Athena Shane Dominguez Marahan akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Patrick pero wala namang sumagot. Sinubukan kong pihitin ang doorknob Napangiti ako na bukas pala 'yun. "Tao po. Patrick!" Tumambad sa'kin ang napakadilim na kwarto. "Patrick?" Kinapa-kapa ko ang switch ng ilaw sa dingding. "Anong ginagawa mo rito?" Bigla akong napatalon sa gulat nang may nagsalita mula sa likod ko kasabay ng pagliwanag sa paligid. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakatayo sa labas ng kanyang banyo. Biglang uminit ang mukha ko nang mapagtanto kong topless siya at tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa bewang niya. Kailangan ko ng sabihin ang pakay ko rito bago pa muli akong ma-distract sa katawan niya. "Patrick, I'm sorry. Ang tigas kasi ng ulo ko. Hindi ko inaalala na mag-alala

