Athena Shane Dominguez "I'm glad your came. You look so beautiful tonight, Couz." Sinalubong ako ni Tyrone saka niyakap. Gumanti rin ako ng yakap. Matagal na rin kasing hindi nagkita. Nakakamiss din pala ang isang 'to. "So, tonight lang ako maganda?" I asked him with my serious face. "Palagi pala. Tara, punta na tayo sa loon nando'n si Haydee hinihintay ka." Haydee is his wife at kaklase rin namin. "I'm glad you came, Couz!" Haydee said at nagbeso-beso kami. Nagkuwentuhan lang kami ni Haydee ng kung anu-ano ng biglang may sumabat sa pagkukwentuhan namin. "Hi Tyrone. Hi Athena, hiramin ko muna si Haydee hinahanap siya ni Mitch." Casey said. "Sige. Athena, maiwan muna kita. Bantayan mo 'tong pinsan mo baka mambabae 'yan nandito pa naman 'yung ex niyang mukhang payaso." Haydee said.

