18

1006 Words
"Elton Anderson, tinatanggap mo ba bilang kabiyak at makakasama sa habang buhay si Lara Austin?" "Yes, po father.." Agad na sagot ni Elton. Ang dibdib ngayon ni Lara ay tila sasabog na sa sobrang kaba at halo halong emosyon na laman nito. "Ikaw naman, Lara Austin, tinatanggap mo ba bilang kabiyak at makakasama hanggang pagtanda, habang buhay si Elton Anderson?" Nanunuyo ang lalamunan niyang hindi makapag salita. Pakiramdam niya anumang oras ay hihimatayin siya dahil sa pag ikot ng paligid niya. Nagsimulang mabahala ang mga tao lalo na si Elton. Hindi mabilang ang pagkurap ng mga pilik mata niya. Ang pasensya niya ay tila mapuputol sa mga tagpong iyon. "There's nothing to worry, Elton.. Baka kinakabahan lang ang bride..", Pagbibiro pa ng pari saka muling inulit ang tanong. "Ms. Lara tinatanggap mo ba maging asawa si Elton?" Naging maikli na nga ang salita nito pero tila ugong lang sa tenga ni Lara ang mga iyon at wala pa ding naging ganti. "Ah... I-" Bakas ang panginginig sa tinig nito. Sumilay ang pag aalala kay EL. At ito na nga.. "I'm so sorry.." Nagsimula na siyang umiyak. Ang nag aalalang mukha ni Elton ay nagawi kay Lara. "I'm so sorry, Elton.. I- I can't..." Binuhat ni Lara ang magkabilang laylayan ng kanyang wedding gown saka atubiling tumakbo at nilisan ang lugar. Uwang ang labing napatingin lang si Elton. Hindi malaman ang gagawin sa mga oras na iyon.. "LARA!!" Malakas na sigaw niya. Sunod namang lumabas si EL. Nakita iyon ni Elton na mas nagpakulo ng dugo niya. "EL!" Bulyaw na awat ni Deena pero huli na. Paglabas ni EL hinanap agad ng mata niya si Lara pero wala ito. "Umuwi na tayo.." Alo sa kanya ni Deena. "No! I have to see her.." Sagot niya. "Ayan ka nanaman.. It's not about you, EL.." Sambit ni Deena pero di nya yun batid at tanging nasa isip ay si Lara. "Fine.. Umuwi na muna tayo.. Tawagan mo na lang siya.." Sumakay sila ng sasakyan. Mabilis na pinaandar ni EL ito na animoy lilipad na. Saka naman dumating ang late na ama ni Elton. "I'm so sorry, son. I'm late.." Paliwanag nito na walang kamalay malay sa mga naging pangyayari. "This is all your fault, Dad.. Wala ka para ihatid ng altar at samahang lumakad si Lara.." Nagtaka naman ang matanda. Bago pa makapag tanong ay agarang nilayasan ni Elton ang lahat. "Oh! My God! What is happening??" Aligaga naman ang mommy ni Elton. Lumapit ang Dad ni Elton rito. "What's going on?!" Tanong niya sa asawa. "Yang magaling mong daughter-in-law!! Ipinahiya ang pamilya natin! This is all your fault! Sinabi ko na sayo walang maidudulot na maganda ang babaeng iyon kay Elton.. Do you believe me now??" Giit nito. Sumulpot naman sa kanyang likuran ang ex-girlfriend ni Elton na hinaplos haplos siya. "Thank god you are here, Mira.." Wika nito. "Lara! Where the hell are you?" "Sorry, Dalhia.. I can't marry your brother.." Tugon ni Lara ng sagutin ang tawag ni Dalhia. Lulan siya ngayon ng Taxi. "I understand, okay.. Hindi mo kailangan mag explain pero, Lara please.. Tell me kung nasaan ka. Pupuntahan kita.." Pag aalala nito. "Kuya give me my bill..." Balin ni Dalhia sa bartender habang nasa tenga pa din niya ang phone at nag hihintay sa sagot ni Lara. Nang mabayaran ang mga nainom ay mabilis na umalis si Dalhia. Hindi man binigay ni Lara ang sagot mukhang alam niya na kung saan ito papunta. Pinasibat agad ni Dalhia ang sasakyan niya ng makapasok at ma start ang makina. "Hang on, Lara.. I'm coming.." Sambit niyang natuon sa daan habang mas lalong humihigpit ang kapit sa manobela. "Baliw ka talaga!" Bulyaw pa niya ng maalala ang ginawa ni Lara. Si Jaime ang nagbalita sa kanya sa biglang pag urong nga sa kasal ni Lara. May saya siyang nararamdaman sa kaibuturan ng kanyang puso at lungkot din naman para sa kapatid na si Elton. "Sa tabi na lang ho, kuya.." Wika ni Lara ng matanaw ang dating bahay. "Lara!?" Sambulat sa kanya ng caretaker ng bahay. "Hello po, Manang.. Dito po na muna ako.." Paliwanag niyang tila maiiyak na. Niyakap naman siya ng matanda ng tila maunawaan nito ang kalagayan ni Lara. Nang makapasok si Lara matapos maibigay sa kanya ang susi agad siyang dumiretso sa dating kwarto at sumalampak sa kama saka humagulgol. Ilan sandali pa at naramdaman niya ang pagdampi ng kamay sa kanyang balikat. "Okay lang ho ako, Manang pasensya na.." Agad niyang nasabi at pinahid ang luha. Pagharap niya ay muli siyang naiyak at napayakap kay Dalhia. Una silang nagkakilala ni Dalhia. Wala pa noon sa buhay niya si Elton. Malapit sila ni Dalhia pero ng maging sila ni Elton ay unti unti ang pag distansya sa kanya ni Dalhia. "It's okay, Lara.. Magiging okay din ang lahat.. You just did what you think is right..." Pang aalo sa kanya ni Dalhia. Makalipas ang ilang minuto ay pumanatag na din ang kalooban ni Lara. Nakapag bihis na siya at nasa sala na sila ni Dalhia at parang walang nangyari. Matiwasay pa nilang napag uusapan ang mga naging kaganapan sa simbahan. "For sure galit na galit si Mommy.." Napatingin si Lara sa kanya. "Normal lang naman na magalit silang lahat, Dalhia.." Ganti ni Lara sa kanya. "No.. not everyone.. Mom don't like you, Lara.." "Huh?!" Naguluhan naman si Lara sa sinabi nito. "Mom still wanted kuya to go back to Mira.." Hayag nito. "Who's Mira?" "You don't know her? Hindi ba siya sayo nabanggit ni kuya?" Sunod namang nagsalubong ang kilay ni Lara. "Sabagay, there's no point.. Ex niya na yun.. Mom is number one fan of Mira kaya lang naghiwalay sila.. We don't know why, and then ng makita ka ni kuya... I guess that's when he started to like you.." "You mean ng dalhin mo ko sa bahay nyu?" Tanong naman ni Lara. "Yup.. that I regret the most.." Humina ang boses nito sa dulo ng mga salita. "What? Anong sabi mo?" "Wala... Ang sabi ko gutom na ko..."Pagdadahilan ni Dalhia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD