3RD PERSON POV HINDI KATULAD ng inaasahan ni Jhe, hindi naging magkasundo sina Rona at Ken, paano ba naman ay magka-ugali ang dalawang ito, parehas maingay, makulit at madaldal. Kaya naman naiinis ang dalawa sa isa't isa. Akala pa naman niya ay magkakasundo ang mga ito. Habang nagpapatuloy din ang palaro ay nakilala nila si Bella ang mabait at masayahing girlfriend ni Ken. Napakaganda nito at masayahin din tulad ng boyfriend nitong si Ken kaya naman mabilis rin nila itong naging kaibigan. Dahil sa dami ng mga larong kanilang nasalihan ay halos bumigay na ang kanyang tuhod sa pagod, pero dahil sa nararamdamang saya ay walang nakapigil sa kanya para magpatuloy. "Should we rest for a while?" "Ha? Pagod ka na ba, Dude?" tanong pa niya habang nagpupunas ng pawis gamit ang kamay. Wala kasi

