3RD PERSON POV NGAYON nga ay naglalakad na sila pabalik sa campus mula sa parking lot. Tahimik lamang sila at walang imikan, dapat ay sanay na siya sa ganito nilang set up sapagkat hindi naman talaga pala-imik si Kyle, pero iba ang pakiramdam niya sa katahimikang taglay nito ngayon. Nagsimula lamang ang lahat kanina matapos ang tawag na natanggap nito. Nang makabalik ito sa kanya ay medyo dama na niya ang kakaibang bigat sa aurang napabalot dito. Hindi naman niya magawang itanong kung sino at tungkol saan ang pag uusap na naganap kanina. Ayaw niya ni Jhe na pilitin si Kyle na magsalita sa bagay na hindi ito kumportableng pag usapan. Pero kahit medyo awkward ang atmosphere sa kanilang pagitan ay mabilis na naglaho iyon nang maramdaman niya ang kamay nito na humawak sa kanya. Napalingon n

