PABALIK na si Lara at Krizzy sa trabaho nila ng magtanong si Lara sa kanya.
"May relasyon ba kayo??" Nagulantang bigla si Krizzy sa tinuran ni Lara. Humarap siya rito agad.
"Of course not.. Wala no.."
"Ei ano yung nakita ko? Ikaw Krizzy.. Ako na nagsasabi.. Base on my personal experience.. Mahirap yan.." Isang hampas naman agad ang ginawad niya kay Lara.
"Maghunos dili ka, Lara.. Ano ba yang sinasabi mo.. Walang something samin nu.. Ikaw ang may dapat ipaliwanag sakin.. Ano yun? Huh?"
"Ang alen?!"
"Ano pa? Yung pagluha mo.. Obvious that you care for her that much.." Agad na bumawi ng tingin si Lara sa sinabi nito.
"Tell me.. Wala ka ba talagang nararamdaman para duon sa tao?"
"Anong point mo, Krizzy. Mababaw lang ang luha ko. Naaksidente yung tao. Normal lang yung naging reaksyon ko. Malisyoso ka lang talaga..."
"Sino kaya sa atin? Aber! Nakita mo lang kaming nagyakap ni Alyah kung anu ano na agad yang mga nasa isip mo.."
"I did not know close ka sa kanya. Tayo nga na years ng magkaibigan hindi naman ganun ka touchy sa isa't isa." Hindi mapakaling panay ang buntong hininga ni Krizzy.
"Enzo is cheating, Lara.." Singhal niya. Nabigla si Lara na napaharap sa kaibigan.
"Huh? Kailan pa?? Kaya ba nag che cheat ka na din at kay Rolland pa talaga.. Kakakilala niyo lang.."
"Bakla siya, okay.." Mas lalo pang nagsalubong ang kilay ni Lara.
"Wow.. Ang daming rebelasyon.. Bat dimo sinabi sakin?!" Agad na pagbawi ni Lara. Napayakap ito sa kaibigan.
"Paano ko naman sasabihin sayo? Dadagdag pa ba ako sa mga iniisip mo..?" Hikbi nitong paliwanag.
"Andun si Alyah ng mahuli ko sa akto si Enzo pero hindi niya alam. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kokomprontahin, Lara o baka.. Baka natatakot ako na iwan niya ko.."
Kumawala sa pagkakayap si Lara saka hinarap ang kaibigan. "Hindi siya kawalan, Krizzy." Galit na nagsalubong ang kilay niya.
"Iwan mo na siya agad.. Kung nasasaktan ka na ng ganyan wala ng sense, Krizzy.. Paulit ulit ka lang niyang lolokohin.."
"Ganun din ba ang gagawin mo kay Elton? Di ba tinigil mo naman yung sa inyo ni EL? Mas nangibabaw yung love mo kay Elton.." Bigla siyang natahimik.
"That's different, Krizzy. I'm not proud sa ginawa ko pero magkaiba kami ni Enzo..." Naging balisa si Lara.
"Nahuli ko siya kasama, hindi babae, Lara.." Bumalik ang hikbi ni Krizzy na napatakip sa kanyang bibig na pinipigilan ang humagulgol pero pilit itong kumakawala sa bigat ng kanyang nararamdaman.
"Anong ibig mong sabihin??" Nagtataka naman si Lara.
"Enzo is gay...." Tuluyan ng lumabas sa bibig ni Krizzy.
"What?? Oh! s**t! That's shit.. Krizzy..."
"Anong nakita niya sa lalaking yun? Hindi na ba siya satisfied sa s*x namin? May mas thrill ba talaga kapag same gender mo? Ganun ba yun, Lara??" Hindi siya makasagot at tila pati siya ay naguluhan na din.
"I don't know what to say, Krizzy. Pero isa lang ang tingin ko dapat mong gawin. You have to talk to Enzo.. He needs to addressed it. Whatever is happening kahit pa masakit.."
"Ang galing mong magsalita.. Hindi mo nga nagawang maging honest kay Elton.."
Tila namuo ang inis sa dibdib ni Lara at hindi na napigilan ang sarili. "Bakit ba napupunta sa amin ni Elton ang usapan? This is not about us.. It's about you and Enzo.." Bahagya itong napasigaw sabay ang pag iwas ng tingin. Pinili niyang ituon ang mata dumungaw sa labas ng bintana.
"I know, Lara. Sorry. It's just that the situation was almost the same. You cheated on him with your same gender and so Enzo, flirting with a guy...
I didn't mean anything to offend you.. Gusto ko lang maintindihan, Lara. Masakit sakin to.. I don't wanna lose him.. Ikamamatay ko, Lara.."
Napasinghap si Lara. Humarap siyang muli para damayan ang kaibigan.
"Nakausap ko nga pala yung Deena. Ex-girlfriend ni EL.. Bakit mo pa ininvite sa kasal mo si EL?!" Pag iiba ni Krizzy sa usapan ng mahupa ang sarili.
"Huh? Hindi ko siya inin vite. At bakit ko naman gagawin yun, Krizzy.. Sira na bako?!" Nagtataka itong napaisip. Si Elton lang ang pwedeng gumawa nun wala ng iba.
Kaya naman ng matapos ang trabaho nagmamadali siyang makauwi.
"Andito ka na pala.." Humalik si Elton sa pisngi niya ng mabungaran siya.
"Why did you do that?!" Yamot niyang tanong.
"Do what?!"
Sandaling tumahimik si Lara. Naisip niyang baka mas lalong maging alanganin ang sitwasyun kung ilalabas pa niya kay Elton ang gumugulo sa kanyang kalooban.
"Nothing.." Napagtanto niyang ipaubaya na lang sa taas kung anong mangyayari sa araw ng kasal niya.
Isang bagay ang kanina pang tumatakbo sa isipan niya na pilit niyang itinatanggi. Si Deena. Kasama ni EL ang ex girlfriend nito.
Pati ang nabanggit sa kanya ni krizzy Patungkol sa pakikipag usap rito ay hindi mabura sa kanyang isipan.
"Nagluto na nga pala ako.. Hali ka na.." Aya sa kanya ni Elton ng nasa kama siya nakaupo matapos makapag palit at malalim ang iniisip.
"Yeah.." Sagot niya lang rito saka tumayo para sumunod. Napadpad naman ang kamay ni Elton sa balakang niya.
She loves Elton. Kaya walang dahilan para umurong sa kasal yun ang pilit niyang pinaniniwalaan at gustong itatak sa isip niya.
Samantala si EL naman ay pinilit ng makalabas ng hospital. Matapos niyang muling masilayan ang ganda ni Lara ay tila mababaliw lang siya roon kung aantayin pa ang bukas.
"Dahan dahan.. Sabi naman kasi bukas na tayong umuwi." Sermon sa kanya ni Deena.
"Andito na tayo sa bahay.." Ganti naman nito.
"Next time isama mo ako or si Alyah kung maglalasing ka.." Atungal uli ni Deena.
"Oo na.. Para kang nanay ko. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.." Nang maiupo siya ni Deena ay agad naman itong bumalin sa kusina.
"You can stay here.. Whenever you want, Deena.." Napasulyap si Deena sa sinabi niya. Bakas ang tuwa rito.
"Sure Ka?!" Tanong ni Deena na abot tenga ang ngiti. Tumango siya bilang pag sang ayon. "Wala ng bawian yan, Huh.." Natutuwang lumapit sa kanya si Deena saka ito yumakap ng mahigpit sa kanya.
Wala na ang dating galit at hinanakit niya kay Deena. Napatawad na nga niya ito at marahil dahil yun sa pagmamahal niya kay Lara, tuluyan na siyang naka move on kay Deena.