13

1218 Words
"Please, EL.. Wala akong mapupuntahan.." Pagsusumamo nito. Hindi iyon pinansin ni EL at pumasok ng bahay niya. Mas lalo siyang nainis ng makita ang mga gamit ni Deena sa sala niya. "What the heck, Deena?? You can't stay here, FOR GOD SAKE!" Usal niya. Nauubusan na siya ng pasensya. "Maaatim mo bang ipagtabuyan ako? Kahit bilang kaibigan na lang, EL. I have no where to go, please.." Marahas na hangin ang muling kumawala sa kanyang dibdib sa sitwasyung ibininigay sa kanya ni Deena. "FINE! But please.. Maghanap ka kaagad ng malilipatan.. Hindi ka pwede dito.." Muling paliwanag ni EL. "Bakit? Dahil ba sa babaeng yun? Nag aalala ka sa pwede niyang isipin?? Bakit girlfriend mo na ba yun? TELL ME, EL!" Bahagya ng tumataas ang boses nito. "Sana nga.. I like her, Deena. Kung pwede lang.."Pagtalikod nito saka umakyat ng hagdan patungo ng kanyang kwarto. "Use the guest room."Pahabol niyang sigaw kay Deena. "Malaking sakit sa ulo nga yan.. Anong plano mo?" Tanong ni Alyah sa kabilang linya ng matawagan niya ito. "I don't know. The heck is wrong with her.. Ako pa talaga ang ginugulo niya ngayon..." Napasigaw ito sa sobrang pagkairita. "Maiba ako.. About back there sa bar.." Mas lalo pang nakaramdam ng frustration si EL ng maalala si Lara. "I don't wanna talk about that, Alyah.." "You like her.. Don't you? That Lara.. I can sense there's something between the two of you.." Hindi paawat ni Alyah. Napayuko si EL na napasabunot sa kanyang buhok. "Ikakasal na siya, Alyah.." Tanging nasabi niya rito. "Hindi mo sinagot yung tanong ko.. Gusto mo ba siya?!" Pag uulit nito. "May sense ba?? Hayyy... Hindi ko alam kung bakit ko ba to nararanasan, Alyah..." Mabigat niyang hayag sa kaibigan. Parang gusto niya ng hilain palabas ang dibdib niya. "Mahal mo na ba? If not.. My chance pa to save yourself.." "Hindi ko alam.. I-I... I just can't see her that sad.." Komento nito na napaisip din. "Masyado ka lang siguro na attach sa kanya bakla.. Layuan mo na habang maaga pa.." Payo ni Alyah pero ang tanong kaya niya ba? At kung magawa man niya titigil din ba ang tadhana sa paulit ulit na pagkukrus ng landas nila? KINABUKASAN hinatid ni Elton si Lara sa trabaho nito. Masaya naman si Lara na tila nagiging maayos na muli ang pagsasama nila ni Elton. Hindi na ito kumontra sa kagustuhan niyang ipagpatuloy ang mahal niyang trabaho kahit pa makasal sila. Iminungkahi pa nga ni Elton na susuportahan siya sa kahit anong naisin at handa itong maglabas ng malaking halaga para lang bigyan siya ng sariling Fashion Company. "Iba ang awra mo ngayon. Ah.." Bungad ni Krizzy. "Masaya lang.." Alangang sagot niya dahil sa hindi kaaya kaayang nasaksihan kagabi ni Krizzy sa pagitan nila ni EL. "You are cheating, Lara.." Saglit siyang napatigil at naging seryoso ang kaninang masayang mukha. Hinarap niya ang kaibigan. "Please, Krizzy... Don't tell him. Hindi na yun mauulit tsaka kakausapin ko si EL.." Paliwanag niya. "May namamagitan ba sa inyo? Siya ba yung reason ng... Ng pagbabago mo. Naguguluhan ka na ba kung kanino ka mas nasasatisfy??" "KRIZZY!" Agarang awat niya rito. "Of course not.. I love Elton. Siya lang ang.. Ang nakakapag pa turn on sa'ken. I'm straight anu ka ba. " "Wala naman akong sinasabing hindi ka straight, Lara. Kaibigan mo ako kaya gusto kong mapabuti ka at hindi makasakit ng ibang tao. I hate to ask this.. May nangyari na ba sa inyo??" "What??" Kabadong sambit niya. "Sa itsura mo, Lara. Sa reaksyon mo mukhang meron na.. May gusto ka ba sa kanya?" "Ako? Magkakagusto sa babae? Of course not.." Pagtanggi ni Lara pero sa likod ng kanyang isipan natanong din niya ang sarili. "Alam mo.. You better cut whatever there is between the two of you.." "There is none, Krizzy. Ikakasal na kami ni Elton.." "No.. Lara..." Sagot nitong ikinagulo ni Lara. "Magpakasal ka dahil gusto mo.. Dahil mahal mo at nagmamahalan kayo.. Pero kung.." "Ano??" Tanong niya ng matigil bigla si Krizzy. "Wag mong gamitin ang kasal niyo to prove to yourself na mali ka.. What's wrong kung hindi ka nga straight?" Nababahalang pahayag nito. "Tanggap kita kung saan ka man magiging masaya, Lara. Ang hindi ko lang kayang tanggapin.. Is yung manloko ka.. I know marami kayong hindi mapagkasunduan ni Elton. But that is not a reason to cheat.. Alam mo yan.." Batid ni Lara na may punto ang kaibigan kaya mas naging desidido siyang makausap si EL para once and for all matapos na ang lahat kung ano mang nasa pagitan nilang dalawa. "I know..." Tanging naisagot niya kay Krizzy. Sinubsob niya ang sarili sa trabaho para hindi makapag isip. Lahat ng paraan ginawa niya para lang hindi magulo ni EL ang isipan niya. Ngayon lang siya ulit naging sigurado sa pagpapakasal kay Elton kaya ayaw niyang masira iyon. Nang matapos ang buong araw niya, minabuti niyang tawagan si EL pero hindi ito sumasagot. "Ngayon kailangan ko siyang makausap hindi ko siya makontak. Kapag tinataboy mo duon sumusulpot. HAY NAKU!" Mga katagang lumabas sa kanyang labi. Nag decide siyang puntahan na lang ito sa bahay nya. Pagkapara ng taxi saka naman dumating si Elton. Nag doorbell si Lara ng makarating kela EL. "It's you again.." Tila mapapaatras ang mga paa niya ng makita si Deena. Hindi niya naiwasang mapatingin sa kabuuan nito. Suot ni Deena ang isang black lingerie. Hindi nakaligtas sa mata niya ang labas na cleavage ni Deena pati na ang mahabang hita nito sa ikli ng suot. "Anong kailangan mo??" Saka lang siya bumalik sa kanyang sarili ng magsalita si Deena. "Amm. Is EL there?" Alangan niyang tanong. Kulang na lang pumiyok siya kung hindi niya napigilan ang sarili. "Anong kailangan mo sa kanya?!" Sa tono ng salita ni Deena batid niyang hindi ito okay na makita siya. "Lara?!" Sunod naman ang paglabas ni EL. Parehas sila ng suot ni Deena. Kukurap ang matang tumalikod si Lara. Nais nyang maglaho pero maagap si EL na mahawakan siya sa kamay. Muli siyang humarap, huminga ng malalim. Lahat ng encouragement ay kinolekta niya saka muling nagbuka ng bibig. "I came here to tell you.. EL let's stop.. Whatever we are doing. I love Elton. I want to have a family, okay. Please.. Hindi na tayo pwedeng magkita pa ulit. Kung makita mo man ako ng hindi sinasadya, umiwas ka at ganun din ako.." Hayag niya saka muling tumalikod. Bago pa man siya makalayo ay naharangan na siya ni EL. "I like you.. No! I love you, Lara.. Kung may kaunti, kahit kaunti lang na nararamdaman ka din para.." "Syempre WALA, EL.. Tigilan mo na ako at bumalik ka na duon sa babae sa bahay mo.. Mukhang naistorbo ko pa kayo sa kung anong ginagawa niyo.." Muling sumilay ang likuran niya kay EL. Hinila naman siya ni EL payakap. "Bitiwan mo ko.. Ano bang ginagawa mo? Nasa labas tayo, EL..! Ano ba?!" "I won't give up on you. Nandito lang si Deena dahil wala siyang mapuntahan pero walang namamagitan samin..." "Who cares?? As if I care.." Sigaw niya habang mahigpit siyang yakap ni EL. Hindi niya maintindihan ang sarili pero tila natuwa siya sa paliwanag ni EL. "Don't marry him.. You are cheating on him with me..." Isang malakas na sampal ang tinanggap ni EL sa mga binitawan niyang salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD