah.. sige po. Aakyat na po muna ako." Tumayo na ako.
Umuwi na silang lahat? E di ayos na si Shin? At bakit ba ako may paki?
"Ah!" Napatalon ako palayo sa pinto ng bumukas yun at muka ni Shin ang bumungad agad sakin.
Blangko ang muka nya, parang hindi sya namilipit sa sakit kagabi. Nagiwas lang ako ng tingin at humakbang patabi para makadaan sya. Pero hindi sya gumalaw sa pwesto nya.
Tumikhim ako. "Padaan ako."
Walang imik syang tumabi. Nagulat ako pero hindi ko na pinansin at pumasok, nagdirecho sa banyo at agad na naghilamos. Baka kasi nananaginip lang ako.
Is that real?! Hindi sya nangasar o namilosopo!
Maybe he should visit Hospital often then.
Pagpasok ko ng kusina ay may pinaguusapan sila at mukang napakaimportante pero ng maramdamang nandito na ako ay bigla silang huminto at umaktong masayang nagkwekwentuhan lang.
They're doing is again.
Hindi ko maiwasang masaktan pero hindi ko pinahalata. Naupo lang ako sa tapat ni Shin at umakto ng normal habang kumukuha ng almusal. May pasok at nangako si Archi na susunduin nya ulit ako ngayon.
Babawi raw sya kasi nakalimutan nya akong ihatid kahapon, although it doesn't matter kasi hindi rin naman ako makakasabay.
He's so gentleman and thoughtful.
"Kay Shin ka sasabay." Deklara agad ni Kuya.
Umirap ako. "As if."
Authomatico syang tumingin sakin ng masama. Pero dahil inis ako sa pagtatago nila sakin ng mga bagay at pinagmumuka akong tanga ay hindi ako nagpatalo at nakipagsamaan ng tingin sa kanya.
Nek nek mo, Clyde.
"Sasabay ka." May pinalidad na tono nya.
"Susunduin ako ni Archi." Sabi ko na lang para tumigil na sya.
Pero hindi ko inaasahang lahat sila ang titigil at nagkatinginan saka tumingin sakin. Sobrang akward nito para sakin! I mean they are all looking at me as if I say something forbidden!
"W-What?" Asik ko.
Tumikhim si Tito. "S-Sige, sasabay rin kasi ako kay Shin. Nasira kasi ang kotse ko."
Nagkibit balikat lang ako at kumain. Nakakagulat na hindi sila nagreact. Well, Shin's face is darker than it could ever be. Pero hindi ko yun pinansin kasi bakit? Bakit ko sya kailangang pansinin?
His opinion is not that important to me anyway.
"I'm going." Tumayo ako.
Nagpilit ng ngiti si Mama. "I-Ingat ka, Cline ha? Magtext ka kung may problema."
Ngumuso ako at tumango lang. They treathing me as a kid again. So annoying. I mean duh?! I'm a senior highschool now! I can take care of myself alone! Tsk! Kainis talaga!
"Archi! Good morning!" Masiglang bati ko sa kanya.
"Ohayou! Cline-chan!" Nagvow pa sya.
So cute.. hihi.
I giggled. "Let's go na?"
Tumango sya at sumakay na sa kotse nya. Papasok pa lang sana ako sa passenger seat ng biglang may tumulak sakin at sumukay roon. Umawang ang labi ko ng makilala kung sino ang taong yun!
"S-Shin?!" Gulat na sabi ko.
Bored nya lang akong tiningnan at nagsuot ng seat belt. I looked at Archi, I'm expecting that he'll get shocked or mad but no! He's smiling like a mad man! Like a kid who saw his crush!
"Sakay na, Cline. Baka malate tayo." Nakangiting sabi ni Archi at sumakay sa kotse.
No choice akong sumakay sa back seat habang nakatingin pa rim kay Shin ng masama. Nagtama ang mata namin sa salamin. Umirap lang sya saka humalukipkip at tumunganga lang sa labas ng bintana.
Soooobrang akward ng sitwasyon. Archi is unbelieveably smiling widely, seems very happy while Shin still look like a stone and me, here at the back seat wondering why the two of them seems to know each other!
"Is it true that you're playing basketball?" Parang galak na galak si Archi.
Imbis na sumagot ay hindi sya pinansin ni Shin. Nahiya naman ako para kay Archi pero nakakagulat na nanantili ang ngiti nya.
Is this even normal!? What the hell is happening?!
"M-Magkakilala kayo?" Natanong ko na rin sa wakas.
Kapwa silang lumingon sakin which gives me chills.
"Yes!" Archi said with a smile.
"No." Shin said flatly.
Sobrang gulong gulo ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit nandito si Shin?! At bakit parang normal lang kay Archi na makita si Shin sa loob ng kotse nya?!
Napasinghap ako ng may marealize. They both glanced at me but I just ignore their wondering stare.
H-Hindi kaya.. hindi kaya.. hindi kaya.. hindi kaya.. HINDI KAYA MAGJOWA SILA?!
Napasinghap ulit ako. "N-No way!"
Napalingon ulit sila sakin, pero gulat na ngayon. Shin frowned. "The hell is wrong with you?"
Napalunok ako ng makita ang seryoso ngunit iritable nyang tigtig samantalang nakatitig si Archi sa kanya na parang nagdadaydream! Pakiramdam ko ay nayanig ang buong mundo ko.
I'm feeling something that is very bothering! This isn't right at all!
"N-No.. it can't be." I whispered and covered my mouth.
Tumingin ng masama sakin ni Shin kaya naitikom ko ang bibig. Napalunok ako at hindi na naging komportable para sakin ang buong byahe. At there's more! Traffic pa! TRAFFICCC!
Mabilis akong lumabas ng kotse at nagtatakbo sa Locker Room pero bigla kong napansin na hindi ko dala ang phone ko, nasa kotse. So I turn back to get it but I was frozen in my feet when I saw something mind blowing!
"O-Omg.." I covered my mouth again while staring at them with disbelief.
S-Shin... is.. Shin is.. Shin is.. Shin is.. SHIN IS.. SHIN IS.......
....KISSING ARCHI! T-THEY ARE KISSING! KISSING! K-I-S-S-I-N-G!
Nahirapan ako biglang huminga at parang patay na umikot pabalik sa Locker Room at nanginginig ang kamay na kinuha ang mga libro ko. Nahulog pa nga ang ilan ag nanginginig rin ang kamay kong pinulot.
"Sure ka bang ayos ka lang, Cline?" Worried na tanong ni Margs sakin.
Pero nanatili akong nakatulala sa harap ng choco mint ice cream ko. Hindi kumikibo.
This is insane! This is messing with my brain!
Shin is a gay?! And Archi and him have a relationship?!
Is that the reason why Shin is very mad at me when he saw me with Archi?!
He's jelous of me?! Omg!
"Omg, this is not happening!" I messed my hair.
"Hoy! Cline! What's wrong?" Pinigilan ako ni Ralf sa paggulo sa sariling buhok.
Napabuga ako ng hangin, pagod na pagod sa kakaisip! It's making me go bananas! This is making me crazy! Sumasakit ang ulo ko sa mga iniisip! And it's all their fault!
"W-Wala.. a-ano.. maaga akong uuwi.. kasi may gagawin pa kami sa bahay." Sabi ko.
Totoo naman yun. Tutulungan ko si Tita na mamili ng interiors design. Kasi ang plano ay ipaayos lang ang nasunog na part ng bahay nila pero nagdesisyon si Tita na buong bahay ang iparerenovate nila.
Para raw mas gumanda ang bahay. Marami na rin kasing bitak ng pader nila dahil sa katandaan. Chinecheck naman namin pero may ilang lindol rin kasi ang tumama rito pati na rin bagyo.
"Ganoon? It's fine naman.. may lakad rin naman kami ni Ralf e." Malanding kinawit ni Margs ang braso kay Ralf.
Napangiwi agad ako ng maalala bigla sa kanila sina Shin. I can't believe it! Parang ayaw tanggapin ng utak ko. I mean! Shin! Shin is a very manly guy! But.. maybe it's Archi.. not him.
Arrrggh.. so annoying, may gusto pa naman ako sa kanya. I mean duh?! He's too kind, humble and sweet type of thoughtful guy! Lahat ay maiinlove sa kanya no!
Even me.. arghh!!
"The debate, class, remember na bukas yun gagawin. Be ready, that's all. Goodbye everyone." Paalala ni Sir saka lumabas ng room, dumaan lang talaga sya.
Tumayo na ang lahat maliban sakin. Lutang pa rin kasi ako dahil nasa tabi ko lang si Shin.. Now I just can't see him as Shin.. the Shin who's always angry and frowning.. everything I saw literally change EVERYTHING!