Patrick Cervantes Kasalukuyan kong nire-review ang mga kontrata sa mga nakalipas na buwan nang tumunog ang intercom. "Yes, Menchu?" ani ko ng pindutin ang received. "Sir Patrick, nando'n na po lahat ng board sa conference room. Kayo na lang ang hinihintay." "Sige papunta na ako." Iniligpit ko ang kontrata Agad nasiayos ng upo ang board members nang pumasok ako ng conference room. "Mr. Cervantes, patuloy na bumababa ang sales natin magmula no'ng nakaraang buwan at kung magpapatuloy ang ganito mahirapan na tayong makabawi." ani ni Mr. Divinagracia. "Marami na ring nagsusulputan na mga mumurahing perfume na galing sa China." ani ni Mrs. Manalo. "Ano po ang gagawin natin? May ideya na po kayo, Mr. Cervantes?" ani ni Ms. Mendoza Nababasa ko sa mga report na bumaba ang sales ng Manifest

