20

1104 Words
NAUNANG makatulog si Lara ng makabalik sila ng villa. Samantala si Dalhia naman ay saka lang nasagot ang tawag ni EL. "Who's this?" May pagtatakang tanong niya rito. "Sorry to bother you.. Binigay sakin ng caretaker ng bahay ni Lara yung number mo.. Is Lara with you?" Hindi agad nakasagot si Dalhia at naisip agad ang kaninang napag usapan nila ni Lara. Pero ang pinagtataka niya babae ang kausap niya. "She's not with me anymore. May I know who's on the line?" "Sorry. Hindi ako nakapag pakilala. I'm EL.. Friend ni Lara. Nag woworry lang kasi ako sa kanya.." "EL?!" Sambit ni Dalhia sa isip niya. "Kanina pa kami naghiwalay ei.. Sabihan ko na lang siya na tumawag ka kapag nagkita kami ulit.." Pagsisinungaling niya saka agad ibinaba ang phone. Naging malalim ulit ang pag iisip ni Dalhia kung sino ang EL na yun. Familiar ang pangalan sa kanya pero hindi niya maalala kung saan ito unang narinig. KINABUKASAN inabutan ni Lara si Dalhia sa kusina ng magising siya. "Hmm.. Nakakagutom naman yung amoy.." Napukaw niya ang abalang si Dalhia at napaharap sa kanya. "Umupo ka na.. Malapit na tong maluto.." Masayang ganti ni Dalhia. "Kamusta naman ang tulog mo?" May kasabikan sa tono niya. "Okay naman.. Hmmmm.. Thank you ulit, Dalhia.." "Don't mention it," Sabay talikod nito para maghanda. "Wow.. Favorite ko to ah! Naalala mo pa?" Bulalas ni Lara ng makita ang niluto ni Dalhia. Handa na ang lahat para sa umagahan nila. "Grabe namiss ko ang luto mo.." Dagdag pa ni Lara. Natuon lang naman si Dalhia sa mukha nito. May kinang sa mga matang pinagmamasdan lang si Lara. "Huy! Nahipan ka ba ng masamang hangin? Tulala ka?" Nakangiting hayag ni Lara. "Wala.. Namiss lang kita.." Sunod ang pagsandok niya ng kanin at ibinigay kay Lara. "Thanks.." Ganti naman ni Lara saka nagsimulang sumalok ng ulam. "Ahmmmm... Ang sarap, gosh.. Dapat talaga magtayo ka na ng restaurant mo.." Naibahagi nito matapos matikman ang luto ni Dalhia. Noon pa man mahilig na talagang magluto si Dalhia at pangarap nga niyang maging chef at magkaroon ng sariling restaurant. "Nasaan pala yung phone mo?" Biglang naitanong ni Dalhia ng kumakaen na sila. "Hindi ko nga alam ei. Baka naiwan ko sa bahay.." Sagot nitong hindi nakatingin kay Dalhia. "Wala bang maghahanap sayo? Baka nag aalala na sila..." Nakatinging tanong ni Dalhia. Taimtim nitong pinagmamasdan ang mukha ni Lara na matagal niyang inasam mangyari ang ganoong tagpo. Maya pa ay nag ring ang phone ni Dalhia. Si Jaime ito. Batid niyang magtatanong ito tungkol kay Lara kaya agad niyang pinatay ang phone. "Oh! Bat dimo sinagot?!" Sita ni Lara. "Hindi naman importante..."Malinaw niyang sagot. "Kasama ko na yung importante sa buhay ko.." Pahabol niya sa mahinang boses. "Huh?! May sinasabi ka ba??" Pagtataka ni Lara. Hindi nawawala ang ngiti nito sa labi. "So, anong plano mo kapag nagkaharap kayo ulit ni kuya?!" Ang masayang mukha ni Lara ay napalitan ng pagkabalisa. "Wala naman akong choice kundi kausapin siya.." "Kasal lang ba ang hindi natuloy? Kayo pa rin ba?" Tila di paawat ni Dalhia. Gusto niyang malaman kung magbabalikan pa ang dalawa. "Unfair sa kanya kung magiging kami pa din, Dalhia.. After what happened. Dapat kinausap ko na siya bago pa umabot lahat sa ganito. " LUMIPAS pa ang isang linggo bago bumalik sa realidad si Lara. Si Elton agad ang dinatnan niya ng makauwi sa apartment nila. "Lara.." "Elton.. Kailangan natin mag usap.." Bungad niya. "I don't want to hear anything, Lara.. It's fine kung hindi ka pa ready magpakasal pero hindi tayo maghihiwalay.. I have a surprise for you.." Doon lang na realize ni Lara na wala ng pagmamahal ng makaramdam siya ng awa kay Elton. "No, we need to talk, Elton.." "Let's go.. Okay na yang suot mo.." Hindi pagpansin ni Elton sa sinabi niya at agad siyang hinila palabas ni Elton. Walang pagkukubling nasasaktan ng husto si Elton dahil namumula na ang mga mata nito at pilit lang pinipigilang kainin ng sariling pagkabigo. Yun ang unang beses na hindi umangal si Elton sa suot niya. Mga damit iyon ni Dalhia at knowing her, revealing lahat ng mga damit nito pero wala lang yun kay Elton. "San tayo pupunta?!" Tanong niya kasabay ang pagsulyap kay Elton. "Surprise. Makikita mo din pagdating natin roon.." Sagot ni Elton na hindi nawawala ang tingin sa daan. Si Lara nga ba ang masusurpresa? O siya? "You have to go, EL..." Pilit namang pinapauwi ni Alyah si EL dahil papunta nga si Elton. "Bakit ba? Anong gagawin ko sa bahay? Sabi mo magpaka busy ako sa work. Heto na.. ginagawa ko na tapos pinapauwi mo ko.." Napahawi na lang ng ulo si Alyah sa katigasan ni EL. "On the way na si Elton.. EL.." "So?? Okay yun para makapag pakilala naman ako na architect ng dream house niya.." Isang marahas na buntong hininga ulit ang nagawa ni Alyah. "Ang sabi niya kasama niya ang girlfriend niya.. Ibig sabihi.." "He's with Lara..." Tulalang tugon ni EL. "s**t! Bahala ka na nga.." Tanging nasabi na lang ni Alyah. Bumalik si Alyah sa ginagawa.. Buo na nga ang ground floor at nasa 2nd floor siya ngayon ng dumating si Elton at Lara. Naunang bumaba ng sasakyan si Elton saka pinag buksan si Lara. Nakita silang dalawa ni EL. "Ano to, Elton?" Manghang hayag ni Lara saka namataan si EL, nakatayo ito sa tabi isa sa pundasyon ng bahay. Nanigas ang pangang may pang gigil sa kalooban ni Elton ng makita si Lara na nakatingin sa gawi ni EL. Huminga ng malalim si Lara bago muling humarap kay Elton.. "Anong ginagawa natin dito?" "Ito ang surprise ko, Lara. Dito tayo titira, bubuo ng sarili nating pamilya.. ayaw mo ba nun?" Garalgal ang boses nito. "I'm so sorry to break that, Elton pero I don't think so mangyayari pa yun.." Agad na hinapit ni Elton ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. Iginaya siya ni Elton papasok ng bahay na puro bato pa lang. "Small world alam mo ba? Hindi ko alam na si Elizabeth Meyer na architect ng dream house natin pala ang EL na kaibigan mo, Lara.." Litanya ni Elton ng makita si EL. Napalunok naman si Lara. Ramdam niya ang paghigpit lalo ng kamay ni Elton sa kamay niya. Pasimple siyang kumakawala sa hawak sa kanya ni Elton pero lalo lang itong humihigpit. "Elton, nasasaktan ako.." Mahinang sambit ni Lara pero malinaw iyon sa pandinig ni EL. Nagsisimula ng pumagitan ang tension sa kanilang tatlo. Gigil ang mukhang sumabog na si Elton.. "Masasaktan ka talaga kapag pinagpatuloy mo ang kalokohan mo!" Dagundong sa loob ang galit na boses ni Elton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD