17

1028 Words
MALALIM na ang gabi ngunit gising na gising pa ang diwa ni Lara at ganoon din si EL. Kapwa nilang naiisip ang bawat isa. Si Lara na iniling ang ulo sa pilit na pagwaksi sa kanyang isipan si EL. Habang si EL naman na napapangiti na lang sa isiping may pakialam sa kanya si Lara buhat ng pagbisita nito sa hospital kahit pa dahil lang iyon kay Krizzy. Isang katok naman ang pumutol sa mga isipin niya. Marahan siyang tumayo at iniluwa nito si Deena pagka bukas niya ng pinto. "Hindi ka makatulog?!" Nag aalangang tanong ni Deena. Umiling naman siya. "Gusto mo ng tea?!" Alok nito sa kanya at hindi na din niya tinanggihan. Sabay silang lumakad pababa ng hagdan. "Do you still love me?" Maya pa ay naitanong ni EL. "Why do you ask?!" Ganti naman nito habang abala sa paghahanda ng tea. Pinagmamasdan lang naman siya ni EL. "Wala lang. Sorry.." "Sorry for what?!" Si Deena ang nagsalita. "Alam ko na may mga naging pagkukulang ako kaya we didn't end up..." Agad siyang pinutol ni Deena. "Wala kang kulang.. Hindi lang siguro talaga ako marunong makuntento.. Pero alam mo naiinggit ako sa kanya.." "Huh?! Kanino? Wag mong sabihin kay Lara.." Humarap ito kasabay ng pag abot ng tea kay EL. "Yeah.. I envy her.. Never kitang nakitang naghabol ng ganun, EL. Nung araw na pinuntahan ka ni Lara.. Nakita ko kung paano mo siyang hinabol..." Ang mga mata ni Deena ay natuon sa ibang direkyun na animoy naglalakbay ang isipan niya sa himpapawid. "Sa hindi mabilang na pag aaway natin.." Singhal niya. "You never ever ran after me.. You.. You just let me be.." Sabay ang pagpahid nito sa kanyang luha saka muling humarap kay EL. Napalunok si EL bago nagpaliwanag. "Natakot kasi ako, Deena. Ang nasa isip ko kapag masyado akong naging off guard o malambot baka manawa ka at sa huli iwan din ako.." "You are brave now.. I can see that, EL. Wala pa man kayong matagal na pinagsamahan.. Masasabi kong mahal mo na nga siya.." Sunod ang paglabas ng masamang hangin mula sa loob niya. "That day, I knew it. You are already totally over me.." Isang pagtikhim ang ginawa ni Deena para patatagin ang sarili. Ayaw niyang maupos ng tuluyan sa pagkakataon na yun. "It's not your fault.. Binabawi ko yung mga nasabi ko noon.. Hindi mo lahat kasalanan, Deena. Tao ka lang na may expectation at may kasalanan din ako dahil hindi ko yun nakita.. Naging selfish ako at sarili ko lang ang inalala ko. Partly I am to blame too kung bakit tayo naging ganito na ngayon pero Deena. I'm here.. Always..." Napayuko si Deena. "I know..." Sabay pag angat muli ng mukha.. "As a friend.. Sapat na sakin yun ,EL.." Dugtong pa niya. Tumawa si EL kasabay ang paggulo sa buhok niya na parang ginagawa siyang nakababatang kapatid. "Hey! Don't do that.. Ang mahal mag pa straight ng buhok!", Singhal ni Deena. Sabay silang tumawa. Naiiyak na natatawa na lang si Deena. Bumalik sa ala ala niya ang masasayang sandali nila ni EL. DUMATING ang araw ng kasal ni Lara kay Elton. Sa isang malaking simbahan ito gaganapin kung saan lagpas 100 ang mga dadalo at nasa 500 pagdating sa reception. Suot ang mamahaling gown nakatingin si Lara sa malaking salamin. Tapos na siyang ayusan at naiwan siyang mag isa. Sa mga sandaling iyon muling naglaro sa kanyang isipan si EL. Bigla din lumabas ang imahe ni Elton na karga karga ang magiging anak nila in the future. Tila pinapipili siya ng universe sa dalawa. Ang Elton na five years ng karugtong ng bituka niya habang si EL na sandali lang niyang nakasama pero tila matagal na silang magkakilala. Muli niyang binubura sa utak niya ang mga isiping pilit niyang binabalewala. Ilang araw din siyang tila nakikipag buno at nagtatalo ang isip at puso niya. "Ito ang tama. Ito ang dapat.. Lilipas din ang lahat..." Mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Ilan sandali pa at nasa loob na nga ng sasakyan si Lara. Si Elton naman ay hindi mapakali sa kanyang pagkakatayo. Ang mommy naman nito ay panay ang tawag kay Dalhia. Ilang araw na itong hindi umuuwi ng mansion. Nag aalala na siya sa batang iyon at tila wala pa nga atang balak dumalo ng kasal ng kuya niya. "Congrats, kuya.." Bati naman ng isa pang kapatid ni Elton na lalaki. Katabi naman ni Elton ang best friend niya bilang best man niya. "Thanks, Jaime.. Ikaw na ang isusunod na ikakasal.." Ganti niya sa kapatid bago ito bumalik sa pwesto. "Excited ka na?!" Naka ngising saad ng best man niya. Lumapit naman sunod ang isang babae. "Wish you all the best, Elton.." Hindi siya nakasagot sa pagkabigla. Ngumiti na lang ang babae saka umalis. "Anong ginagawa ng ex mo dito, pare?" Pabulong na tanong ng best man niya. "Tanong ko din yan. Baka si mommy. They are close..." Ilan sandali pa at dumating na nga ang bride. Animoy nagliwanag ang loob ng simbahan sa pagpasok ng pinaka magandang dilag sa araw na yun. Kabado si Elton na napatingin sa kanyang paligid. "She should not come.." Bigla na lang niyang nasabi. "Who??" Narinig iyon ng best man niya. "Nothing, pare.." Pagbabale wala niya. "Damn it!" Muli niyang bulyaw ng mahina ng mamataan si EL hindi kalayuan. "Okay ka lang??" nagtataka na tuloy ang best man niya dahil sa asta. Marahan at papalapit na si Lara. Walang paglagyan ang saya ni Elton at hindi na siya makapag antay na marinig ang boses ng pari na magkakasal sa kanila. Inabot niya ang kamay ni Lara ng makalapit na ito ng tuluyan sa kanya. "Okay ka lang?!" Nag aalala naman si Deena para kay EL. Humigpit ang kapit niya sa kamay nito ng walang maging sagot si EL. Panay ang pag angat baba ng dibdib ni EL na halatang malalim ang dinadalang tension. "Magandang umaga sa lahat...." Pagsisimula ng pari. "Ngayong araw ay masasaksihan natin ang pag iisang dibdib ni Elton Anderson at ang magandang dilag sa aking harapan na si Lara Austin.." Taimtim na nakikinig ang lahat habang si Lara ay tila nagsisimula naman ang unos sa kanyang kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD