"Good job, Cline and Shin. Your debate is very meaningful and has lessons to be learned. I don't know but I think there is something between the two of you that make your performance amazing."
Ngumiti ako ng masaya kay Sir Alvin habang tumango lang si Shin at bumalik sa upuan nya. Nagthank you muna ako kay Sir bago bumalik na rin sa upuan ko. Kinurot agad ako ni Margs na para bang kinikilig sya.
"Ehe~ parang may pinaghuhugutan kayong dalawa ha?" Panunukso nya pa.
"Meron naman talaga." Bulong ko at humalukipkip.
"At dahil sa excellent performance nyong dalawa, kayo ang napili kong lalaban sa dalawa pang section." Nakangiting sabi ni Sir.
"P-Po?" Bangag na tanong ko.
"Hindi lang kayo ang pinagdebate ko kundi maging ang Class A2 and A3. At ang pares na makakakuha ng mataas na score ang maglalaban laban at kayong dalawa ni Shin ang lalaban sa kanila." Paliwanag ni Sir.
Napalunok ako at sumulyap kay Shin na parang wala namang pakialam sa sinabi ni Sir. Sa babay, kailan ba sya nagkaroon ng paki sa iba? Sarili nya lang naman ang iniisip nya.
"E, Sir. Sino po ang makakalaban nila?" Tanong ni Margs.
"Good question. It's Archi and Ralf from Class A2 and Mariz and Yuna from Class A3." Nakangiting sagot ni Sir.
Napalingon ako agad kay Shin na nalukot ang muka ng marinig ang pangalan ng boyfriend nya. Mukang ayaw nyang kalabanin ito. Napangiwi ako at kay Margs naman lumingon na may dreamy na ngiti.
For sure iniisip nya lang si Ralf.
I pouted and sighed. Napakamalas ko naman yata. Impyerno na nga ang pagprapractice kasama si Shin tapos balak pa nilang ulitin. Ano naman kayang topic? Nakakaasar talaga.
"Hoy pato, break time na." Tinulak ni Shin ang balikat ko.
P-Pato?!
Sinimangutan ko lang sya at padabog na tumayo at kinuha ang bag sa sahig. Hinanap ko si Margs pero wala na sya rito sa room, actually lahat sila. Kami na lang ni Shin ang natitira. Mabilis tuloy akong lumabas ng room.
"Gutom na gutom." Pagpaparinig nya pa.
Umirap lang ako. Baka ayaw kong sumabay sayong damuho ka.
"Cline, Shin!" Kumaway si Archi samin.
Halos madapa ako ng makita ko sya. Good thing Shin get a grip on my back collar but the bad thing is he's already choking me!
"Ano ba! Nasasakal ako!" Sinamaan ko sya ng tingin.
Bagot nyang binitawan ang blazer ko at hinarap si Archi na sobrang lawak ng ngiti habang pinapanood kami. Napangiwi ako dahil roon, he's being too obvious, halatang may relasyon silang dalawa.
Ugh. So unfairrr! I really thought that he could already replaced Shin, atleast as my best friend but..
"Let's go, Cline! Libre ko ang snacks natin ngayon." Kumindat sya at sumulyap kay Shin.
"S-Sige." Lumunok ako.
"Tss." Yun lang ang naging reaksyon ni Shin at sumunod samin.
"Ayos ka lang ba, Cline? Parang sobrang tahimik mo naman yata." Tanong ni Archi habang papunta kami sa Cafeteria.
"A-Ah! Haha, ayos lang ako.. gutom lang hehe." Peke akong tumawa.
Hindi ako okay, Archi. Hindiiiii!
"Ganoon? E di bilisan natin, ako na magoorder." Hinila nya kami ni Shin papasok.
Napatitig ako sa kamay nya na nakahawak sa braso ni Shin na blangko lang ang muka habang nagpapahila. Wala nanaman syang pakialam.
Sus! Baka nagpapanggap lang yan para hindi sila mabuking!
Uwaaaa! Ang unfair talagaaa huhu!
"Para kang tanga, Cline." Bagot na sabi nya.
Inirapan ko lang sya kasi yun lang ang kaya kong gawin. Hindi ko naman sya pwedeng sigawan sa harap ng maraming tao, isang mahabang homiliya lang naman kay Kuya ang makukuha ko.
"Here 'ya go, Cline. Pizza, spaghetti, fried chicken wings, cola and of course your dessert, choco mint ice cream." Ngumiti si Archi habang nilalapag sa mesa ang pagkain ko.
"And for you, Shin." Ngumiti rin sya kay Shin na nakakrus ang braso habang parang batong nakatingin lang sa mesa.
"Tempura and some sushi with iced tea." He put the plates in front of Shin.
Japanese foods. And Archi even know what his favorite foods.
"And for me! Sushi, ramen and iced tea too!" Masayang sabi nya.
Soo cuteeee~ Shin is very lucky to have him and Archi is very unlucky to have him.
"Itadakimas!" Archi clasped his hands and did a little vow before digging up in his food. (Eng trans: Time to dig up)
Typical Japanese person's dids before eating.
Napasulyap tuloy ako kay Shin na hindi ginawa yun. Nagsimula na agad syang kumain. Sabagay, wala nga palang modo yang taong yan, yakuza sya at hindi normal na hapon gaya ni Archi. Isa syang demonyong mananakop!
Nagsimula na rin akong kumain. Silence fell between the three of us while eating, but sometimes Archi will try forming a food conversaion but will die eventually because Shin is a jerk who's always sarcastic.
Ganoon ba talaga silang dalawa in public? Acting like they didn't know each other?
Ang galing naman nilang magtago ng relasyon nilang dalawa. Lalo na si Shin na kung umasta ay parang magisa lang syang kumakain.
"Finish your foods, Cline. Huwag kang puro tunganga." Sita ni Shin sakin ng mapansing nakatunganga lang ako.
Napaayos ako ng upo at binilisan ang pagkain. Nang ice cream na lang ang natitira ay bigla yung inagaw ni Shin at parang sa kanya yun kung kainin nya. Napasimangot na lang ako dahil paubos na agad yung ice cream ko!
"Sir Alvin said that we will be against you in a debate." Nakakagulat na biglang nagopen ng topic si Shin.
"Nasabi rin samin. Ang sabi pa nga ni Ralf e huwag na raw kaming mageffort ng masyado kasi kay Cline pa lang raw ay talo na kami." Tumawa ito.
Ngumuso ako. "Hindi naman aaahh."
Shin smirked with pride. "And what's more if I join right? Baka nga hindi pa kayo nakakapagsalita ay panalo na kami."
Napangiwi ako. Grabeee.. may bagyo ba? Bakit parang humangin ng sobrang lakas?
"Right!" Pakikisakay ni Archi jowa nya.
"But seriously, Ralf said that Cline is a genius monster. Wala nga raw laban sa kanya ang mga college students noong nagQuiz Bee sila." Manghang sabi ni Archi.
I blushed and tried to hide it from them. He complimented me! That's too good to be true!
"Tss. Baka dinaan nya lang sa pagiyak kaya nanalo sya." Umismid yung demonyong mananakop.
Panira naman oh, lintek ka talaga Shin.
"Haha, you're bullying her again, that's mean you know." Archi chuckled.
I snorted. "Hindi pa yan yung fullest, Archi. At kapag nakita mo yung fullest, hindi lang mean ang itatawag mo sa kanya, demonyo na."
Naramdaman ko ang akmang pambabatok ni Shin. Mabuti na lang talaga at mabilis ko yung naiwasan at kinurot sya sa braso. Napadaing sya agad at kinurot rin ako kaya in the end ay nagkurutan kaming dalawa.
"Araayyy." Pumikit ako ng mariin habang ginagamot ni Shin ang mga maliliit kong sugat.
E paano ba naman kasi ay sobrang talas ng kuko nya! Tapos nakipagkurutan pa sakin kaya heto! Sobrang dami kong sugat dahil sa kanya! E sya nga e namula lang yung mga kurot ko rito!
"Tsk! Napakatanga kasi." Pangiinsulto nya.
"Baka ikaw kumurot sakin no?!" Sikmat ko rito.
Nagshrugged ito. "Nauna ka e."
Suminghap lang ako sa inis at aa sakit ng sugat ko. Nandito kami sa loob ng kotse at pauwi na sana kung hindi nya lang nakita ang maliliit kong sugat sa braso.
"Ang sakit.." Naiiyak na sabi ko habang hinihipan ang braso ko.
"Should I put alcohol now?" Tanong nya.
Naalerto naman agad ako at binawi ang mga braso at ginawa ang lahat para itago ito sa kanya.
"Gutom na ko, Shin. Uwi na tayo." Peke akong ngumiti.
Tumaas lang ang sulok ng labi nito, natatawa na. "Duwag."
Umismid lang ako at napanguso. E sa takot talaga ako sa alcohol? At alam nya kaya yun!
"Let's go home. Kuya Clyde texted me actually, he said he has something to tell you." Biglang seryoso nyang sabi.
Humalukipkip lang ako at umayos ng upo sa at sinuot ang seat belt. Naging tahimik ang buong byahe namin. Iimik lang sya twing napapansin na sumusulyap ako sa kanya tapos magyayabang.
Kung alam mo lang na iniisip ko na sayang ka.. I mean sobrang raming may crush sayo noong elementary tayo tapos.. tapos.. tapos lalaki pala trip mo?!
Ngayon hindi ko na talaga sya kilala.. sobrang laki at dami ng pinagbago nya..
"Change first. Bumaba ka agad kasi may paguusapan tayo." Napakaseryoso ni Kuya.
Nagtaka ako kaya sinunod ko na lang sya. Hindi lang kasi sya ang seryoso at tahimik kundi silang lahat. Si Mama at Papa saka si Tita at Tito. Nabothered tuloy ako ng sobra.
Dapat pala tinanong ko si Shin kanina.
Pero.. asa naman akong sasagot ng matino ang demonyong yun.
"Bilisin mo nga, Cline! Napakabagal mo!" Sigaw ni Kuya sakin.
Nagmadali tuloy ako sa pagpalit at bumaba agad. Suot ang We Bare Bears pajamas ay bumaba ako. Naroon pa rin sila sa sala at parang sobrang seryoso ag importante talaga ng paguusapan namin, nakakatense.
Tahimik akong umupo sa tabi nina Mama at Papa, nasa gitna nila ako. Sina Tita naman ay nasa kaliwa samantalang nasa kanan si Shin at nasa tapat namin si Kuya.
"Ma, anong meron?" Bulong ko kay Mama.
Ngumiti lang sya pero may iba roon, para kasi syang naiiyak na ewan. Hindi naman siguro ako ipapatapon sa ibang bansa diba? O ipapaampon ni Kuya kasi sinasagot sagot ko sya?
Huwag naman sanaaaaa...
"Cline Eleonore Zuelde." Banggit ni Kuya sa buong pangalan ko na nagpataas sa balahibo ko sa katawan.
"B-Bakit?" Nauutal na tugon ko.
Nagsimula ng manlamig ang mga palad ko. Dapat pala yung long sleeve na shirt ang sinuot ko hindi itong short sleeve, nilamig kasi ako bigla. Napakalamig naman kasi ng aura ni Kuya.
Nang magangat sya ng tingin sakin ay parang namutla ako. "Nagiisa kang babae sa pamilya bukod kay Mama."
Obviously.
"Kaya ganoon na lang kami ni Papa kung protektahan ka. Binibigay namin lahat ng gusto mo, lahat ng kailangan mo. Spoiled ka na nga ng sobra e, kaya sobrang tigas ng ulo mo." Huminga sya ng malalim.
Nye nye.
"We want the best for you. We want you safe, always happy and contented. Ginagawa namin lahat ng makakaya namin para hindi sumama ang loob mo o tuparin lahat ng pangako namin sayo." Tiningnan nya ako sa mga mata.
"Pero mukang sa desisyon na nagawa namin ay kamumuhian mo kami habang buhay." Mapakla syang tumawa.
Kinabahan na ako. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at mabigat na rin ang aking paghinga. Sobrang sama ng pakiramdam ko tungkol sa nangyayari, may tumutulak sakin na tumayo at magkulong sa kwarto ko.
"A-Ano bang ibig mong sabihin? H-Hindi mo naman siguro ako ibibenta diba?" Kinakabahang tanong ko.
"Sobrang tigas ng ulo mo at sobrang kulit. Pero hindi kita masisisi, sobrang laki ng naging pagkukulang ko sayo bilang Kuya mo." Bumuntong hinga sya bigla.
Ay true.
"Alam kong nasasakal ka na sakin, kasi mas tatay pa ako kesa kay Papa.. pero alam mo naman siguro na para rin sayo ang mga yun." May pagpapaintindi sa tono nya.
Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri. Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari. Lalo pa at nandito rin ang pamilya nina Shin, kung usapang pampamilya ay dapat kami kami lang kahit gaano pa sila katalik na magkaibigan nina Mama at Papa.
"H-Huwag mo nga akong pakabahin dyan, Kuya. Ginugutom lang ako lalo." I tried joking to lighten up the mood pero palpak.
"Kung gagawa ba ako ng desisyon na alam kong hindi mo magugustuhan.." Tumitig sya bigla sakin.
"Mapapatawad mo pa kaya si Kuya?" Napakaemosyonal naman ng dating noon para sakin.
"Ahm.. depende?" Hindi siguradong sabi ko.
"Para sakin hindi.. pero kung ikakabuti mo naman yun.. handa si Kuyang kamuhian mo habang buhay." Tumango pa sya.
"A-Ano ba kasing gusto mong sabihin, Kuya? Huwag ka ngang pasuspense!" Kinakabahang sabi ko.
Nakita ko ang pagkatense ng katawan ni Shin.
"Ikakasal ka kay Shin.. sa ayaw at sa gusto mo." He dropped the bomb.