Ilang araw na ang nakakalipas mula ng magtungo si Third dito pero hindi parin nawawala ang inis at galit ko hanggang ngayon lalo pang nadagdgan dahil wala parin si Saiven sa oras na kanilang usapan.
''Nakakainis, hanggang ngayon ba naman wala parin si Saiven? Alam naman n'yang may usapan kami, pero bakit hanggang ngayon wala pa rin ito?'' himutok ko sa sarili ko bago ko tinignan ang relo ko sa kaliwang pulso. Kahit kailan talaga ito kausap laging wala sa hulog, hanggang sa bigla bumukas ang pinto ng kwarto, at iniluwa si Saiven, may dala itong tuta na kasing laki lang ng kamay ko at saka nito biglang iniabot sa akin.
''Regalo ko happy birthday!'' sabi nito na ikinangiti ko, nawala lahat ng inis na naramdaman ko kanina, ng makita ko ang maliit na tuta na masayang dinidilaan ang kamay ko. '' Ang cute.'' naisatinig ko, bago ako tumingin kay Saiven. Nakalimutan ko birthday ko nga pala ngayon. Sa loob ng tatlong taon, ito ang laging nagpapaalala ng kaarawan ko, dahil mula ng mamatay ang anak ko, ng hindi manlang nararanasang isilang sa mundo, nawalan na rin ako ng ganang ipagdiwang ang kaarawan ko. Bulong ko sa sarili ko sabay buntong hininga.
''Di kana nagsalita dyan? May problema ba tigre?'' tanong nito. Tigre ang tawag nito sa akin pag kaming dalawa lang ang magkasama.
''Wala naman, naisip ko lang sa loob ng tatlong taon, ikaw lang palagi ang nagpapaalala ng kaarawan ko. Sa totoo lang nakalimutan ko na ata talaga na i-celebrate ang kaarawan ko. Mula kasi ng mawala ang akin anak pakiramdam ko parang wala akong karapatan na icelebrate ang birthday ko. Dahil mismong ang anak ko ay hindi nakaranas na mabigyan araw o date ang birthday nito. Alam mo naman 'di ba nasa sinapupunan kopa lang ang anak ko ng nawala ito.'' mahabang sabi ko kay Saiven saka ako pumikit ng mariin at saka tumingln sa akin ng tuwid.
''Hayan ka na-naman, pag-ganyan ka ng ganyan bubuntisin na talaga kita.'' sabi ni Saiven na ikinalaki ng mga mata ko.
''Gag* ka anong bubuntisin mo ako? Baka gusto mong pukpukin kita sa ulo.'' banta ko dito na ikinanguso nito.
''Alam mo ikaw para binibiro ka lang papatay kana.'' nakangiti nang sabi nito.
''Kasi 'yang biro mo hindi nakakatuwa. Alam mo naman na kailangan ko pang maipag higanti ang anak ko kay Third at sa Rein na iyon.'' inis na sabi ko dito na nag paalala na-naman sa akin ng nakaraan.
******************
''tumigil kana sa kakaiyak Megan, mag-palakas ka mag-pakatatag at pag kaya mo na saka tayo lalaban sa kanila.'' seryosong sabi ni Saiven sakin habang tinatapik nito ang balikat ko.
Pasimple kong muling tinignan si Third at Rein habang nakayakap si Rein kay Third.
''Ang mga walang hiyang 'yan hinding-hindi ko sila mapapatawad Saiven. Hinding hindi kailanman.'' may giit at puno ng galit na sabi ko habang nakatingin sa dalawa.
Mula ng araw na iyon inalam ko lahat ng lakad ni Third at napag alaman ko na nalulon ito sa sugal at sa bar. Marami narin naibentang mga ari-arian. Kilala na rin itong talunan at pagiging palaaway laging laman ng prisinto at kung hindi dahil sa pangalang Montregal hindi s'ya makakalaya sa kulungan.
Lahat ng 'yon dahil sa pangalan ko dahil ako lang ang nag-iisang tunay na Montregal.
Pero sa hindi inaasahang pangyayari nabagong muli ang takbo ng buhay ni Third, hindi na ito muling tumuntong sa ibang bar o nagp~akalasing gaya ng dati. Isang bar nalang ang pinupuntahan n'ya ang bar kung saan pag-aari ng Montregal. Tumigil na rin ito sa pag-susugal at higit sa lahat inumpisahan nang muli ni Third ang pag-hahanap n'ya sa kinaroroonan ko at sa hindi inaasahan na sandali natunton ako nito at muling ginulo ang buhay ko.
Habang si Rein na isa sa sumira sa buhay ko ay biglang nag-pakasal naman kay Maru. Matapos n'yang sirain ang buhay ko, kakawala rin pala siya sa anino ni Third bakit hindi pa noon na buhay pa ang anak ko. Kahit kailan hinding hindi ko mapapatawad ang dalawang tao na 'yon.
Nasa gano'n akong sitwasyon ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko.
************
''Saiven'' na isatinig ko, lumapit ito sa akin at saka pinahid ang luha ko.
''Ang hina mo pa rin.''
''Hindi ah.'' pag-sisinungaling ko. Saka ko tinignan ang kamay ko ng maramdaman kong kinukuha ni Saiven ang maliit na tuta.
''Kabibigay ko palang sa'yo ng tuta hindi pa nagkakapangalan pinapatay mona. Kawawa naman walang kasalanan 'yung tuta.'' birong sabi ni Saiven na ikinangiti ko.
''Sira may pangalan na s'ya. Siya na si Saigan.'' sabi ko dito na ikinakunot ng noo nito. '' 'Wag tanga combination ng pangalan natin 'yung name n'ya. Saive and Megan.''
''Bagay sa kanya, atleast may anak na tayo, kasal na lang ang kulang.'' sabi nito.
''Kasal mo mukha mo. Hanggat hindi pa unnul ang kasal ko kay Third wala ka pa rin pag-asa.'' sabi ko dito na ikina simangot nito. Lalo na ng biglang lumapit ang isa sa mga maid at sinabing nasa labas na naman si Third dahilan ng biglang pagbago ng aura ni Saiven.
''Talaga bang hindi titigil ang lalaking 'yon kakapunta dito.'' inis na sabi ni Saiven kaya naman bigla akong kinabahan sa mangyayari. Tumayo kasi si Saiven at agad na nag-tungo sa kwarto nito. Alam ko ang gagawin nito at tama nga ako pag-labas nito ng kwarto ay agad kong nakita ang baril na hawak nito. Kilala ko si Saiven hindi ito ang tipo ng magtututok ng baril saka magtatanong dahil hindi ito nagbibiro.
''Saiven anong gagawin mo?'' tanong ko dito habang hinahabol ko ito.
''Papatayin ko ang lalaking 'yon.'' Walang gatol na sabi nito. Hindi ko na magawang awatin pa si Saiven dahil sa tangkad nito inilang hakbang lang nito ang hagdan pababa at mabilis na nag-tungo sa harapan ng pintuan at agad na binuksan, saka walang ano anong tinaas ang baril at itinutok agad sa labas. Pero biglang natigilan si Saiven, habang nan-lalaki ang mga matang nakatingin sa labas. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Saiven para tignan ang dahilan ng matinding gulat nito. At ng makita ko biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ng nakita ko sina Third at Rein magkasamang nakatayo sa labas.
''Anong ginagawa n'yong dalawa dito?'' malakas na sigaw ko saka ko mabilis na inagaw kay Saiven ang baril at walang kaabog abog na ipinutok ko. Pero hindi sila natamaan dahil biglang inagaw ni Saiven ang baril ko at kinuha. Napatingin ako sa dalawang nakatayo parehas silang hindi makapaniwala na ipuputok ko agad ang baril na hawak ko. ''Pasalamat kayo kinuha niya ang baril dahil kung sa akin lang papatayin kona agad kayong dalawa. Tandaan mo Third pinalaki ka lang ng Daddy ko bilang Montregal. Pero ako tunay at dugo ng Montregal ang nananalantay sa buong pagkatao ko. Kaya 'wag kang magtaka kung sa susunod na pagtutok ko sa inyo ng baril ipuputok ko agad sa mga utak ninyo.'' malakas at puno ng galit na sigaw ko. Nakita kong nag-tatangkang lumapit sa akin si Third pero agad na inawat ito ni Maru, naririto rin pala ito?
''Pasens'ya na Megan, sa susunod na lang kami pupuntang muli.'' sabi nito na agad kong inilingan.
''Kahit 'wag na kayong pumunta hindi ko kailangan na makita pa kayo. Ang tanging habol ko lang sayo Third ang pirma mo sa unnulment natin dalawa.'' sabi ko dito saka ako mabilis na tumalikod.
''Megan, patawarin mo sana ako.''
''Hinding hindi kita mapapatawad hayop ka.'' 'yun lang at saka ako mabilis na umakyat ng kwarto at nagkulong.
To be continue.