Athena Shane Dominguez Pasalampak akog naupo sa kitchen counter. Ang sakit ng ulo ko parang mabibiyak. "Ayan kasi inom ng inom hindi naman pala kaya." ani ni Patrick na kasalukuyang nagtitimpla ng kape. "Ito kape oh para mahimasmasan 'yang hangover mo." Inabot ko yung kape na ginawa niya. "Sa susunod kasi 'wag kang uminom kung hindi mo na kaya lalong-lalo na kung wala ako sa tabi mo." aniya saka lumabas ng kusina. Napamaang ako sa huli niyang sinabi. Don't tell me sa susunod sasamahan na niya ako? Teka, paano pala ako nakauwi rito sa bahay? Hindi ba kasama ko sina Darla kagabi? Nagmamadali akong tumayo at lumabas ng kusina. Naabutan ko si Patrick na prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. "Patrick, paano ako nauwi kagabi?" Nilingon niya ako. "Naglakad ka ata?" Walang kwent

