"Sigurado ka na ba?!" Usisa ni Krizzy ng nasa isang restaurant sila ni Lara habang nag lulunch.
"Oo naman. Ano bang tanong yan.. Gaya ng sinabi mo piliin ko kung anong makakapag pasaya sakin.."
"Masaya ka ba talaga?!" May bakas ng lungkot sa boses ni Krizzy.
"Oo naman. I'm happy.. Isang pamilya ang gusto ko, Krizzy.."
"At hindi maibibigay ni EL kaya si Elton ang pinipili mo??" Natigilan si Lara sa sinabi nito. Sandaling bumalik sa ala ala niya si EL.
Matagal na din niya itong hindi nakita pa ulit matapos ng huling tagpo nila.
"Okay.. Sabihin na natin isa yun sa dahilan. Pero mahal ko si Elton, Krizzy at yun ang malinaw at sigurado ako.."
"Ei si EL? Wala ka bang naramdaman sa kanya?!"
"Alam mo hindi kita maintindihan. Ngayon na okay na ang lahat parang gusto mo akong magdalawang isip nanaman.."
"Hindi sa ganun. Gusto ko lang maging sigurado ka.. Hindi mo na ba siya naiisip? Minsan nahuhuli kitang tulala, Lara.."
"Wow.. Inoobserbahan mo na pala ko ngayon.."
"Nag aalala lang ako sayo, Lara.. Kaibigan mo ako. Matagal na tayong magkakilala.. Alam ko na ang ibang galawan mo.." Taimtim na paliwanag niya sa kaibigan.
"Naiisip.. Minsan. Pero hindi naman sapat yun, Krizzy para itapon ko na lang yung five years namin ni Elton. Isa pa mahal ko siya.."
"Mahal mo nga ba talaga? O yun lang yung pilit mong isinasaksak diyan sa kukute mo??" Sumimangot bigla si Lara sa sinabi niya.
"Change topic.." Sambit niya saka sila bumalik sa pagkaen.
Bigla namang tumunog ang phone ni Krizzy. Napakunot si Lara sa naging asta ng kaibigan.
"Sino yun? Bat dimo sinagot?"
"Wala yun.." Iwas ni Krizzy. "Si Enzo ba yun? Magkaaway ba kayo? Kwento mo naman para hindi puro buhay ko yung topic natin tuwing nag uusap.." Pagbibiro niya. Muling tumunog ang phone ni Krizzy.
Bago pa man ito mahawakan ni Krizzy ay nasilip nasulyapan ng mata niya kung sino ang tumatawag.
"Alyah?? Sinong Alyah??"
"Wala.." Agad na itinago ni Krizzy ang phone niya. Napansin naman ni Lara na may kakaiba sa kaibigan. Pati ang paggalaw ng adams apple nito.
Hindi na siya nag usisa pero may nabuong pag iisip sa utak niya.
"Hello?" Hindi na nakatiis si Krizzy at sinagot ang tawag ng muli itong mag ring.
"Huh?? Saang hospital??" Napatingin agad si Lara sa kaibigan ng may pag aalala.
"Anong nangyari?" Tanong ni Lara kasabay ang pagtayo dahil nagmamadali si Krizzy.
Pagkuha ng bag nito ay agad na tinawag ang waiter para bayaran ang bill. Hindi pa din niya sinasagot si Lara.
Nang nasa loob na sila ng Taxi panay ang kurap ng mata ni Krizzy. Patagong sumusulyap din siya sa gawi ni Lara.
"Sino bang nasa hospital? Si Enzo ba??" Umiling lang si Krizzy. Nakakaramdam na din siya ng kaba dahil ayaw magsalita ng kaibigan niya.
"Malalaman mo na lang pagdating dun, Lara.." Yun lang ay wala ng nabanggit pa si Krizzy.
"Elizabeth Meyer po.." Sagot ni Krizzy sa nurse na gumitlag naman kay Lara.
"What are you talking about, Krizzy? Anong ginagawa ni EL dito??" Puno ng pag aalala si Lara. Halata sa mukha nito ang takot na ngayon lang nasaksihan ni Krizzy.
"Ayan ba ang walang nararamdaman??" Banat ni Krizzy habang nagmamadali na silang makarating sa ward ni EL.
"Alyah.."
"Krizzy.." Agad na nagyakapan ang dalawa at hindi iyon nakaligtas sa mapanuring mata ni Lara. Nakita din niya roon si Deena.
Sunod na natuon ang mata niya sa nakaratay na si EL. Lumapit siya roon ng walang pag aalinlangan.
Tumulo ang mga luha niyang hindi na napigilan at napahawak sa kamay ni EL.
"What happened to her?" Tutok pa din ang mga mata niya.
"She got into a car accident last night.." Paliwanag ni Deena na hindi niya tinapunan ng tingin. Sunod na lumabas si Deena ng tila hindi nito matagalan ang masakit sa matang view.
"Lasing kasi siyang nag drive.." Dagdag na paliwanag ni Alyah.
"Don't worry, Lara. Hindi naman seryoso at sabi ng Doctor pwede na siyang lumabas kahit bukas pa.."
Unti- unting nagdilat ng mata si EL. Ang dalawa naman ay binigyan sila ng privacy para makapag usap na rin.
"You are here.. Sorry.. " Agad na pinahid ni Lara ang luha bago pa man iyon makita ni EL.
"Bat ka nag sosorry. Aksidente yun. Bat ka kasi nag mamaneho ng lasing.."
"Hindi ako lasing.. HEART BROKEN.." Napalunok naman si Lara sa tinuran ni EL.
"Hey.. Hindi sayo.. " mabilis naman na paglilinaw ni EL.
"Congrats nga pala..." Sunod na nasabi ni EL. Nagtaka naman si Lara. "Huh?!"
"Ikakasal ka na diba? Kaya congrats.." Kumunot saglit ang kilay niya ng may kakaibang mapansin kay Lara.
"Aren't you excited?"
"Huh?!" Muling sambit ni Lara. Hindi na inulit pa ni EL ang sinasabi dahil mukhang batid niya na ang nais malaman.
"Why did you came? Ibig sabihin lang ba niyan may pakialam ka pa sakin?" Kumikislap ang mga matang saad ni EL. Agad naman ang pag iwas ni Lara.
"I didn't know.. I'm with Krizzy. Tumawag sa kanya si Alyah.. hmmm.." Muli itong napaharap kay EL.
"What's his real name?!"
"That's his nickname, Alyah." Dahang napatango siya sa sagot ni EL.
Samantala sa labas naman ay seryosong nag uusap si Alyah at Krizzy.
"She didn't know, Alyah, so please don't tell her. " Pakiusap ni Krizzy. Napatingin naman si Deena sa kanilang dalawa na tila naghihinala.
"So, kaibigan ka ni Lara?" Pukaw nito kay Krizzy.
"Ikaw? Kaibigan ka ni Alyah?" Isang tanong din ang itinapon niya rito.
"I'm Deena... I'm EL ex girlfriend.." Pagpapakilala nito. Napataas lang ng kilay si krizzy na napatango.
"I see.. kaya.."
Bigla naman pumihit ng upo si Deena para mas lalong humarap sa kanya. "Ang lakas naman ng loob ng kaibigan mong imbitahan si EL sa kasal.."
"Huh?!" Napuno ng pagtataka ang mukha ni Krizzy. Wala naman nababanggit sa kanya si Lara tungkol roon.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo.." Sagot nito.
"Whatever.. Hindi pa ba enough na ginawa niyang palipas oras si EL habang magulo yung relasyon nila ng fiance niya??" Sa tono ng pananalita nito hindi na napigilan ni Krizzy ang mapatayo.
Maagap naman ang ginawang pagpigil ni Alyah. "Tama na yan, Deena.."
"Wala akong alam at kung ako lang ang masusunod sasabihan ko si Lara na wag imbitahan si EL.." Kuyom ang palad nitong paliwanag.
Tumayo naman din si Deena na napag krus ang mga kamay sa dibdib saka nagsalita ng may pagmamalaki.
"Then tell her again.. " Irap nito saka umalis.
"Don't mind her, Krizzy.. She's still in love with EL kaya siya ganun.." Hayag ni Alyah. Muli silang naupo.