Chapter 6

2364 Words
JHE POV MATAPOS ang pagnilay-nilay ko sa sala, sumunod na din ako sa kanila, syempre naman gutom na din ako. Naabutan kong nagsimula na ang pag-iinterview ni mader kay Dude. "Utoy ano bang pangalan mo?" "Kyle Luris Buenavista po---" napatigil pa ito sapagkat hindi niya alam ang itatawag sa aking mga magulang. "Naku, Inay at Tatay na lang ang itawag mo samin ha," sabi pa ni pudra, kaya napatigil ako sa paglalakad. Aba't mukhang natutuwa si father dear sa kanya ha. Buti na lang rin at wala pa ang kuya ko dahil busy pa sa mga project at school matters niya, matinding mang-interogate yun at siguradong hindi ako nun titigilan sa katatanong kung narito iyon. "Sige po nanay, tatay," dahil sa sinabing yun ni Dude ay lalong napangiti ang aking mga magulang. Napaka galang kasi niya ah. 'Aba't pwede naman pala siyang magtagalog, pero pag ako ang kausap ay halos dumugo na ang ilong at tenga ko sa kaka-english niya, hayss unfair din.' Napailing na lang ako. Minabuti ko na lang na sumalo na din sa hapagkainan habang abala silang nag uusap. "Neng saan mo ba nakilala itong si Kyle?" tanong ni mader sa akin, habang nagsasandok ako ng kanin papunta sa aking plato. "Ah sa jeep ko po siya unang nakita, sunod ay sa simbahan kasi nagpaperma din pala siya ng mass attendance niya doon. Tapos ayun po naging magkaibigan na kami," pagsasalaysay ko pa sabay ngiti para hindi na sila magtanong pa. "Ganun ba, mabuti at naisipan mo siyang isama dito sa atin." Nagbitaw pa si mader ng isang ngiti habang itinataas-baba ang kilay nito na para bang nang- aasar. "Po? Naku hindi po sa ganun, hindi ko siya dinala dito para ipapakilala sa inyo, papainumin ko lang sana siya ng tubig eh. Hehe... atsaka naiwan niya po kasi yung sasakyan niya diyan sa may tabing kalsada---Babalikan lang dapat nya," natataranta ko pang sabi habang nagpapaliwanag sa kanila. Matapos ang magulo kong pagpapaliwanag, napatakip na lamang ng bibig si mudra at pudra para di mahalata ang ngisi ang kanilang malapad na ngisi. Nang mapatingin naman ako sa harap kung saan si Dude naka upo, pansin ko na nakatungo lang siya at hindi rin naman kumain. 'Ano na naman kaya ang problema niya? Baka hindi sanay sa pagkain ng mahirap.' "Ah ayos lang yun, mabuti na rin at na-imbitahan mo siya dito sa atin, medyo nagulat lang kami dahil hindi ka naman nagsasama ng kaibigan mo dito." "Tama ang nanay mo neng, masaya kaming makilala ang kaibigan mo." Napapatango pang saad ng aking mga magulang kaya sumang ayon na lamang ako sa kanila. May mga kaibigan din naman ako sa school, kakaunti nga lamang kaya di ko na sila na-iimbitahan na pumunta dito sa amin. Bukod pa roon, wala din naman masayang gawin dito sa bahay namin. ▼△▼△▼△▼△ 3RD PERSON POV HABANG nag uusap si Jhe at ang mga magulang nito. Hindi maiwasan ni Kyle na di mapayuko dahil sa kakaibang sayang nararamdaman. 'Its that so, she's not usually bring friends here, I think I'm exceptional and that's feel great,' isip-isip pa ng binata habang itinatago ang ngisi na nakapaskil sa gwapo nitong mukha.'I feel so special.' Dahil sa narinig ni Kyle na saad ng nanay at tatay ni Jhe ay naitaas niya ang kanyangg ulo at binigyan ng isang tipid, pero matamis na ngiti ang dalagang katapat sa hapagkainan. Sa halip na pamulahan ito ng pisngi, inis at bored lang na tiningnan siya nito. Sa mga ganitong simpleng bagay, nararamdaman niya at nakikita niya ang pag kakaiba ni Jhe sa ibang babae na kanyang nakakasalamuha. ▼△▼△▼△▼△ HABANG naghihintay si Ken sa living room ng mansion ni Kyle, hindi nito maiwasang di mapabuntong hininga habang inip na napapatingin sa dumidilim nang kapaligiran sa labas ng mansion. 'Hays, gabi na ah, alas singko pa yata nang dumating kami dito at magsimulang maghintay kay captain, tapos ano nang oras? Alas syete na aba't wala pa rin, saan kaya yun nagpunta?' kunot na ang kanyang kilay sa pag hihintay at pag aalala. Ilang beses din niya itong tinawagan, pero wala namang nasagot at iyon ang tunay na ipinag aalala niya. Dahil sa inip ay napalingon siya sa isa pa nilang kaibigan at kababatang na si Raizen. Chill lamang itong nakaupo at naghihintay. "Ui Zen, gabi na, bakit kaya wala pa rin si captain?" tanong pa niya sa tahimik at kalmadong kaibigan na nakaupo sa kanyang tabi. "Hindi ko din alam," sagot naman nito sabay taas ng balikat indikasyong wala talaga itong ideya. Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating ang matandang mayordoma nang mansion na tinirhan ng kanilang kababatang si Kyle. "Oh mga hijo, halika na kayo at maghapunan, siguro naman mamaya- maya ay narito na rin si Kyle," sabi ni Yaya Loi sa kanila. Mula kabataan nila, ito na ang kasambahay nina Kyle, napakabait nito at maalaga pa, para na rin nilang tunay na lola. "Ay Yaya salamat po, pero hihin-" hindi na naituloy ni Raizen ang sasabihin nito dahil inunahan na niya ito. "Opo Yaya salamat po, gutom na nga po ako eh," mabilis na saad pa niya. Kita pa niyang napailing na lang si Raizen dahil sa kanyang kakulitan. "Yaya wala po bang nabanggit na lugar na pupuntahan si Kyle kanina nung umalis sya?" napatingin siya sa kaibigan dahil sa tanong nito. "Oo nga po yaya, wala po ba syang nasabi?" Dahil sa tanong nila ni Raizen, ay paranag napa-isip sandali si Yaya nang biglang itong nagsalita na nagpagulat sa kanila. "Ah oo! na banggit nga pala niya na pupunta siya sa simbahan ngayon." "SIMBAHAN?!" sabay naming sigaw ni Zen. 'Woah at kailan pa ulit nagawi sa simbahan si Captain?' "Yaya, wag nyo pong sabihin na dun din po siya galing noong nakaraang linggo kaya hindi namin sya maabutan dito?" pagkukumpirma pa niya dito. "Sa tingin ko din mga hijo parang dun nga siya galing, masaya nga ako at muling na-iisipan na ulit ng batang yun na maglalabas at hindi lang nakakulong sa kwarto niya." Ngumiti pa ito sa kanila na para bang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. "Opo Yaya tama po kayo," pag sang ayon naman nilang dalawa, habang napapatango. May pagka-emo ang kanilang kaibigan na iyon dahil sa problema nito sa pamilya, wala naman silang ibang magawa para matulungan at mapagaan ang sitwasyon kaya nangako na lamang sila na kahit kailan ay hinding-hindi nila iiwan ang kaibigan kahit anong pagdaanan nito. Nawala siya sa pagkatulala dahil sa boses ni Yaya. "Sya halika na kayo at maupo na, ito oh nagluto ako ng adobo at pinakbet, gumawa din ako ng paboritong panghimagas ni Kyle." "BUKO PANDAN!!!" masayang sigaw pa nila, iyun kasi ang paboritong desert ng kanilang kaibigan na si Kyle, noong nabubuhay pa ang nanay ni Kyle, lagi itong gumagawa ng mga dessert at isa na roon ang buko pandan na paborito nito. Mula kabataan, lagi silang bumibisita at tumatambay dito sa lugar ni Kyle para makipaglaro ng basketball, may sariling Court kasi dito sa likod ng mansion at minsan din naman ay naglalaro sila sa xbox at iba pa. Malawak ang hardin, pati likod at gilid ng mansion. Kahit yayain nila si Kyle lumabas at maghang-out ay hindi ito sumasama kahit kailan, hindi talaga ito naglalalabas, school-bahay lang ang routine nito araw-araw, kaya talagang nakakapagtaka na bigla na lang nitong naisipan na lumabas lalo na at halos ilang taon na itong nagkukulong sa kwarto nito. Napailing na lang si Raizen, dahil sa kakulitan ni Ken. 'Hays, hindi na nahiya ang isang 'to, hindi pa nahintay si Kyle bago makikain.' isip-isip pa nito habang nakasilay sa maganang pagkain ng kaibigan. Mula sa living room ay isinama sila ni Yaya sa dining area kung saan ay may mahaba at malaking table na nakalagay doon. Habang nakaupo ay hindi ni Raizen maiwasang di mapasilay sa paligid, ang malaki at maluwag na espasyong ito na matatawag na hapagkainan. Kahit siya ay malulungkot at mawawalan ng gana kung mag isa siyang kakain sa ganitong kalaking lugar. Pero mukhang walang lungkot-lungkot na mararamdaman kapag tungkol na kay Ken at sa pagkain ang usapan. Tahimik at bahagyang napailing siya dahil sa kakulitan nito, pansin pa niya ang pakikipag usap nito kay Yaya at sa iba pang mga dalagang kasambahay dito habang patuloy sa pagnguya ng pagkain sa bibig. Mabuti na lamang at sa tingin niya ay maayos lang din iyon sapagkat sanay na rin naman si Yaya Loi sa kanila, dahil mga bata pa lang ay lagi na silang narito, halos pangalawang tahanan na nila ang mansion na ito. "Yaya ang sarap ng luto niyo, the best talaga!" masiglang ani Ken na halatang binubola ang matanda, siya naman ay napaiwas na lamang nang magtalsikan ang mga butil ng kanin habang nagsasalita ito. Ang ibang dumikit sa kanyang tapat ay pinagpagan pa niya at saka tinaasan ng kilay ang madaldal na kaibigan. "Ganun ba hijo, sya kumain ka pa, heto pa oh," masaya namang sabi ni Yaya, sabay abot kay Ken ng iba pang putaheng niluto nito. "Ikaw talaga Ken, pag dating sa pagkain hindi ka talaga mapigilan," natatawang saad pa niya dito, at saka pinagpagan din ang tshirt nito na may mga nakadikit na kanin. "Ano namang masama sa pagkain ha zen ang sarap kayang kumain," ang nakanguso pa nitong sagot sa kanya, kaya lalo akong napatawa. Kahit si Yaya ay di na rin napigilang di mapatawa dahil sa pagiging gahaman nito sa pagkain. Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa pagiging isip bata nito. 4th year high school na sila at ibang buwan na lamang ay ga-graduate na tapos kung umakto ito ay parang isang grade schooler pa rin. Hindi bagay ang ugali nito sa itsura at edad nito, 17 years old na ito na may katamtamang pangangatawan, hindi payat di rin naman mataba, matangkad din ito, tama lang para sa isang basketball player na tulad nila. Mabait naman si Ken, iyun nga lang napaka daldal at sobrang kulit, para bang lagi itong naka inom ng isang box na enervon sa tindi ng energy nito. Bago pa niya masermunan na naman ito, napatigil siya nang biglang may magsalita sa kanyang likudan. "What the heck are you two doing here?" kahit hindi na ako lumingon ay alam na alam ko kung kanino nanggaling ang boses na yun, sa kabilang banda naman ay halos maputol ang ulo ni Ken sa paglingon sa likudan nito. "Captain!!!" ang sigaw ni Ken papunta sa kinalalagyan ni Kyle, mula kabataan pa lamang nila ay talagang attached na ito kay Kyle, kaya tumayo na rin siya para puntahan ang dalawa. "Oi! Captain saan ka ba galing? Bakit ginabi ka?" sunod-sunod na tanong ni Ken sa bagong dating na kaibigan, naramdaman din niya na nakasunod