Athena Shane Dominguez Ala-sais na ng umaga na ako'y makauwi galing sa pagjo-jogging. Dali-dali akong nagpunas ng pawis at nagbihis. Linggo ngayon at paniguradong natutulog pa si Patrick ngayon. Hinayaan ko na muna siyang makapaghinga. Lately kasi palagi na siyang nag-oover-time at hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag-isip kung paano at ano ang gagawin namin para makabawi sa pagbagsak ng sales ng produkto namin. Lalo na ngayon na malapit nang dumating si Daddy Marcus at 'yung mga gustong mag-invest sa Manifest. Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape nang maalala ko ang trabaho ko sa KATS. "Alam ko na!" "Misis, anong nangyari sa'yo? Napaso ka ba? Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat? Akin nga 'yang kamay mo, titingnan ko." Kinuha niya ang kamay ko at hinihipan. Agad kong inagaw ang

