Athena Shane Dominguez "Mama, may field trip po kami sa linggo." ani ni Apollo habang pinupunasan ang mesa ng pinagkainan namin. "Nasabi nga sa'kin ng teacher niyo. Gusto niyong sumama?" Tumango-tango naman si Arthimes habang nakaupo sa upuan niya. "Yes! Mama, me and Arthimes want to see a real giraffe. Right Arthimes?" Nakangising tumango naman si Arthimes. "Okay! But remember 'wag kayong lalayo sa mga classmates niyo at Apollo just take care of your sister." "Yes! Mama, I will." At niyakap nila akong dalawa. "Apollo, 'wag mong kakalimutan ang bilin ko sa'yo." Habang hinahanda ang baon nila. "Mama naman, e, pang-ilan niyo na pong sinasabi sa'kin 'yan. Saulo ko na nga 'yan." Ginulo ko ang buhok niya. May pinagmahan ang isang 'to. "Sinisiguro ko lang, Kuya." Mahina kong hinila si Ar