si Raizen sa kanyang likodan. "Tch." Kaya napakamot na lang siya sa ulo ko habang napapaisip nang...'Ano ba yan? sa dami ng sinabi ko yun lang ang sagot niya. Hays, ano pa nga ba ang aasahan kay Mr. Man-of-few-words.' Sa kanilang tatlong magkakaibigan, ito ang pinakatahimik, seryoso at walang pakialam sa paligid. Pakiramdam nga niya ay wala itong pakialam sa kahit ano at kahit kanino. Sa sobrang tipid nito magsalita, pwede nang magpadasal sa lahat ng simbahan kapag nakapagsalita ito nang isang sentence sa kanila man o lalo na sa ibang tao. Base pa sa pagkakakilala niya dito, kadalasan pa kapag ayaw nito sa taong kumukuha ng atensyon nito sa paraang pakikipag usap, hindi na lang ito kumikibo o parang wala lang narinig at hindi rin namamansin. Certified na isnabero talaga, pero kahit ganun sikat pa rin ito sa kanilang school dahil sa pagiging team captain nito sa basketball. Napakatalino din nito at syempre gwapo din tulad niya. Kung bakit ito naging ganun ay may mabigat na dahilan, ang may isa pang bagay na pinaka-iniwasan nitong gawin, iyon ay ang ngumiti, magbuhat nang mangyari ang trahedyang nangyari sa pamilya nito ay hindi na nila muling nasilayan ang ngiti ng kanilang Captain. Para sa amin na matagal na itong kilala at kasama, siguro himala kung masilayan at mangyari man ang bagay na iyon. "Buti dumating ka na Kyle, pasensya ka na hindi ka na namin nahintay at nakikain na kami," saad pa ni Zen kay Captain. "That's fine, do whatever you want," tipid na turan nito, habang nagsasalin ng tubig sa baso. Lumapit naman si Yaya dito para tanungin kung nais ba ni Captain na kumain, umiling naman ito sabay sabing... "I'm okay Ya, I'm not hungry anymore." Tumango naman si Yaya at inayos ang kanilang pinagkainan nila ni Raizen. "Hindi ka na kakain?" tanong pa ulit niya. Kahit siya man ay nagtataka kung bakit ayaw nitong kumain. Hindi naman iyon big deal, pero pagnagpatuloy ang lahat baka magkasakit ito pag nagtagal. "Yeah, I'm already done." Ibinaba nito ang baso at saka nagsimula nang maglakad palayo, mukhang pabalik na sa kwarto ito. "Kumain ka na ba sa labas Captain, sa restaurant ba namin yan?" nagtatakang pahabol na tanong niya dito. Alam niyang di ito kumain sa fast food at iba pang lugar kaya sigurado siyang sa isang high end na restaurant ito naghapunan. At walang iba iyon kung hindi sa restaurant na pagmamay ari nang pamilya niya. "Nope, somewhere else," sagot nito sabay lingon sa kanila, na nakapagpabigla sa kanila ni Raizen kaya nagkatinginan pa sila. "Kung hindi sa restaurant namin, eh saan?" Hindi talaga kami makapaniwala sa sagot nito, pero sa halip na sagutin niya kami, umiwas lang ito nang tingin na para bang pinag iisipan nito kung magsasabi ba ito sa amin o hindi. Sa huli, hindi ito nagsalita at nagpatuloy na sa paglalakad kaya napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. 'Napaka-masekreto talaga ni Captain, masaya kami na malamang may interes na muli ito sa paglabas ng bahay maliban sa pagpunta sa school, isang sinyales kasi iyon na sa wakas ay unti-unti na itong nakaka-move on sa mga nangyari noon, pero nag aalala pa rin ako dahil, baka nasasangkot naman ito sa masamang bagay.' Lilingon na sana siya kay Raizen na katabi para ayain itong umuwi nang biglang makarinig sila nang boses sa di kalayuan. "I ate with my new friend." Nanlaki ang kanyang mata sa gulat at mabilis na napatingin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD