bc

Marrying My Enemy: THE REAL MONTREGAL R18

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
revenge
HE
second chance
arranged marriage
badboy
billionairess
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Akala ko matigas na ako dahil sa dami ng mga pinagdaanan ko pero nagkamali ako. Nakalimutan ko mas tunay na Montregal nga pala ang asawa ko.Dahil mas matigas ito, at mas puno ng galit ang puso nito.Kasalanan ko kung bakit ito nagkaganito nawalan kami ng anak at yon ay dahil sa kasalanan ko.Naging mahina akong tanggapin sa sarili ko na mahal ko ito at mahalaga na ito sa akin.Kaya ngayon paano koba aamuin ang asawa kong gusto ng kumawala sa pagigïng asawa ko.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tahimik akong nakamasid sa malayo habang nagpapahangin inaalala ko ang mapait na nangyari sa amin ni Third. Magdadalawang taon na ang lumipas mula ng mawala ang anak namin ni Third. At sa tuwing naiisip ko ang baby ko na 'di manlang naisilang dahil sa pagtataksil ni Third sa'kin ay bumabalon ang galit sa puso ko. Nasa ganun akong pag-iisip ng maramdaman ko ang mga yabag na papalapit sa akin dahilan para maging alerto ako at hinarap ko ito. Napailing nalang ako ng makita ko si Seiven na nakangiti sa akin habang lumalapit. ''Ang galing mona talaga Megan. Hindi ko akalaing ganyan ka kabilis matututo.'' nakangiting sabi nito sa akin habang iniaabot ang wine glass na may lamang wine. Agad ko itong inabot at sumipsip ng bahagya. ''Kailangan eh!!'' maigsing sagot ko dito matapos kong humigop ng wine, na sinang ayunan naman nito. ''Siya nga pala napag-alaman kong na sa ayos na muli ang kumpanyang hinahawakan ni Third.. Hindi na rin ito lumalabas at umiinom o nakikipag away. Naka focus na ito sa company n'yo at higit sa lahat hindi pa rin ito tumitigil sa pag hahanap sa iyo.'' sabi nito sa akin na bahagya kong ikinangiti ng mapakla. Matapos niya akong pabayaan at saktan hahanapin niya ako? Nakakatawa. ''Ang pait naman ng ngiti na 'yan?'' nakangiting sabi nito saka muling sinalinan ang baso ko ng wine. ''Hindi ko kasi akalaing makakaahon pa siya. Mas gusto kong bumagsak siya, mahirapan at mawala ang lahat ng meron siya. Gusto kong magpakita sa kanya na walang wala na siya.'' may galit na sabi ko kay saiven na inilingan lang nito. ''Talaga bang hindi mo na kayang patawarin ang asawa mo?'' biglang tanong ni Saiven sa'kin na nag-paangat ng kilay ko bago ko ito hinarap. ''Saiven alam mo ang hirap na dinanas ko mula ng mawala ang anak ko. Kung hindi mo pa ako tinulungan noon malamang wala na ako ngayon, tuluyan na siguro akong nalunod nang araw na iyon.''mahinang sabi ko bago ako tumingin ng diretso dito. ''Tuloy parin ba ang plano? Pero hanggang ngayon balita ko sa abogado ay ayaw pa rin 'daw pirmahan ni Third ang unnulment papers n'yo paano ang plano mo ngayon n'yan?'' tanong nito sa akin na inilingan ko. Wala pa kasi talaga akong matinong plano. Lumipas ang taon pero hanggang ngayon hindi ako makapag isip ng plano. Nasa ganun akong pag iisip ng muling nagsalita si Saiven dahilan para muling mag balik ako sa ulirat.. ''Kinasal na nga pala si Rein....'' biglang sabi nito. ''Talaga? At kanino naman? Imposibleng kay Third dahil hindi pa kami hiwalay.'' sabi ko dito na ikina ngiti nito. ''Curius ka ba kung kanino?'' ''Kanino ba?'' tanong ko dito na agad din naman nitong sinagot. ''Kay Maru..'' biglang sabi nito na ikina tango ko. ''Talaga?'' tanging nasabi ko. '' 'Di nasaktan ka? Yung first love mo iba ang napangasawa.'' biglang sabi ko dito dahilan para umasim ang pag mumukha ni Saiven at biglang umalis. ''Hoy! Kinakausap pa kita.'' tawag ko dito pero hindi na ako nito nilingon pa. ''Nag umpisa siya ng issue tapos magagalit siya. Magkaroon ka nga naman talaga nang may sayad na kaibigan hindi ka matuwa.. Tama ang pagkakaintindi n'yo. Si Saiven at ako ay magkaibigan lang. Hindi gaya ng sabi ko kay Third na boyfriend ko ito. Nasa ganun akong pag iisip nang biglang may nag doorbell. Agad na tumakbo si manang para silipin kung sino ang taong nasa labas. ''ma'am Third 'raw po.'' biglang sabi nito na nagpataranta sa buong katawan ko. Anong ginagawa nito dito sa bahay ko? Tanong ko sa sarili ko bago ako taas noo na lumakad patungong pintuan. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Third, may hawak itong napakalaking teddy bear at mga bulaklak. ''Anong ginagawa mo rito?'' ''Para sa iyo!'' ''Hindi ko kailangan ang mga 'yan. Itapon mo kung gusto mo.'' may diing sabi ko dito saka ko ito tinaasan ng kilay. ''Pinasadya ko ang lahat ng ito. Ako ang nag ayos ng bulaklak nagpaturo ako. Pati ang teddy bear na ito ako mismo ang nagtahi nagpatulong ako. Gusto kong makabawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa 'yo at sa mga nawalang pagkakataon sa atin. Megan patawarin mo ako'' mahabang sabi nito na nagpatawa sa akin. As in tawa talaga. ''Ano? Patawarin ka? Wag kang magpatawa hindi mangyayari 'yon. Umalis ka dito, kung babalik ka dito dapat pirmado mo na ang unnulment natin. Hindi ko na gusto na maging asawa ka. Gusto ko ng lumaya sa 'yo. At isa pa wala na akong pag mamahal sa'yo.'' taas noo kong sabi dito na nagpalaglag ng mga balikat nito. ''Hindi na kita kayang mahalin Third.'' muling sabi ko dito. Pero sa gulat ko bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. ''Hindi ako papayag, ayoko ng mawala ka pa sa akin. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lamang sa akin.'' ''Wala ng babalik Third hindi na kita mahal.'' sabi ko dito saka ko buong lakas na itinulak ito. ''Pero Megan.'' mahinang sabi nito na hindi kona pinatapos pa. Tumawag na ako ng bodyguard para paalisin si Third. ''Paalisin n'yo ang taong 'yan. Pagkatapos isarado ang pinto. At sa susunod na pupunta siya dito itanong n'yo muna kung nakapirma na siya sa unnulment at pag hindi pa 'wag na 'wag n'yong papapasukin ang taong 'yan kung ayaw ninyong mawalang ng trabaho maliwanag ba?'' utos ko sa mga bodyguard na agad namang tumalima. Agad na hinawakan ang braso ni Third at inaya palabas. ''Megan mag-usap tayo.'' ''Sir umalis na kayo.'' mahinahong sabi ng guard. Pero habang pinipilit ng mga ito na palabasin si Third ay may biglang sumigaw. Napatingin ang lahat kay Seiven dahil ito pala ang sumigaw. Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan ni Third at walang sabi sabi na sinuntok ang mukha ni Third dahilan para bumagsak ito sa semento. ''Sa susunod na lumapit ka kay Megan papatayin na kita.'' banta ni Seiven bago tumalikod at kinuha ang kamay ni Megan at mabilis na lumakad papasok ng mansyon. Habang si Third ay dahan-dahan tumatayo habang pinupunasan ang pumutok na labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook