14

1181 Words
IYON ang naging huling pag uusap ni EL at Lara. Ibinabad ni EL ang sarili sa trabaho at ganun din si Lara. Bilang na ang mga araw at nalalapit na ang kasal nila. "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo.." Humahangos si Alyah ng makalapit kay EL. "Huh?!" "That guy.. Our client.. Galing siya dito kanina.. Ikaw ang hinahanap niya.." Hinihingal pa na paliwanag ni Alyah. Hindi naman maintindihan ni EL kung anong mga sinasabi niya. Inabot ni Alyah ang wedding invitation. Punit ang mukhang tinignan niya ito. Parang tarak sa dibdib niya ng mabasa ang pangalan ni Lara Austin at Elton Anderson. "He's inviting you sa kasal nila. Tang ina! Ang liit ng mundo, EL. Wag kang pumunta kung ako sayo.." Pigil sa kanya ni Alyah pero buo na ang desisyon niya. Kung iyon ang makakapag pasaya kay Lara ay susuportahan niya. "I'm going.." "What?? Si Lara yun, EL. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Naiintindihan mo ba ang gagawin mo?" Kontra nito sa kanya. "This is what she wants. Ang ipakita sakin, ipamukha sa akin na wala lang talaga yung namagitan sa amin, Alyah. And I wanna support her if that will make her happy.." "Ewan ko sayo! Bakla ka! Pagpapakamatay yang gagawin mo.. Kaya mo ba??" "Don't worry about me.. Dapat matapos natin yung dream house nila..." Pagbibigay diin nito sa mga huling salita. "Awww... What a coincidence.. Sinabi ko naman kasi sayo sumama ka kapag kausap ko ang client. Ayan tuloy hindi mo to napaghandaan. Sinong makakapag sabi na yung client natin is yung soon-to-be husband pala ng Lara na yun.." Hindi na nagsalita pa si EL at tumalikod na lang. Ginawang busy ang sarili kahit wala naman ng gagawin. Nagpunta siya sa lugar kung saan siya madalas magpalipas oras kapag madami siyang alalahanin. Maaga siyang umalis ng firm, bago pa siya makita ni Alyah. "I knew it... Sabi ko na ei.. In love na siya sa Lara na yun.." Nag aalalang sambit ni Alyah. Kilala niya ang kaibigan. Sa oras na mahulog ito malabo ng makabangon agad. Wala siyang choice at kahit ayaw niya kay Deena ito lang ang naiisip niyang paraan para matulungan ang kaibigan. "What do you want me to do??" Yamot na tugon ni Deena ng magkita sila sa bahay ni EL. "Alam mo kung nasaan siya ngayon.. She needs someone, Deena." "Pero hindi ako ang kailangan niya, Alyah. Alam mo yan. Ipagtatabuyan niya lang ako.." Giit ni Deena. "Mahal mo siya sabi mo, tapos ito lang hindi mo magawa?" Galit na saad ni Alyah. "Hindi madali yung pinapagawa mo, Alyah. Alam mo ba kung gaano kasakit na makita yung taong mahal mo na nasasaktan dahil sa ibang tao?? She loves that girl!!! Hindi ako manhid!" Kasunod nito ang pag iwas niya kay Alyah. "Alam mo na ngayon ang pakiramdam? That's exactly what EL felt ng piliin mong ipagpalit siya.... Pagtaksilan siya" "It is just a s*x, Alyah...It don't define anything. It's different when love involves..." Malinaw ang malalim na sakit sa tono ng salita ni Deena. May luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. "Whatever! Deena... Are you justifying what you did? Still, you CHEATED... Chose to break her heart into zillion pieces.. So f**k your self-centered s**t up!!" "I did not choose everything that happened that night. I did not plan it. I did not want it, and now I'm suffering with the consequences of that nightmare." "Then make some effort, Deena. Kahit as friend lang kung talagang mahal mo siya.. And by the way, she's attending that damn wedding of Lara. You have to be there with her..." Dagdag pa nitong mas nagpaigting sa nararamdaman ni Deena. "The hell are you doing here, Deena?!" Galit na tambad ni EL ng makita si Deena sa likuran niya. "Baliw ka na ba talaga? Anong nakita mo sa kanya? huh? Ikakasal na yung tao.. Ako nga na isang pagkakamali ko lang isinuko mo agad... Why don't you do that again??" "Lara never cheated as you did, Deena.." Ganti nito na may panunudyo. "Oh, come on! Wake up, EL... Anong tawag mo sa ginawa niyo? I know you have s*x with her.. Kahit na may fiance siya hinayaan niyang may mangyari sa inyo.. What kind of a girl is she? Mahal kita, EL. Let's start all over again. You'll gonna forget her.. Tutulungan kita.." Napasinghal si EL. "You don't understand.. I LOVE HER, Deena. Accept and respect that.." Naiiyak nitong paliwanag. "Mahal mo na agad?!" Napapailing ito at ngiwi na pinipigilan mapahikbi. "It just happened. Even I thought it was just for fun, kinky stuff, and then I just know, felt that my heart beat for her." "Okay, fine.. Kasalanan ko kung bakit tayo naging ganito. Tanggap ko kung may mahal ka ng iba pero.. EL naman.. Piliin mo naman, please.. This is not you.." "Just go, Deena.. Kahit anong gawin mo right now, all I wanted, all I need.. What my heart is asking is only HER..." Umagos ang luha nito sa gilid ng kanyang mga pisngi at ganoon din ang kay Deena. Ngiwi ang labi ni Deena na hindi na kumontra pa. "Then let me be your friend.. Allow me to accompany you.. Don't do it for me but for yourself, EL.." Naninikip ang dibdib niya sa mga oras na iyon pero handa siyang masaktan para sa kapakanan ni EL. Marahang humakbang si Deena palapit sa kanya saka siya nito niyakap. Hindi na niya napigilan mapahagulgol. "I'm so sorry, Deena. I didn't mean to hurt you, but I genuinely love Lara." Tumutulo ang mga luhang hinahagod ni Deena ang likuran ni EL. "Ssshhh.. You don't need to explain.. I understand very well, EL. Be strong.. Andito lang kaming mga kaibigan mo.. I promise.." Mas humigpit pa ang yakap nila sa bawat isa. Hindi niya maitatangging sa mga oras na iyon ay talagang kailangan niya si Deena sa tabi niya. Nang makabalik sila ay medyo maaliwalas na ang mukha ni EL. "Maupo ka.. Ako naman ang magluluto.." Hayag ni Deena na naging abala sa kusina habang si EL naman ay nasa sala. Ilan sandali pa at dumating naman si Alyah. "Hmmm... Ano yun?! Ang bango..." Sambit nito. Napangiti naman si Deena. "Grabe na miss ko din yung luto mo, bakla.." Dagdag pa ni Alyah na napaupo na din sa tabi ni EL. "Ikaw? Pupunta ka pa din ba sa kasal?!" Tumango lang si EL. Nakita iyon ni Deena. "Sasama ako.." Singit niya. "Ako din.." Nakangiting hayag naman ni Alyah. "All right.. Let's support her.." Mapait ang ngiting wika ni EL. "Damn! Support her!?? You are the one who needs support right now.. EL.." Batok naman sa kanya ni Alyah. "Para san yun??" Yamot na ganti nito at binatukan din si Alyah ng mas malakas pa nga. "ARAY NAMAN! Mahina lang yung ginawa ko sayo Ah! Yung sayo parang lalabas na ung utak ko ei," raklamo nito—Tinawanan lang sila ni Deena. "Ngayon ka lang ulit tumawa ng ganyan.." Napatingin si Alyah at Deena sa nasabi niya. "I already forgive you, Deena. I hope you as much as happiness in this life..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD