21

1144 Words
Akmang lalapit si EL.. "Wag ka ng makisali, EL.." Maagap siyang napigilan sa balikat ni Alyah. Punit ang mukhang napatingin lang si EL kay Alyah. Parang may bagyong biglang namuo sa loob niya at handa itong manalasa. "Uuwi na ako, Elton.." Pigil pa din si Lara sa kanyang sarili. Ito ang unang beses na masigawan siya ni Elton at makitang ganun kagalit ito. "No! You are not going home.. At san ka pupunta ha?? Tataguan ako? How could you do this to me, Lara?? I gave everything to you.." Sa mga salita ni Elton bakas ang lubos na pagkawasak ng puso niya. "Please, Elton.. Not here.. " Pakiusap ni Lara kasabay ang pagtulo ng luha niya na agad din niyang pinahid. Ramdam niya ang pagkahiya sa presensya ni EL at Alyah at ng iba pang trabahador na anduon. Pasimpleng pinaalis naman ni Alyah ang mga ito. "Bakit? Ngayon ka pa ba magkakaroon ng hiya? After you ran away from our wedding? Tell me.. What's wrong? Anong hindi ko nagawa para ganituhin mo ako?!!" May diin sa bawat bitawan ni Elton. "Fine! Dito mo gustong mag usap?!" Pagtataas ng boses ni Lara. "Tutal ikaw naman lagi ang nasusunod. Hindi ba?!" "What?? What are you trying to say? Na nasakal kita? Wala kang freedom? Ganun ba? Palagi kitang tinatanong kung anong gusto mo, Lara... Ikaw ang may problema!" Ngiwi ang labing napaiwas ng tingin si Lara. Panay na ang pagragasa ng mapait niyang luha. "See.. You will never understand kasi sarado ang utak mo..!!" "f**k s**t, Lara.. Is this about your work? I told you already... Didn't I fix that one?" "It's too late, Elton.. Mali ako kasi hinayaan kitang patakbuhin ang buhay ko.. Kasi... Kasi ganun kita kamahal, Elton pero hindi mo alam.. Wala kang pakialam.. Na hindi na ako makahinga...." Giit nito. "Bawal lumabas ng hindi ka kasama.. Bawal ang ganitong suot.. Bawal kainin yan..." Magkahalong iyak at tawa ang kumawala kay Lara. "Ultimo pagtawa ng malakas BAWAL!! Can't you imagine that?? Huh?? Baka nga kaya lumayo pati ang loob ni Dalhia sakin dahil sayo!" "What?! Bakit nadamay pati kapatid ko dito?!" "I don't know, Elton.. Simula ng maging tayo unti unti ng nabago ang lahat ng hindi ko namamalayan dahil sa sobrang pagmamahal sayo! Unti unti, Elton.. Yung saya napalitan na lang ng lungkot..." Panay ang pag iling ni Elton sa hindi niya mapaniwalaan na sinasabi ni Lara sa kanya. "Hindi ko na kilala ang sarili ko.. I'm so so sorry.. Kung pinaabot ko pa sa point na to pero hindi ko na kaya.. Tama sila.. Love is not enough, Elton. This is not what I want... I'm sorry.." Kasunod ang pagtalikod niya. Pinagsisipa naman ni Elton ang anung bagay na makita sa palibot niya. DAHIL sa sobrang galit ni Elton hindi nito namalayang makakagawa na siya ng masama. Isang araw nagulat na lang si EL ng tanggalin siya sa trabaho. "Sir, hindi niyo ko basta pwedeng tanggalin na lang ng walang rason.." Halos lumabas ang lahat ng litid ni EL. "Sorry pero hindi mo alam ang binangga mo, Ms. Meyer.." Iiling lang itong tinalikuran si EL. Hindi malinaw kay EL kung anong ibig sabihin nito sa binangga. Tanong niya sa sarili kung sino ang mapangahas na gumawa nito sa kanya pero wala siyang maisip. Sa tagal niyang nabubuhay wala siyang maalala na naging kaaway. Maliban na lang kung may client na nagkimkim ng lubhang galit sa kanya dahil sa ilang pagtanggi niya sa mga project kapag hindi si Alyah ang Engineer. "Kumalma ka na muna.." Maagap naman ang pagdamay ng kaibigan sa kanya. "Marami pang firm diyan.. Kawalan nila ito hindi mo kawalan, EL. Wag kang mag alala dahil mag reresign na din ako.." "No! Alyah.. Ang tagal mo na dito.. Wag.. I can handle this." SAMANTALA tuluyan ng umalis si Lara sa poder ni Elton. Bitbit lahat ng gamit ay naiwang tila nasisiraan na sa ulo si Elton. Tulala itong hindi gumagalaw. Ni pagkurap ng mata at panay lang ang pagtulo ng mga luha niya. Dumating naman si Mira para saklolohan siya. "Get out!!" Bulyaw niya kay Mira. Hindi naman patibag si Mira at nanatili pa din. "Hindi lang siya ang babae sa mundo, Elton! Wag kang hangal!" Sunod ay ang marahas na pagsakal sa kanya ni Elton. Para na itong nasaniban ng masamang espirito. "Ahh! El-elton.." Impit ang boses ni Mira na napahawak ang dalawang kamay sa mahigpit na pananakal sa kanya ni Elton. Nanlilisik ang mga matang hindi tumitigil si Elton. "Who are you to talk to me like that?? Huh?? Pare parehas lang kayo! Wala kang pinag kaiba kay Lara! Isa ka ding taksil!" Madilim ang mga titig nitong mas humigpit pa ang pagkakasakal kay Mira. Namumutla na ang mukha ni Mira dahil sa pagkawala ng hangin sa sistema niya. Konting sandali pa at mapapatay na nga siya ni Elton. "Kuya!!!" Mabilis na tumakbo si Jaime palapit sa kanila. Marahas niyang itinulak si Elton. Bumagsak ito sa sahig at maagap naman niyang tinulungan si Mira na naging malala ang pag ubo. "Okay ka lang??" Buong pag aalala ni Jaime. "Get out!!! Take that girl OUT!" Bulyaw ni Elton. Pati si Jaime ay nabigla sa inasal ng sariling kapatid. Ngayon lang niya nakitang ganun si Elton. "He needs help, Jaime.. Baka saktan niya uli ang sarili niya.." Litanya ni Mira ng nasa labas na sila ni Jaime. Nagtaka naman ito. "Hindi naman baliw si kuya para saktan niya ang sarili niya, Mira.." "Matagal kami ng kuya mo, Jaime.. Don't you think I know him better than you?" Napaisip naman si Jaime. Tama si Mira. Naalala niya uli ang mukha ng kapatid kanina. Para itong ibang tao. Malayo sa kuya na kinalakihan niya. "Is that the reason naghiwalay kayo?!" "Let's go to your mom, first.. She needs to know.." Ito ang naging sagot ni Mira sa tanong ni Jaime. Hindi na din kumontra pa si Jaime at sumunod na lang sa suggestion nito. "Nagustuhan mo ba tong bago mong bahay?!" Masayang tanong ni Dalhia ng masamahan niya at matulungan si Lara sa pag lilipat. Wala siyang kamalay malay na habang nag aantay kanina sa paglabas ni Lara ay nakatingin lang sa bintana si Elton. "Thank you ulit, Dalhia.." Sandaling nagtama ang mga mata nila. "May gusto sana akong itanong..." Saka lang nawaglit ang mga tinginan nila. "Ano yun? Anything but not about boyfriend or anumang tungkol sa lalaki, please Lara.." Natawa naman si Lara. Pero hindi yun nagtagal at muling naging seryoso. "Kaya ka ba lumayo sa akin dahil sa kuya mo?" Sa tanong na yun ni Lara muling bumalik kay Dalhia ang masamang mga ala ala na pilit niya ng binura at binaon sa limot. "Hindi naman ako lumayo, grabe siya.." Saad nito at pasimpleng umiwas. "No.. Dalhia.. May mali.. Ngayon ko lang ulit naisip.. Simula ng maging kami ng kuya mo may nagbago, Dalhia.. I know it now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD