Chapter 10

1992 Words
"What the hell is wrong with you?" Iritang tanong ni Shin sakin. Napalunok ako at nagiwas ng tingin. Nauntog kasi ako sa kanya dahil nakatunganga lang ako. Hindi ko pala nasuot ang seat belt ko kaya ng magpreno sya ay nauntog ako sa unahan ko. "Tsk! So stupid." Bulong nya pa. Stupid? It's your fault dumbass! Sa kotse nya na kami sumakay ngayon. May emergency kasi sa bahay nina Archi kaya maaga syang umuwi. Tinext nya pa nga ako kanina kasi raw baka magintay ako sa kanya. So thoughtful.. argh! Bakit ba kasi nakita ko pa yun?! E di sana kinikilig pa rin ako sa pagiging thoughtful nya! "Ano ba! Umayos ka nga!" Shin glared at me. "S-Sorry!" Nagpapanic na kumuha ako ng tissue para punasan ang kamay nya. Kinuha ko kasi yung bottled water sa unahan kaso bukas pala. Natapon tuloy sa may braso nya ng biglang umabante ang kotse. Nanginginig pa nga ako. Hindi ko alam kung bakit! Nakakaasar! "Umayos ka nga! Nabobobo ka nanaman!" Insulto nya pa. Hindi ko na lang dinamdam ang sinabi nya at tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Traffic nanaman. At sooobrang nakakailang ang sitwasyon namin ngayon. I mean after what I saw?! I can't act normally now! Ang bobo mo kasi, Cline! Dapat pumikit ka agad! Or just forget it! "Gutom ka ba ha?!" Asik nanaman nya ng aksidente kong nabuksan ang AC habang bukas ang bintana ng kotse. Huminga muna ako ng malalim. Kanina pa ako kung ano ano ang aksidenteng nagagawa! Bakit ba kasi ako kinakabahan?! It's Shin! Eventhough he have a relatioship with Archi, he's still the Shin I know! Umayos ka nga, Cline! Alam mo namang mabilis ka nyang mababasa! "G-Gusto kong ice cream." Sabi ko. He tsked and stop to buy ice cream sa ice cream shop sa tabi lang namin. Bumaba sya at pumasok sa shop. Roon lang ako nakahinga ng maluwag. Sinampal sampal ko pa ang sarili ko para mahimasmasan. Dapat hindi ko na yun isipin kasi mababaliw lang ako! E ano naman kung may relasyon silang dalawa? I know that it's very unbelieveable but it already happened. Nagbago na ko kaya ganoon rin si Shin. It's been 5 years, marahil ay narealize nyang lalaki pala talaga ang para sa kanya at hindi babae. Tumango tango ako. "Tama, tama." "You're critical, Cline. I think you need to consult a doctor now." Bagot na sabi ni Shin na nakapasok na pala. Ngumuso lang ako at kinuha ang isang galon ng ice cream sa kamay nya at isang plastik na kutsara. Binuksan ko agad ito at kinain. Kumalma ako bigla, tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko. Maybe accepting everything I learned is really the right thing to do. "Huwag mong ubusin." Sabi nya habang nagmamaneho. Ngumuso ako at umusog palayo. "Nek nek mo." "Ah." Ngumanga sya bigla. "Ano?" Asik ko. Umirap sya at ngumanga ulit. "Ahh." Tumingin ako sa kutsara na may choco mint ice cream saka sa nakabuka nyang bibig. Umirap ako at labag sa loob na sinubo yun sa kanya. Alam ko naman kasi ang gesture nyang yun, nagpapasubo. Sinamaan nya ako ng tingin ng bawiin ko agad yung kutsara kahit nakatikom ang bibig nya. Umirap lang ulit ako at kumain. Bigla syang naubo kaya nilingon ko sya. Nagtaka ako ng makitang inuubo sya. "Problema mo?" Tanong ko. Umiling lang sya at tumikhim saka nagfocus lang sa pagmamaneho. Nagkibit balikat lang ako at kumain na lang. Pero hindi matuloy tuloy dahil pasubo ng pasubo si Shin. At nakakainis yun! "Sakin to! Dapat bumili ka ng sayo!" Inis na sabi ko. "I bought that." Sarkastikong sabi nya. "Kahit na!" Apila ko. Umirap sya at sumubok na kunin yung ice cream sa kamay ko pero lumayo ako kahit wala ng malalayuan. Iniwas ko na lang yung ice cream para hindi nya maabot. "Ano ba! Ang damot mo!" Hinawakan nya ang braso ko at walang hirap na hinigit yun. "Shin! Ano ba! Akin sabi to e!" Pumalag ako, pilit na binabawi yung ice cream. "Ano ba! Ang sakit kaya!" Sinamaan nya ako ng tingin matapos ko syang kagatin. "Kasalanan mo! Akin to! Bumili ka ng sayo!" Sigaw ko at binawi yung ice cream. "Seriously? Pati pa naman rito ay naggegera kayo?" It was Kuya. Nandito na kasi kami sa tapat ng bahay. Hindi lang makababa dahil paepal si Shin, inaagaw yung ice cream ko! Sumimangot lang ako at tinulak sya patabi para makalabas dala ang ice cream ko, akin. Pumasok ako ng bahay at nakitang may hawak ng folder si Tita, namimili na. Tumabi na ako kasi nagsisimula na sya, ayokong makasabay si Shin na pumasok sa kwarto, baka tadyakan ko lang sya sa inis. "What do you prefer, Cline? The pink one or the peach one?" Tinuro sakin ni Tita ang design ng mga wallpapers. Ito muna ang inuna namin kasi ito ang pinakaimportante. Mahilig si Tita sa ganito, maybe because she lives in Japan for 5 years where wallpapers are very neccessary at every houses. Lalo na yung mga sakura or cherry bloosoms ang design. "Mas maganda yung peach Tita, kasi yung pink masyadong dark." Sabi ko habang kumakain ng ice cream. Tita smiled happily. "I think so too! You're very good at it, Cline-chan!" Ngumiti lang ako. Nagtry rin kaming tumingin ng iba pang designs pero peach pa rin ang kulay. May mga plane peeo mas gusto ni Tita ay may mini flowers na kasama kaya sa huli ay yung peach cherry bloosoms ang pinili nya. Sunod naming pinili ay tiles design, ay dahil peach ang wallpapers ay plane peach tiles na rin lang ang pinili namin. Then to the furnitures and other house designs na pumasa samin ni Tita Sheena. "I'm planning to put flowers too, Cline-chan. Yung mga bonsais! They are very cute, Cline-chan! I will give you some!" Masayang sabi ni Tita. "Dinner time. Let's eat." Parang robbot na sabi ni Shin at pumasok ulit sa kusina. "Dinner time, let's eat." I mimicked and followed him inside, nasa likod ko si Tita na biglang bumungisngis. Napalunok ako ng makaupo sa mesa. Inihaw na chicken wings kasi ang ulam, yun lang. Wala ng ibang side dishes. Nangaasar ba sila? Paano ako makakakain nito?! Anong dinner ko?! "May cup noddles ba tayo?" Nakasimangot na sabi ko at tumayo. "Maupo ka, Cline." Pagbabanta agad ni Kuya. "Gusto ko ng cup noddles." Nagmatigas ako. "May ulam oh, huwag ka ngang maginarte." Seryoso nyang sabi. Nainis na ako. "E sa gusto ko nga ng cup noddles!" "Naghahanap ka e wala nga!" Sumigaw na rin sya. "Cline, Clyde! Nasa harap ng pagkain! Huwag kayong magsigawan! Mga walang galang!" Galit na rin si Papa. Inis akong umupo at sinamaan pa talaga ng tingin si Kuya. Humalukipkip ako at tumunganga lang sa mesa, walang planong kumain. "Cline, hindi mo ba gusto ang ulam?" Mahinahong tanong ni Mama. Sumimangot lang ako. Naiinis ako kasi alam kong gusto kong kumain pero ayoko dahil nandito sya, si Shin. Saka alam nya ang mga bagay na gusto ko, baka nga nababasa nya na ako ngayon. "Dati ayaw mong mamigay ng ganitong ulam pero ngayon hindi ka na kumakain." Malungkot na sabi ni Tita. Sya kasi lagi ang nagluluto ng ulam namin ni Shin noon, lalo na ng inihaw na chicken wings. "Nagiinarte lang yan, Tita. Immature kasi." Pangyayamot ni Kuya. "Talaga ba, Clyde?" Nagmake face ako. "Anong sabi mo?" Nagdilim agad ang muka nya. "Pikon." Dumila pa ako para lalo syang asarin. "Kumain ka na." Nilagyan bigla ni Shin ng manok ang pinggan ko, nasa pinggan nya naman ang mga buto. Nakatitig lang ako roon sa manok. Napanguso ako kasi naglalaway na ako. Gustong gusto ko ng kumain. Gutom na gutom na talaga ako. Pero may kulang.. "Tss.." Nilagyan nya rin ng Mang Thomas ang manok saka sya na rin ang nagsandok ng kanin. Mas lalo lang akong naglaway. Sya naman ay ganoon rin ang ginawa saka kumain. Kumain na silang lahat maliban sakin. Palunok lunok lang ako. Nakakateeeeemmmppp! Pero may kulang pa riinnnn.. "Ay, yung tuyo pa pala." Bulong nya at saka tumayo. Pinanood ko lang syang kumuha ng tuyo at kalamansi tapos nilagay nya yun sa isang maliit na sauce plate. Nilapag nya yun sa tapat ko. Roon lang ako kumain ng nakakamay. Sinawsaw ko sa Mang Thomas ang ilang manok saka sumubo ng kanin. Sinawsaw ko rin sa tuyo yung manok saka sumubo ulit. I did it alternately hanggang sa makita ko na lang si Shin na nilalagyan ako ng kanin at manok. "Hihihi.. they are so cute.. this is so familiar to mee..." Bumungisngis si Tita. Ngumuso ako kay Shin para magpalagay ng Mang Thomas sa pinggan. Umirap muna sya bago ako lagyan sa plato. Malalaki ang subo na ginawa ko. Ako na nga lang ang kumakain saming lahat. Soooobra kong namiss ang inihaw na manok no! Ngayon na lang ako nakakain ulit! Hmp. "Ang takaw talaga. Baboy." Bulong pa ni Kuya. Umirap lang ako at kumain lang ng kumain. Nang matapos ay tumayo na ako para maghugas ng kamay. Kailangan ko nang magpalit ng damit, may assignments rin kami at yung debate pa bukas ng umaga. "Psh.. ako na lang ang makikipagdebate sa sarili ko, bahala si Shin sa buhay nya." Bulong bulong ko habang nagbabasa ng libro. "So ungrateful. Matapos kitang ipaghanda ng pagkain ay ganyan ang igaganti mo, how immature, Cline." Sabi ni Shin na kakapasok lang. "Nye nye." Nagmake face lang ako kasi medyo tinamaan ako roon sa sinabi nya. Pero sinabi ko bang ipaghanda nya ako? Hindi diba? So wala akong utang na loob sa kanya! "Bata. Usog nga." Tinulak nya nanaman ako para makahiga sya sa gabi ko. "Kailan ba kayo babalik sa bahay nyo. Nakakakinis kang katabi." Mahinang sabi ko. "Parang hindi ka rin nakakainis na katabi ah. E napakagulo mo ngang matulog." Banat nya. "Sinungaling! Hindi ako gaya mo no!" Lumayo ako sa kanya, nakakaasar talaga sya! "Sus. Kung alam mo lang kung ilang beses kang natulog sa dibdib ko." Nakangisi nyang sabi. Naginit ang tenga ko pati muka. "S-Sinungaling! Hindi yan totoo! Napakaassuming mo!" He just smirked and closed his eyes, ignoring and pissing me at the same time. Gigil ko lang syang sinamaan ng tingin. Kahit kailan talaga ay napakagaling nyang manginis! "Halikan mo na lang ako, huwag kang puro titig." Sabi nya bigla. Napaurong ako kaya nahulog ako sa kama. Tumama ang ulo ko sa sahig kaya napadaing ako sa sakit. Mabilis naman syang bumangon, halatang natatawa sya but when he saw my pained expression, nagalala sya bigla. "Ang bobo mo naman kasi! Sino bang may sabing umurong ka?" Inis na sabi nya habang hinihilot ang likod ng ulo ko, may bukol kasi. "Ako pa talaga! Ikaw kaya ang may kasalanan!" Naiiyak na sisi ko dito. Tumaas lang ang sulok ng labi nya, natatawa sakin at nakakainis yun! Parang tuwang tuwa pa syang may bukol ako! Gusto kong maiyak sa inis. Nakakainis sya! Nakakainiiisss! "Umayos ka nga! Didiinan ko to sige ka!" Pananakot nya kaya huminto ako sa kakapalag. Demonyo pa naman sya. Paniguradong gagawin nya talaga yun. That's how heartless Shin is. "Ang tanga tanga mo talaga." Pangiinsulto nya. Sumimangot lang ako kahit na gustong gusto ko na syang suntukin ko kahit pitik lang sa mata ay sapat na. Nakakainis kasi sya! Napakabrutal talaga ng bibig nya! Nakakaasar sya! "Ang tanga tanga tanga talaga." Umiling iling pa sya. Sinamaan ko sya ng tingin kahit hindi ako nakaharap sa kanya. Nakaupo kasi ako sa unahan nya habang sya ay nasa likod ko, hinihilot ang bukol ko na sobrang laki! At sobrang sakit rin! "Tsk, tsk. Ang sarap siguro nitong pitikin." Pagpaparinig nya pa, gusto lang mangasar. "Subukan mo lang, Shinto." Pagbabanta ko. We both frozed when we realized something. Mabilis pa sa kabayo akong umalis sa kama at nagtatakbo palabas ng kwarto ko. "W-Wala kang narinig! Matulog ka na! May gagawin pa pala ako sa baba! G-Good night!" Sigaw ko at kumaripas ng takbo pababa. Ang bobo mo, Cline!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD