"Bakit ka nga pala umurong ng kasal? Don't you love kuya anymore?" Biglang naitanong ni Dalhia. Napayuko naman siya kasabay ng pagbabalik ni EL sa kanyang isipan.
"Is there someone, Lara?" Muling usisa ni Dalhia.
"Hindi ko alam.. What I am sure of right now.. Mali na makasal ako sa kuya mo sa ganitong lagay ng nararamdaman ko.. I still love Elton, pero palagay ko hindi na yun enough para mag stay ako sa kanya, Dalhia. I'm sorry for hurting your brother.."
"Mas masasaktan mo siya kung hindi ka nag step up.. Hindi maling gusto mo lang makasiguro sa feelings mo, Lara.. We all titled on that.. Soon kuya will understand your state.."
"Thanks for being here, Dalhia.." Hayag niya kasabay ang pag kunot ng noo niya.. "Alam mo hindi ko alam kung anong nangyari satin.." Bigla na lang niyang nasabi.
"Huh? What do you mean?" Nagtataka naman na ganti ni Dalhia.
"I don't know.. But I really miss you, Dalhia.. I miss the old days... Our old days.." Napangiti naman si Dalhia sa naibahagi niya.
"Would you stop pacing, EL?" Awat ni Deena sa walang tigil na paglakad ni EL sa sala ng makauwi na sila.
Hawak pa din ni EL ang phone niya at walang palya na tinatawagan si Lara pero ang hindi niya alam ay wala rito ang phone.
"Kailangan ko siyang makita, Deena. Mababaliw ako kakaisip kung hindi ko siya makakausap.." Ilan sandali pa at dumating naman si Alyah kasama si Krizzy.
"Bat kayo magkasama?" Agad na naitanong ni EL.
"Walang something samen, huh.. Baka pati ikaw pag isipan kami.." Maagap niyang hayag bago pa man siya maunahan ni EL.
"Malapit ko na ngang isipin yun, Krizzy kung hindi ko lang alam na bakla yang kaibigan ko.." Nguso niya kay Alyah.
"Hindi ako bakla no.. Babae ako na nasa katawan lang ng lalaki..." Oposisyon naman ni Alyah. Napasinghal lang si Deena.
"Hinahanap mo ba siya? I might know where she is, EL pero baka mas kailangan niyang mapag isa ngayon.." Bumalin sa kanya si EL.
"Tell me. San ko siya makikita?" Agad na napaikot patalikod si Deena sa narinig mula kay EL.
"Seriously, EL? Iniisip mo ba talaga na ikaw ang dahilan kaya siya tumakbo??" Atungal ni Deena.
"Possible naman.." Sabay ang tatlong napatingin kay Krizzy.
"Pero pwede din namang hindi, EL. Ayokong umasa ka pero bago pa man.. Bago ka pa makilala ni Lara hindi na talaga siya panatag.. Lagi silang nag aaway ni Elton. Pakiramdam niya wala siyang freedom..
Sa lahat ng bagay ultimo isusuot ni Lara si Elton ang nasusunod..."
"See... Narinig mo yun, EL.. Kaya, please stop thinking, or should I say hoping na ikaw yung dahilan..."
"Kaibigan ba talaga kita, Deena?!"
"Ayoko lang na mas lalo kang masaktan," paliwanag ni Deena.
"Fine... Sasabihin ko na.." Singit ni Krizzy.
AGAD na nagtungo si EL sa lugar na sinabi ni Krizzy kaya lang sa kasamaang palad hindi niya na inabot pa si Lara doon dahil inaya ito ni Dalhia na magpunta isa sa kanilang villa sa Batanes.
"Wala po ba siya nabanggit kung saan pupunta?" Napailing lang ang matanda.
Para siyang naupos na kandila ng mauwi sa wala ang pagbyahe niya. Buong akala pa man din niya ay makikita na si Lara.
"Hmm, pero may number ako ng kasama niya.." Muling nabuhayan si EL na bumalin sa matanda.
"Sino pong kasama niya, Manang? Kilala niyo po ba?" hindi niya naiwasang maitanong matapos maibigay sa kanya ang numero.
"Dati ng nakakasama ni Lara si Dalhia. Close sila pero hindi ko alam nung kalaunay si Dalhia na lang ang bumibisita rito at kanina ko lang nga ulit nakita si Lara. Nakasuot pa ng gown. Ang tagal na din ng panahong hindi nagawi si Lara dito.
Pinapadala na nga lang niya yung bayad sa akin para sa pagbabantay at paglilinis ng bahay na to.."
"Ganun po ba.. Sige po.. Balitaan niyo po ako kapag naisipan ulit ni Lara magpunta rito.." Kasunod nun ang pag iiwan niya ng number niya sa matanda.
"Sige iha.. Mag iingat ka sa pagmamaneho.. gabi na.." Paalala sa kanya ng matanda.
Habang pabalik ng Manila maya't maya naman ang pagtawag ni EL kay Dalhia na hindi din naman sumasagot dahil masayang kasama si Lara.
"Naalala mo nung unang punta natin dito naka motor lang tayo??" Batid ni Lara ang saya sa tinig ni Dalhia.
Kasalukuyan silang nakatambay sa tabi ng bonfire malapit sa dagat.
"Yeah.. Ang saya natin nun.." Nasabi na lang ni Lara habang pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng mga star.
"Ang tagal na nating magkakilala pero bakit parang wala ka pang pinapa kilala saking boyfriend? Huh?!" Naibulilas ni Lara. Bigla naman ang pagkabalisa ni Dalhia.
Ngayon na ba ang tamang pagkakataon para mag tapat sa kaibigan ng tunay niyang nararamdaman?
"Hindi pa dumadating yung tamang tao... Mali.. Dumating na pero malabo pa ei.." Paliwanag ni Dalhia. Siya naman ngayon ang nagtanong.
"Is there someone kaya ayaw mo na kay kuya?" Naisip niya baka this time sagutin na ni Lara ang kaninang iniwasang tanong..
"Don't worry I won't judge you.." Dagdag pa niya ng mapansin ang pag aalala sa mukha nito.
"I can't consider that person, Dalhia.. Before anything.. Kahit ikaw pansin mo ng hindi kami or ako okay sa relasyon namin ng kuya mo.."
"What's that person's name, though?" Usisa nito habang nilalaro ang buhangin ng stick na hawak.
"Wag na natin pag usapan yun. Tell me about Mira.." Iwas ni Lara. Ayaw niyang maisip si EL.
"Okay.. Si Mira ang una ni kuya bago ikaw. Mas matagal sila I think.. Ilang years na ba kayo ni Kuya?"
"Hmm. 5 years 2 months and 2 days to be exact..." Sabay yuko nito.
"Wow.. Bilang na bilang.. Almost the same.. 6 years I think sila ni kuya.. Mahal na mahal ni kuya yun tsaka kasal na lang din ang kulang.
Childhood crush ni kuya yun ei. Parang anak na din ang turing sa kanya ni Mom.. Ang isang gaya kasi ni Mira ang gusto ni Mom, mahinhin.. Binibining pilina, matalino, nangunguna sa klase at hindi kagaya ko.."
Napaisip naman si Lara sa huling mga salita ni Dalhia.
"What do you mean hindi kagaya mo? There's nothing wrong sayo, Dalhia. Wag kang ganyan sa sarili mo.." Pagpapagaan ni Lara sa kalooban niya.