Athena Shane Dominguez Kasalukuyan akong nagtitimpla ng gatas ng kambal nang pumasok ng kusina ang baby boy ko na nakabusangot "Mama, bakit niyo po kami pinag-absent ni Arthimes? May recitation pa naman kami ngayon." Pinag-absent ko silang dalawa dahil ngayon ko ito-tour sina Patrick at James sa academy. Hindi na kasi kami natuloy kahapon dahil umaaktibo na naman ang pagiging OA ni Patrick nang namutla ako. Gaya ng naisip kong plano, pinag-absent ko sila para hindi mag-cross ang landas nilang mag-ama. Pinagpaalam ko naman sila sa teacher nila kaya walang problema. Hindi naman sa ayaw kong makita at makilala ng kambal ang kanilang ama, hindi pa lang ako handa sa ngayon, baka kasi kunin sila sa akin. Hindi ko makakaya yun. "There's nothing to worry Kuya, pinagpaalam ko na kayo kay te

